Ipagdasal natin na muli nating matutunan kung paano mangilatis, malaman kung paano pumili ng mga landas ng buhay at tanggihan ang lahat ng umaakay sa atin palayo kay Kristo at sa Ebanghelyo.
Espiritu Santo, Ikaw, liwanag ng aming pang-unawa,
magiliw na hininga na gumagabay sa aming mga desisyon,
bigyan Mo ako ng biyayang makinig nang mabuti sa iyong tinig
at upang mabatid ang mga nakatagong landas ng aking puso,
upang maunawaan ko kung ano ang tunay na mahalaga sa iyo,
at palayain ang aking puso sa mga kaguluhan nito.
Hinihiling ko sa iyo ang biyayang matutunan kung paano huminto,
upang magkaroon ng kamalayan sa paraan ng aking pagkilos,
sa mga damdaming nananahan sa loob ko,
at sa mga kaisipang bumabagabag sa akin
na, madalas, hindi ko napapansin.
Hangad ko na ang mga pagpili ko
ay akayin ako sa kagalakan ng Ebanghelyo.
Kahit na kailangan kong dumaan sa mga sandali ng pagdududa at pagod,
kahit na kailangan kong magpumiglas, magmuni-muni, maghanap, at magsimulang muli…
Dahil, sa pagtatapos ng paglalakbay,
ang Iyong aliw ay bunga ng tamang desisyon.
Bigyan mo ako ng mas malalim na pag-unawa sa kung ano ang nagpapakilos sa akin,
upang itakwil ko ang humihila sa akin palayo kay Kristo,
at mahalin siya at paglingkuran siya nang higit pa.
Amen.
Credits
Campaign title:
The Pope Video – JULY | For formation in discernment
A project by Pope’s Worldwide Prayer Network
In collaboration with Vatican Media
Creativity and co-production by:
DeSales Media
Ángela Cid
Ignacio Calfuquir