Manalangin tayo na ang paggamit ng mga bagong teknolohiya ay huwag ipagpalit sa mga tunay na pakikipag-ugnayan ng tao sa isa’t isa, igalang ang dignidad ng tao at makatulong sa pagharap natin sa mga krisis ng ating panahon.
Pope Francis – April 2025
Tunay na inaasam kong higit na tumingin tayo sa mata ng isa’t isa sa halip ng pagtutok natin sa ating mga cellphone at kompyuter.
Malinaw na merong mali kung mas marami tayong oras na ginugugol sa ating mga cellphone kaysa sa pakikipagtagpo sa mga tao. Nagagawa ng mga cellphone at gadget na tayo’y makalimot at mawala sa ating pansin na may totoong mga tao sa likod ng mga gamit na ito na buháy at humíhingá, tumatawa, at umiiyak.
Totoong ang teknolohiya ay bunga ng katalinuhang ipinagkaloob ng Diyos sa atin. Ngunit dapat gamitin ito sa maayos na paraan. Hindi maaaring pakinabangan lamang ito nang kaunti habang naisasantabi ang iba.
Kaya ano ang dapat nating gawin? Kailangang gamitin ang teknolohiya upang maipagbuklod at hindi maipaghiwalay ang mga tao. Dapat itong magamit upang maiahon ang mga mahihirap. Makatulong sana ito upang mapagaling ang buhay ng mga maysakit at mapaunlad ang buhay ng mga may kapansanan. Magamit nawa ang teknolohiya upang mapangalagaan ang ating mundo na ating kaisa-isang tahanan at maipagtagpo nito ang lahat bilang magkakapatid.
Sa pagtitinginan natin sa mata ng isa’t isa, natutuklasan natin ang tunay na mahalaga: na magkakapatid tayong lahat at mga anak ng iisang Ama.
Manalangin tayo na ang paggamit ng mga bagong teknolohiya ay huwag ipagpalit sa mga tunay na pakikipag-ugnayan ng tao sa isa’t isa, igalang ang dignidad ng tao at makatulong sa pagharap natin sa mga krisis ng ating panahon.
Credits
Campaign title:
The Pope Video – APRIL | For the use of the new technologies
A project by Pope’s Worldwide Prayer Network
In collaboration with Vatican Media
Creativity and co-production by:
Coronation Media