Ipagdasal natin na ang mga lipunan na doo’y tila mas mahirap ang magkakasamang pakikipamuhay ay hindi madaig ng tukso na makipagkomprontasyon para sa mga dahilang etniko, pampulitika, relihiyoso o ideolohikal.
Leo XIV
O Hesus, Panginoon ng aming kasaysayan,
Tapat na kasama namin at buháy na presensya,
Ikaw na hindi nagsasawang sumalubong sa amin,
Narito kami, nangangailangan ng Iyong kapayapaan.
Nabubuhay kami sa panahon ng takot at pagkakabaha-bahagi.
Minsan kumikilos kami na parang kami-kami lamang,
Nagtatayo ng mga pader na naghihiwalay sa amin sa isa’t isa,
Nakakalimutan na magkakapatid ang lahat.
Ipadala sa amin ang Espiritu mo, Panginoon,
Upang muling magningas sa loob namin
Ang pagnanais na maunawaan ang isa’t isa, at makinig,
Upang magkasama makipamuhay nang may paggalang at malasakit.
Bigyan mo kami ng lakas ng loob na maghanap ng mga landas ng diyalogo, Upang mga kilos ng pakikipagkapatiran ang maging tugon sa mga hidwaan, upang mabuksan ang aming mga puso sa iba, nang walang takot sa mga pagkakaiba namin.
Gawin kaming mga tagabuo ng mga tulay,
May kakayahang malampasan ang mga hangganan at ideolohiya,
Na kayang makita ang iba sa pamamagitan ng mga mata ng puso,
na kinikilala sa bawat tao ang dignidad na di dapat labagin.
Tulungan kaming lumikha ng mga espasyo na doon maaaring umunlad ang pag-asa, na doo’y hindi bantâ ang pagkakaiba-iba, sa halip, isang kayamanan na ginagawa kaming mas tunay na tao.
Amen.
Credits
Campaign title:
The Pope Video – AUGUST | For mutual coexistence