HUNYO | Upang Maging Mas Mahabagin ang Mundo

Ipanalangin natin na ang bawat isa sa atin ay makatagpo ng kaaliwan sa isang personal na relasyon kay Hesus, at mula sa kanyang Puso, matutong magkaroon ng habag at pagmamalasakit sa mundo.

(Leo XIV)

Panginoon, lumalapit ako sa Iyong magiliw na Puso ngayon,
sa Iyong may mga salita na nagpaalab sa aking puso,
sa Iyo na nagbubuhos ng habag sa maliliit at dukha,
sa mga nagdurusa, at sa lahat ng paghihirap ng tao.

Nais ko pong mas makilala Ka, upang pagnilayan Ka sa Ebanghelyo,
upang makasama Mo at matuto mula sa Iyo
at mula sa mapagmahal mong kawanggawa na doo’y
pinahintulutan Mong masaling ka ng lahat ng uri ng kahirapan.

Ipinakita mo sa amin ang pag-ibig ng Ama sa pamamagitan ng pagmamahal sa amin nang walang sukat
kasama ng Iyong iisang Pusong Diyos at pusong tao.

Ipagkaloob Mo po sa lahat ng Iyong mga anak ang biyaya ng pakikipagtagpo sa Iyo.
Pag-ibahin, hubugin, at baguhin mo ang aming mga plano,
upang Ikaw lamang ang aming hanapin sa bawat pagkakataon:
sa dasal, sa trabaho, sa pakikipagtagpo, at sa aming pang-araw-araw na gawain.

Mula sa pakikitagpong ito,
ipadala kami sa misyon,
misyon ng pagmamalasakit sa mundo
na dito’y Ikaw ang pinanggagalingan ng lahat ng consuelo at aliw.

Amen.

Credits

Campaign title:

The Pope Video – JUNE | That the world might grow in compassion

A project by Pope’s Worldwide Prayer Network

In collaboration with Vatican Media

Creativity and co-production by:

adminHUNYO | Upang Maging Mas Mahabagin ang Mundo