Tungkol sa Video ng Papa

Ang Video ng Papa (“Pope Video”) ang siyang opisyal na pandaigdigang inisyatibo na may layuning ipalaganap ang buwanang intensiyon ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pope’s Worldwide Prayer Network o Pandaigdagang Lambat-Panalangin ng Papa.
Ang PWPN (Pope’s Worldwide Prayer Network) ay isang Gawaing Pontifical (Kalipunang nasasakop ng Santo Papa) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at paglilingkod upang tumugon sa mga hamon na kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensyong pampanalangin na inihahabilin ng Santo Papa sa buong Simbahan. Nakaugat ang misyong ng fundasyong ito sa dinamiko ng espiritualidad ng puso ni Hesus, ang misyon ng pagmamalasakit para sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. May presensiya ito sa higit sa 90 na bansa at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay pangkabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusan ng Eukaristikong Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang Kalipunang ito bilang isang Vatican Foundation at inaprobahan ang mga bagong alituntunin. Si Padre Crístobal Fones, SJ ang International Director (Pangmundong Tagapangasiwa) ng PWPN.
Para sa iba pang kaalaman, bumisita sa: popesprayer.va
Ang proyektong ito ay suportado ng Vatican Media.

Ang Video sa Papa (Pope’s Video) usa ka opisyal nga inisyatibo sa kalibutan aron ipakaylap ang binulan nga katuyoan sa Santo Papa. Ang Pope’s Worldwide Prayer Network (Apostolado sa Pag-ampo)

Ang Pope’s Worldwide Prayer Network, usa ka Pontifical Society, nga adunay misyon nga pagpalihok sa mga Katoliko pinaagi sa pag-ampo ug lihok agi’g tubag sa mga hagit nga giatubang sa katawhan ug misyon sa Simbahan. Ang kini nga mga hagit gipakita pinaagi sa katuyoan sa pag-ampo nga gitugyan sa Santo Papa sa tibuok nga Simbahan. Ang misyon sa patukoranan nakasulat sa dinamiko sa Kasingkasing ni Hesus usa ka misyon sa kalooy alang sa kalibutan. Gitukod kini kaniadtong 1844 ingon ang pagka-Apostol sa Pag-ampo o Apostolado sa Pag-ampo. Naa kini sa 89 nga mga nasud ug gilangkuban sa labaw sa 22 ka milyon nga mga Katoliko. Kauban niini ang sanga sa kabatan-onan, ang EYM: Eucharistic Youth Movement. Kaniadtong Disyembre 2020 gihimo sa Santo Papa ang Pontifical Society nga ingon Vatican Foundation ug giaprobahan ang bag-ong mga balaod. Ang International Director niini mao si Fr. Frederic Fornos, SJ. Alang sa dugang nga kasayuran bisitaha ang: popesprayer.va

Ang proyekto gisuportahan sa Vatican Media.

Karapatang gamitin galing sa “Video ng Papa”
Atribusyon Non-Commercial No Derivatives (CC BY-NC-ND).
*Kailangang magbigay ng credit at reference sa orihinal na may-aksa (The Pope Video – www.thepopevideo.org – by Pope’s Worldwide Prayer Network)
**Hindi dapat baguhin ang akda sa anumang paraan.
***Hindi pinahihintulutan ang paggamit ng akdâ para sa negosyo o anumang pangkomersyong gamit.
Para sa iba pang impormasyon at pakiusap, icontact ang: [email protected]

adminTungkol sa Video ng Papa