SETYEMBRE | Para sa ating pakikipag-ugnayan sa lahat ng nilikha

SETYEMBRE: Para sa ating pakikipag-ugnayan sa lahat ng nilikha
Leo XIV

Ipagdasal natin na, sa inspirasyon ni San Francisco, ay maranasan natin ang ating pagakaka-ugnay-ugnay sa bawat nilikha na minamahal ng Diyos at karapat-dapat sa pagmamahal at paggalang.

Panginoon, mahal Mo ang lahat ng iyong nilikha,
at walang umiiral sa labas ng misteryo ng Iyong malambing na pag-aalaga.
Bawat nilalang, gaano man kaliit,
ay bunga ng Iyong pag-ibig at may lugar sa mundong ito.

Kahit na ang pinakasimple o pinakamaikling buhay ay napapaligiran ng Iyong pangangalaga.
Tulad ni San Francisco de Asis, gusto rin naming sabihin ngayon:
“Purihin Ka, Panginoon ko!”

Sa pamamagitan ng kagandahan ng kalikasan,
Inihahayag Mo ang Iyong Sarili bilang bukal ng kabutihan. Hinihiling namin sa Iyo:
buksan ang aming mga mata upang makilala ka,
natututo mula sa misteryo ng Iyong pagiging malapít sa lahat ng nilikha
na ang mundo ay lubhang higit sa isang problemang dapat lutasin:
misteryo ito na dapat pagnilayan nang may pasasalamat at pag-asa.

Tulungan kaming tuklasin ang Iyong presensya sa lahat ng nilikha,
upang, sa ganap na pagkilala nito,
maaari naming madama at malaman ang aming sariling responsibilidad para sa tahanan naming lahat
na dito’y inaanyayahan Mo kaming pangalagaan, igalang, at protektahan ang buhay sa lahat ng anyo at posibilidad nito.

Purihin Ka, Panginoon!
Amen.

Credits

Campaign title:

The Pope Video – SEPTEMBER | For our relationship with all of creation

A project by Pope’s Worldwide Prayer Network

In collaboration with Vatican Media

Creativity and co-production by:

adminSETYEMBRE | Para sa ating pakikipag-ugnayan sa lahat ng nilikha