Ipagdasal nating matuklasan ng mga nagkahati-hating pamilya ang lunas sa kanilang mga sugat sa pamamagitan ng pagpapatawad, at muling pagtuklas ng mga regalo ng isa’t isa, pati na sa kanilang pagkakáibá.
PEBRERO | Para sa mga bokasyon sa buhay pari at buhay relihiyoso
Ipagdasal natin na tanggapin ng pansimbahang komunidad ang mga hangarin at mga agam-agam ng mga kabataan na nadarama ang tawag na isabuhay ang misyon ni Hesus, maging sa buhay pari o sa buhay relihiyoso.
Ipanalangin natin ang lahat ng mga migrante, refugee, at naapektuhan ng mga digmaan. Nawa igalang ang kanilang mga karapatan sa edukasyon sapagkat ganap na kailangan ang ganyang respeto sa pagbuo ng makataong mundo.
Ipanalangin natin na itong nalalapit na Jubileo ay palakasin tayo sa ating pananampalataya, tulungan tayong makilala sa gitna ng ating mga buhay si Kristong Nabuhay na Mag-uli, at gawin tayong mga peregrino ng Kristiyanong pag-asa.
Let us pray for those people on the margins of society in subhuman living conditions, that they may not be neglected by institutions and never be cast out.
Let us pray for the Church, that she may adopt listening and dialogue as a style of life at every level, allowing herself to be guided by the Holy Spirit towards the world’s peripheries.