HUNYO | Para sa mga lumilisan sa kanilang bansa

Ipagdasal natin na makahanap ng pagtanggap at mga bagong pagkakataon sa buhay ang mga migrante na tumatakas sa mga digmaan o gutom, at napilitang maglakbay na puno ng panganib at karahasan.

Papa Francisco – HUNYO 2024

Mahal kong mga kapatid, nais kong ipagdasal natin ngayong buwan ang mga lumilisan sa kanilang bansa.
Ang drama na nararanasan ng mga taong napipilitang iwanan ang kanilang lupain upang tumakas sa mga digmaan o kahirapan ay madalas kasama ang matinding  pakiramdam na para silang halamang pilit na binunot sa lupa, at pakiramdam na walang tumatanggap sa kanila.
Higit pa, sa ilang mga bansa na dinaratnan nila, ang tingin sa mga migrante ay dapat silang ikabahala at katakutan.
Pagkatapos,  lumilitaw ang multo ng mga pader: mga pader sa lupa na naghihiwalay sa mga pamilya at mga pader sa puso.
Hindi dapat makibahagi ang mga Kristiyano sa ganitong asal. Ang tumatanggap sa migrante  ay tumatanggap kay Kristo.
Dapat nating isulong ang kulturang panlipunan at pampulitika na nagpoprotekta sa mga karapatan at dignidad ng migrante. At itaguyod ang kanilang kakayahang umunlad. At pasalihin sila sa kabuuan ng lipunan.
Ang migrante ay dapat na samahan, itaguyod at isali.
Ipagdasal natin na makahanap ng pagtanggap at mga bagong pagkakataon sa buhay ang mga migrante na tumatakas sa mga digmaan o gutom, at napilitang maglakbay na puno ng panganib at karahasan.

Credits

Campaign title:

The Pope Video – JUNE | For those fleeing their own countries

A project by Pope’s Worldwide Prayer Network

In collaboration with Vatican Media

Creativity and co-production by:

PRESS RELEASE

Papa Francisco: “Ang tumatanggap sa migrante ay tumatanggap kay Kristo.”

  • Ngayong Hunyo, sa Ang Video ng Papa, inaanyayahan tayo ni Papa Francisco na manalangin para sa kalagayan ng mga migrante na tumatakas sa mga digmaan o sa gutom upang “makahanap ng pagtanggap at mga bagong pagkakataon sa buhay.”
  • Kapag ang turing sa mga migrante ay mga dapat katakutan, “lumilitaw ang multo ng mga pader: mga pader sa mundo na naghihiwalay sa mga pamilya at mga pader sa puso”, wika ng Papa.
  • Paalala ni Papa Francisco na “ang tumatanggap sa migrante ay tumatanggap kay Kristo” at hiling niya na ang mga migrante ay damayan, itaguyod, at isama sa lipunan. 

(Vatican City, May 28, 2024) – “Para sa mga lumilisan sa kanilang bansa” ang intensyon sa panalangin sa Video ng Papa sa Hunyo na ipinalalabas ng Pope’s Worldwide Prayer Network o Apostolado ng Panalangin.

Mga pader sa lupa, mga pader sa puso

Ang mensaheng nakavideo – na bunga ng pakikipagtulungan ng Tele Vid at sa suporta ng Dicastery for the Service of Integral Human Development – ay kuwento mula sa mga border, mga hangganan ng iba’t ibang bahagi ng mundo. May lumilitaw ng mga mukha ng mga nagdurusa, mga paang naglalakad, mga bag na may kaunting nakayanang madala mula sa mga tahanang iniwan. Subalit meron ding mga pagpapahayag ng pakikipag-isa, pakikiramay, mga yakap, mga proyekto ng malugod na pagtanggap sa kanila: paalala ng Papa na “Ang tumatanggap sa migrante ay tumatanggap kay Kristo.” Sa lipunan ngayon, kahit sa mga bansang diumano’y Kristiyano, nakakalimutan na ang diwang ito: sa katunayan ngayon, tinutuligsa ni Francisco ang sitwasyon, “sa ilang mga bansa na dinaratnan nila, ang tingin sa mga migrante ay dapat silang ikabahala at katakutan,” at ito ay humahantong sa paglitaw ng “multo ng mga pader: mga pader sa mundo na naghihiwalay sa mga pamilya at mga pader sa puso.” Ngunit “dapat makibahagi [tayong] mga Kristiyano sa ganitong asal.”

Pagtakas at pagkabunot

Sa nakalipas na mga taon, ang bilang ng mga nagsilikas na tao ay higit na sa bilang noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ayon sa United Nations (UN) High Commission for Refugees, sa panahon ng 2023 mga 110 milyong tao sa buong mundo ang sapilitang lilipat. Sa kontekstong ito, hinihiling ni Francis na samahan, isulong at isama ang mga migrante.

“The drama experienced by people forced to abandon their land fleeing wars or poverty is often combined with the feeling of uprooting, of not knowing where one belongs,”

“Ang drama na nararanasan ng mga taong napipilitang iwanan ang kanilang lupain upang tumakas sa mga digmaan o kahirapan ay madalas kasama ang matinding pakiramdam na para silang halamang pilit na binunot sa lupa, at pakiramdam na walang tumatanggap sa kanila,” pagdadalamhati ng Papa sa simula ng video – na ipinalabas sa buwan na kung kailan ginugunita ng UN ang International Refugee Day (Hunyo 20). At iyan ang dahilan kung bakit nananawagan siya na “isulong ang kulturang panlipunan at pampulitika na nagpoprotekta sa mga karapatan at dignidad ng migrante. At itaguyod ang kanilang kakayahang umunlad. At pasalihin sila sa kabuuan ng lipunan.”

Isang Pangkalahatang Bayan

Mula pa noong simula ng kanyang Pontificado, nag-aalala na ang Papa tunkol sa ng mga migrante at refugee. Sa Apostolic Exhortation na Evangelii Gaudium (2013), sinabi niya: “Espesyal na hamon sa akin ang isyu ng mga migrante dahil ako ay Pastor ng Simbahang walang hangganan, ang Iglesyang ramdam ang sarili na Ina ng lahat. Dahil dito, hinihimok ko ang lahat ng mga bansa na maging mapagbigay at bukas-loob, sa halip na matakot na mawalâ ng lokal na pagkakakilanlan, ay makayanang lumikha ng mga bagong anyo at paraan ng kultural na synthesis.”

Makalipas ang ilang taon, sa Encyclical na Fratelli Tutti (2020) inanyayahan naman niya tayong magkaroon ng “pusong bukas sa buong mundo” at igalang ang “karapatan ng bawat tao na makahanap ng isang lugar kung saan maaari niyang […] lubos na mapagtanto ang kanyang sarili bilang isang tao.” Gayundin, binibigyang-diin niya ang pangangailangang bumuo ng isang “kultura ng pagtatagpô” kung saan mayroong mga punto ng pakikipag-ugnay, mga tulay na itinayo at ang lahat ay inaasahang isasama. Sa ganoong kahulugan, ang video ay muling pakisuap ng Papa na huwag magwalangbahala sa krisis ng migrasyon.

Naglalakad ang Diyos Kasama ang Kanyang Bayan

Kaugnay ng intensyon ng mensahe ng videong ito, taun-taon, mula pa noong 1914, inaanyayahan tayo ng Simbahan na ipagdasal ang mga migrante sa loob ng balangkas ng Pandaigdigang Araw ng mga Migrante at Refugee. “Naglalakad ang Dios Kasama ang Kanyang Bayan” ang motto na pinili para sa taong 2024 sa pagdiriwang na mangyayari sa September 29.

Ang prefect ng Dicastery for the Service of Integral Human Development that organizes and disseminates this day, Cardinal Michael Czerny, reflected: “Pope Francis reminds us that ‘God walks with his people’. The Holy Family had to take refuge in a foreign land because the life of the Child Jesus was in danger. We are all invited to welcome, protect, promote and integrate people who leave their homeland to save their lives or in search of a dignified future. By protecting the rights of migrants, the comprehensive human development of all is promoted and the communities they host are enriched in multiple ways.”

Mga Estado na May Pananagutan para sa Pakikipagkapatiran

Si Padre Frédéric Fornos S.J., Internasyonal na Direktor ng World Prayer Network ng Papa, ay nagninilay sa drama ng mga migrante: “Ang mga migranteng tumatakas sa digmaan at gutom, kadalasang nakaligtas sa mga desperadong paglalakbay, ay napupuntirya ng mga labanan, ng mga patakaran o policy. Mahalagang tandaan na hindi sila mga numero o istatistika, sila ay mga tao. Ang ating mga personal at kolektibong kwento ay minarkahan ng migration. Sa halip na ituring ang mga migrante bilang pasanin o problema, dapat tayong maghanap ng mga solusyon batay sa pakikiramay at paggalang sa sangkatauhan. Ang pananaw na ito ay isinilang mula sa Ebanghelyo at ang panalangin at ang turo ng Simbahan ay nagpapaalala nito sa atin.”

Pinaáalala ni Padre Fornos ang pagmumuni-muni ni Francis sa Fratelli Tutti: “Ang tunay na kalidad ng iba’t ibang bansa sa mundo ay nasusukat sa kakayahang mag-isip hindi lamang bilang isang bansa, kundi bilang isang pamilya ng tao, at ito’y napapatunayan lalo sa mga kritikal na panahon. […] Ang mga kulturang panlipunan at pampulitika lamang na nagpapakita ng malugod na pagtanggap ang maaaring magkaroon ng kinabukasan.”

Posible lamang ang Ang Video ng Papa salamat sa bukas-palad na ambag ng maraming tao. Maaari kayong magbigay ng inyong donasyon sa link na ito:

Saan mapapanood ang video?

Tungkol sa Video ng Papa

Ang Video ng Papa ay opisyal na pandaigdigang inisyatibo na layuning ipakalat ang mga buwanang intension ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin o Pope’s Worldwide Prayer Network). Mula pa noong 2016, napanood na ang Video ng Papa nang higit sa 210 milyong ulit sa lahat ng mga social network ng Vatican, at isinalin na sa higit sa 23 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan sa 114 na mga bansa. Nilikha at prinodyus ang mga video ng pangkat ng Apostolado ng Panalangin o ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, sa pakikipag-coordinasyon kay Andrea Sarubbi at sa pakikipagtulungan ng Agencia La Machi Comunicación para Buenas Causas. Suportado ng Vatican Media ang proyektong ito. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa

Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (PWPN-AP o Apostolado ng Panalangin)

Ang Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network ay isang Gawain ng Santo Papa (Pontifical Society/Work at Foundation) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensiyon sa panalangin na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng samahang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Matatagpuan ito sa 89 na bansa at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang gawaing ito bilang isang Vatican Foundation at inaprubahan ang mga bagong tuntunin (statutes) nito. Si Padre Frederic Fornos, SJ ang Pandaigdigang Direktor ng PWPN. May higit pang impormasyon sa: www.popesprayer.va

Tungkol sa Dicastery para sa Paglilingkod tungo sa Pag-unlad ng Buong Pagkatao (Dicastery for the Service of Integral Human Development)

Itinatag ng Santo Papa Francisco noong Agosto 17, 2016 ang Dicastery for the Service of Integral Human Development. Noong Enero 1, 2017, ang kapangyarihan ng Pontifical Council for Justice and Peace, ng Pontifical Council Cor Unum, ng Pontifical Council for the Pastoral Care of Emigrants and Itinerants at ng Pontifical Council for Health Workers ay pinag-isa sa Dicasteryong ito. Itinataguyod ng Dicastery ang integral na pag-unlad ng tao sa liwanag ng Ebanghelyo at sa mga alon ng panlipunang doktrina ng Simbahan. Nagbibigay ng espesyal na atensyon sa mga isyu ng katarungang panlipunan, nagpapalalim at nagpapaunlad ng mga tema ng kabutihang panlahat, kapayapaan at proteksyon ng paglikha, karapatang pantao, kalusugan, pandarayuhan at trafficking sa mga tao, na nagpapahayag ng pag-aalala at pagmamalasakit ng Papa sa sangkatauhang nagdurusa at nangangailangan. Higit pang impormasyon sa: www.humandevelopment.va

Tungkol sa Tele VID

Ang Tele VID ay sistema ng ebanghelisasyong multimedia na nilikha ng Congregaciong Marriana ng Medellín Colombia. Ipinapalabas nito ang satellite signal nito sa iba’t ibang cable television system na may iba’t ibang programming sa mga paksa ng espirituwalidad, kalusugan, pamilya at mainam na libangan 24 na oras sa isang araw. Sa mga digital platform, mayroon siyang channel sa YouTube na may higit sa dalawang milyong subscriber, Facebook 2,600,000 followers, at mayroon itong aktibong presensya sa Instagram at TikTok. Sa loob ng 24 na taon ng operasyon nito ay nakaposisyon ito bilang mahalagang kasangkapan ng ebanghelisasyon para sa Simbahang Katoliko sa Colombia. May higit pang informasyon sa www.televid.tv

CONTACT SA PRESS

POPE’S WORLDWIDE PRAYER NETWORK – VATICAN CITY

[email protected]

MGA KASOSYO:

DICASTERY FOR THE SERVICE OF INTEGRAL HUMAN DEVELOPMENT

[email protected]

TELE VID CHANNEL

Luisa Fernanda Gómez – Direktor NG Marketing

[email protected]

Mga Migrante, Digmaan, Kahirapan, Mga Refugee, Ang Video ng Papa, Intensyon ng Panalangin, Click to Pray, Sama-samang Manalanging Tayo, Espiritu Santo

adminHUNYO | Para sa mga lumilisan sa kanilang bansa