Leo XIV
Ipanalangin natin na ang mga Kristiyanong naninirahan sa mga lugar ng digmaan o tunggalian, lalo na sa Gitnang Silangan, ay maging mga binhi ng kapayapaan, pagkakasundo at pag-asa.
Diyos ng kapayapaan,
na sa pamamagitan ng dugo ng Iyong Anak
ay pinagkasundo ang mundo sa Iyong sarili,
nananalangin kami ngayon para sa mga Kristiyanong
nabubuhay sa gitna ng mga digmaan at karahasan.
Kahit napapaligiran ng sakit,
nawa’y hindi sila tumitigil na madama ang banayad na kabaitan ng iyong presensya
at ang mga panalangin ng kanilang mga kapatid sa pananampalataya.
Sapagkat sa pamamagitan mo lamang, at pinalakas ng mga buklod ng magkakapatid,
makakaya nilang maging mga binhi ng pagkakasundo,
tagabuo ng pag-asa sa mga paraang maliit at malaki,
at kakayanin nilang magpatawad at lampasan ang mga samâ ng loob,
at maging tulay ng mga nagkakahiwalay,
at pagtaguyod ng katarungan na may awa.
Panginoong Hesus, na tinawag na mapalad
ang mga kumikilos para sa kapayapaan,
gawin Mo kaming mga instrumento ng kapayapaan
kahit tila imposible ang pagkakaisa.
Espiritu Santo,
bukal ng pag-asa sa pinakamadidilim na panahon,
patibayin ang pananampalataya ng mga nagdurusa at palakasin ang kanilang pag-asa.
Huwag po hayaang mahulog kami sa kawalang-pakí,
at gawin Mo po kaming mga tagapagtatag ng pagkakaisa, tulad ni Hesus.
Amen.
Credits
Campaign title:
The Pope Video – DECEMBER | For Christians in areas of conflict