Ipagdasal natin na ang lahat ng magulang na pinagluluksa ang anak ay suportahan ng kanilang komunidad at tumanggap ng kapayapaan ng puso mula sa Spiritu ng Kaaliwan.
Papa Francisco – Nobyembre 2024
Ano’ng masasabi natin sa mga magulang na namatayan ng anak? Paano natin sila aaliwin o aaluin?
Walang sapat na salita.
Kapag nawalan ng kabiyak ang asawa, balo ang tawag natin. Ang anak na namatay ang magulang, ulila ang tawag. Pero, pag ang magulang nawalan ng anak, wala tayong maitawag. Masyadong masakit, ni hindi natin mabigyan ng salita.
Hindi natural na mauna ang anak sa magulang. Lubhang matindi ang sakit na dulot nito.
Minsan, ang sinasabi natin para aliwin ang namatayán, hindi maganda ang datíng, hindi nakakatulong. Minsan kahit napakagandang intensyon ng pagkabigkas natin, mas lalong lumálalâ ang sugat sa kalooban nila.
Para mag-alok ng ginhawa sa mga magulang na ito, dapat pakinggan lang muna natin sila, mapagmahal silang samahan, at tugunan ang sakit na pinagdaraanan nila; tularan natin si Hesukristo sa kanyang pag-aliw sa mga nagdadalamhati.
Ang mga magulang naman na may lakas-loob na dulot ng pananampalataya ay tiyak na giginhawa ang kalooban sa mga pamilyang muling isinilang na puspos pag-asa sa kabila ng teribleng trahedya.
Ipagdasal natin na ang lahat ng magulang na pinagluluksa ang anak ay suportahan ng kanilang komunidad at tumanggap ng kapayapaan ng puso mula sa Spiritu ng Kaaliwan.
Credits
Campaign title:
The Pope Video – NOVEMBER | For those who have lost a child
A project by Pope’s Worldwide Prayer Network
In collaboration with Vatican Media
Creativity and co-production by:
Gaia Valeria Rosa, Diego Angeli and Andrea Schneider Graziosi
Benefactors
Thanks to
With the Society of Jesus
—
PRESS RELEASE
Sa Intensyon para sa November, Hiling ni Papa Francisco na Ipagdasal ang mga Magulang na Namatayan ng Anak
- Ganoon na lamang ang sakit ng mawalan ng anak, pagninilay ni Francisco, na ito’y “lubha ang sakit na walang salitang sapat” para ilarawan ito. At minsan “walang silbi” kahit ang mga binabanggit nating “mga salita ng pakikiramay” na “sinasabi natin nang may napakagandang intensyon.”
- Dahil dito, anyaya ng Papa na samahan natin nang may “responsabilidad” ang mga magulang na namatayan ng anak, “pakinggan sila, maging malapit sa kanila nang may pagmamahal, tulad ng pag-aliw ni Hesukristo sa mga nagdadalamhati”.
(Lungsod ng Vatican, ika-31 ng Oktubre, 2024) – Sa buwan ng November, na tradisyon na ng Simbhan na alalahanin ang mga sumampalatayang yumao na, inaanyayahan tayo ng Papa na ipagdasal ang lahat na namatayan ng anak. Mga ama at ina na dumadanas ng sakit na “lubhang matindi” at higit sa lahat ng lohika ng tao, dahil –tulad ng paalala ni Francisco sa video-mensahe na tinatalakay ang kanyang intensyon sa panalangin—“hindi natural ang mabuhay nang mas mahaba kaysa anak.”
Dalamhating Hindi Sapat na Maipahayag sa Salita
Hindi tayo handa na maunang yumao ang ating anak, ani Francisco sa Video ng Papa at walang mahanap sa diksyonaryo na salitang sapat para ilarawan ang ganitong kalagayan sa buhay. “Kapag nawalan ng kabiyak ang asawa, balo ang tawag natin. Ang anak na namatay ang magulang, ulila ang tawag. Pero, pag ang magulang nawalan ng anak, wala tayong maitawag. Masyadong masakit, ni hindi natin mabigyan ng salita.”
Walang salita, paalala ng Papa, liban pa sa ibang bagay, dahil sa harap ng pagyao ng anak, “walang silbi” ang mga salita. “Minsan, ang sinasabi natin para aliwin ang namatayán, ay palasak at mababaw lamang, at hindi maganda ang datíng, hindi nakakatulong. Minsan “kahit napakagandang intensyon ng pagkabigkas natin, mas lalong lumálalâ ang sugat sa kalooban nila.”
Madalas, ang angkop na tugon ay hindi agad ang kausapin nang kausapin ang mga magulang na ito, kundi “dapat pakinggan lang muna natin sila, mapagmahal silang samahan, at tugunan ang sakit na pinagdaraanan nila; tularan natin si Hesukristo sa kanyang pag-aliw sa mga nagdadalamhati.
Muling Pagsilang mula sa Pagdadalamhati
Inaalala ni Francisco na may mga pamilya na “matapos danasin ang kakila-kilabot na trahedya tulad nito ay muling isinisilang sa pag-asa”: ang susi ay ang suportang mula sa pananampalataya, mula sa presensya ng “Espiritual na Tagapag-aliw” na tinatawagan ng Papa na magdala ng “kapayapaan sa puso”, sa pagpaliwang niya ng intensyon niya sa panalangin. Ang ilan sa mga pamilyang nagdadalamhati ay tinatanghal sa Video ng Papa para sa buwang ito na binubuod ang mga kuwento ng dalamhati at pag-asa.
Nariyan ang pahihirap ng loob ni Serena, na inihagis ang sarili sa mga bisig ni Papa Francisco sa Gemelli Hospital upang ipagdalamhati ang kanyang maliit na si Angelica, na kamamatay lang dahil sa genetic disease. Nariyan sina Luca at Paola, ang mga magulang ni Francesco, na nabangga ng kotse noong siya ay 18 taong gulang, noong Oktubre 2022: walang araw na lumipas mula noon nang hindi sila bumalik sa pinangyarihan ng aksidente, o nagdadala ng bulaklak sa kanyang libingan . Mayroon ding kay Yanet, ina ni William, na pinatay sa edad na 21 ng mga gang dahil sa pagtalaga ng kanyang sarili laban sa karahasan.
Ngunit wala namang kakulangan ang mga larawan ng pag-asa. Gaya ng Grupong Naím, isinilang sa komunidad ng Romena, na minsan sa isang buwan ay nakikipagkita sila sa mga pamilyang nawalan ng anak. Kinuha ang panagalan ng Grupong “Naím” mula sa pangalan ng lugar na hindi kalayuan sa Nazareth kung saan nakatagpo ni Jesus ang isang balo na namatayan ng nag-iisang anak na lalaki, at walang salita Niyang hinawakan ang kabaong ng namatay na bata: palatandaan na ang mga kilos, sa harap ng gayong matinding sakit, ay higit pa kaysa sa mga salita.
Dalhin ang iyong sariling sakit kay Hesus
Ito mismong grupong Grupong Naím, na nakilala ni Papa Francisco noong Nobyembre 2023 sa Paul VI Hall, ang pinaalalahanan niya na “ang ibig sabihin ng pagiging Kristiyano ay pag-aalaga sa mga nasugatan at sa mga nagdurusa, upang magsindi ng maliliit na ilaw sa mga sitwasyong parang nawala na ang lahat.” At sa harap ng pagkamatay ng isang bata (“Isang napakatindi at tila di mapawing sakit, na hindi dapat balewalain ng mga salitang hungkag at mga mababaw na tugon”), ang pag-aalaga sa mga nasugatan ay higit sa lahat ay “matutong makiiyak kasama ang namatayan”ama-sama, at “dalhin ang sigaw ng kanilang pagdadalamhati kay Hesus.”
“Ang pagkawala ng anak ay isang karanasan na hindi tumatanggap ng mga teoretikal na paglalarawan at tinatanggihan ang pagiging banal ng mga relihiyoso o sentimental na mga salita, ng mga sterile na parirala ng paghihikayat o ng mga pangyayari na, kahit na gusto nilang aliwin, ay mas nasasaktan ang mga taong, tulad mo, harapin silang lahat araw-araw sa isang mahirap na labanan sa loob,” inulit ni Francis noong Marso ng taong ito nang makipagpulong sa mga magulang ng “Talità Kum” na asosasyon ng Vicenza.
Para kay Francis, ang sakit na tulad ng pagkawala ng isang bata, “napakasakit at kulang sa mga paliwanag,” “kailangan lamang na kumapit sa hibla ng isang panalangin,” isang daing na nakadirekta sa Diyos sa bawat sandali, na hindi nalulutas. ang trahedya, ngunit sa halip ito ay pinaninirahan ng mga tanong na paulit-ulit, mga tanong na nagtatanong upang malaman kung nasaan ang Diyos sa sandaling iyon at na, sa parehong oras, ay nagbibigay ng lakas upang sumulong at makahanap ng kaaliwan sa panalangin.
Isang tawag sa panalangin at pag-asa
Pagninilay ni Padre Cristóbal Fones S.J., ang Pansamantalang Internasyonal Direktor ng Pope’s Worldwide Prayer Network: “Ang sakit ng mawalan ng anak ay napakalalim. Sa harap nitong sitwasyon, sa halip na subukang magsabi ng maraming bagay sa namatayan, dapat muna nating lapitan sila nang may pagmamahal na mapagpalaya at may paggalang. Alam natin na ang Diyos ay hindi tumitigil sa pag-aliw at pakikiramay sa mga nagdurusa. Kinakailangang lapitan ang sitwasyong ito nang may pakikiramdam at pagkaselan, na nag-iingat upang mahanap ang angkop na wika na nagpapahintulot sa atin na manatili kasama ng namatayan sa paraang hindi hindi minamaliit tanggi ang sakit na dinadala nila, batid na palagi tayong naaantig at hinihikayat ng pag-asa sa Diyos ng Buhay.” Inaanyayahan tayo ni Padre Fones na makiisa sa panalangin kasama ang Papa upang ang Banal na Espiritu ay magdala ng kapayapaan at kaginhawaan na Siya lamang ang makapagbibigay sa mga pusong nasugatan ng trahedyang ito.
Nagiging posible lamang ang Ang Video ng Papa salamat sa bukas-palad na ambag ng maraming tao. Maaari kayong magbigay ng inyong donasyon sa link na ito.
Saan mapapanood ang video?
- Ang Opisyal na Website ng Ang Video ng Papa
- YouTube Channel ng Ang Video ng Papa
- Facebook Page ng Ang Video ng Papa
- Twitter/X ng Ang Video ng Papa
- Instagram ng Ang Video ng Papa
- Opisyal na Twitter/X @Pontifex
- Opisyal na Instagram @Franciscus
Tungkol sa Video ng Papa
Ang Video ng Papa ay opisyal na pandaigdigang inisyatibo na layuning ipakalat ang mga buwanang intension ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin o Pope’s Worldwide Prayer Network). Mula pa noong 2016, napanood na ang Video ng Papa nang higit sa 235 milyong ulit sa lahat ng mga social network ng Vatican, at isinalin na sa higit sa 23 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan sa 114 na mga bansa. Nilikha at prinodyus ang mga video ng pangkat ng Apostolado ng Panalangin o ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, sa pakikipag-coordinasyon kay Andrea Sarubbi at sa pakikipagtulungan ng Agencia La Machi Comunicación para Buenas Causas. Suportado ng Vatican Media ang proyektong ito. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa
Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (PWPN)
Ang Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network (Apostolado ng Panalangin) ay isang Gawain ng Santo Papa (Pontifical Society/Work at Foundation) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensiyon sa panalangin na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng samahang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Matatagpuan ito sa 89 na bansa at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang gawaing ito bilang isang Vatican Foundation at inaprubahan ang mga bagong tuntunin (statutes) nito. Ang Interim Internasyonal Director nito ay si P. Cristóbal Fones, S.J. May higit pang impormasyon sa: popesprayer.va
CONTACT SA PRESS
RED MUNDIAL DE ORACIÓN DEL PAPA – CIUDAD DEL VATICANO
Children, Family, Parents, Loss, Grief, The Pope Video, Prayer Intention, Click To Pray, We Pray Together, Holy Spirit