NOBYEMBRE | Para Mapigilan ang Pagpapakamatay

Ipagdasal natin na silang mga binubunô ang pag-iisip ng pagpapakamatay ay mahanap ang suporta, pangangalaga at pagmamahal na kailangan nila sa kanilang komunidad, at maging bukás sa kagandahan ng buhay.

 Leo XIV

Panginoong Hesus,
nag-aanyaya Ka sa mga pagód at nabibigatan
upang lumapit sa Iyo at magpahinga sa Iyong Puso;
ipinadarasal namin ngayong buwan para sa lahat ng tao
na nabubuhay sa kadiliman at kawalan ng pag-asa,
lalo na silang binubunô
ang pag-iisip ng pagpapakamatay.

Lagi nawa silang makahanap ng komunidad
na tinatanggap sila, nakikinig sa kanila, at sinasamahan sila.
Bigyan mo kaming lahat ng pusong matulungin at mahabagin,
na kayang mag-alok ng ginhawa at suporta,
gayundin sa kinakailangang propesyonal na tulong.

Nawa’y malaman namin kung paano maging malapít nang may paggalang at lambing,
tumutulong sa pagpapahilom ng mga sugat, pagbuo ng ugnayan at pagpalawak ng mga abot-tanaw.
Nawa sabay naming matuklasan na ang buhay ay regalo,
na meron pa ring kagandahan at kahulugan,
kahit sa gitna ng sakit at pagdurusa.
Alam na alam namin na ang mga sumusunod sa Iyo
ay maaari ring dumanas ng kalungkutang walang pag-asa.

Hinihiling namin sa Iyo na laging ipadama sa amin ang Iyong pagmamahal
upang, sa pamamagitan ng Iyong pagiging malapít sa amin,
makilala at maipahayag namin sa lahat ang walang katapusang pag-ibig ng Ama
na tangang-kamay na inaakay kami tungo sa panibagong pagtitiwala sa buhay na ibinibigay Mo sa amin.

Amen.

Credits

Campaign title:

The Pope Video – NOVEMBER | For the prevention of suicide

A project by Pope’s Worldwide Prayer Network

In collaboration with Vatican Media

Creativity and co-production by:

adminNOBYEMBRE | Para Mapigilan ang Pagpapakamatay