DISYEMBRE | Para sa mga Pilgrim ng Pag-asa

Ipanalangin natin na itong nalalapit na Jubileo ay palakasin tayo sa ating pananampalataya, tulungan tayong makilala sa gitna ng ating mga buhay si Kristong Nabuhay na Mag-uli, at gawin tayong mga peregrino ng Kristiyanong pag-asa.

Papa Francisco – Disyembre 2024

Ang Kristiyanong pag-asa ay regalo mula sa Diyos na nagdudulot ng ligaya sa ating buhay.
At ngayon, kailangan natin ito nang husto. Talagang kailangan ito ng mundo!
Kapag hindi mo alam kung mapapakain mo ba bukas ang mga anak mo, o kung ang pinag-aaralan mo ay makakatulong na makakuha ng magandang trabaho, madaling masiraan ng loob.
Saan tayo maghahanap ng pag-asa?
Ang pag-asa ay angkla – isang angkla na iyong inihahagis sa pamamagitan ng lubid na idadaong sa dalampasigan.
Kailangan nating kumapit sa lubid ng pag-asa – kumapit nang mahigpit.
Tulungan natin ang isa’t isa na matuklasan itong pakikitagpo kay Kristo na nagbibigay sa atin ng buhay, at maglakbay tayo bilang mga pilgrim, mga peregrino ng pag-asa upang ipagdiwang ang buhay na iyon. At ang pagpasok sa nalalapit na Jubileo ay ang susunod na yugto sa loob ng buhay ng pag-asa.
Araw-araw, punuin natin ang ating buhay ng kaloob ng pag-asa na ibinibigay sa atin ng Diyos, at sa pamamagitan natin, hayaan natin itong maabot ang lahat ng naghahanap nito.
Huwag kalimutan – ang pag-asa ay hindi kailanman nabíbigô.
Ipanalangin natin na itong nalalapit na Jubileo ay palakasin tayo sa ating pananampalataya, tulungan tayong makilala sa gitna ng ating mga buhay si Kristong Nabuhay na Mag-uli, at gawin tayong mga peregrino ng Kristiyanong pag-asa.

Credits

Campaign title:

The Pope Video – DECEMBER | For pilgrims of hope

A project by Pope’s Worldwide Prayer Network

In collaboration with Vatican Media

Creativity and co-production by:

PRESS RELEASE

Tumutunghay si Papa Francisco sa Jubileo, at dasal niya na ito nawa’y “palakasin tayo sa pananampalataya” at pagpapanibaguhin tayo upang maging mga “pilgrim ng Kristiyanong pag-asa.”

  • Sa kanyang intensyon sa panalangin ngayong Disyembre, inaanyayahan tayo ni Papa Francisco na manalangin na “itong nalalapit na Jubileo ay palakasin tayo sa ating pananampalataya, tulungan tayong makilala sa gitna ng ating mga buhay si Kristong Nabuhay na Mag-uli, at gawin tayong mga peregrino o pilgrim  ng Kristiyanong pag-asa.”
  • Anyaya ng Papa sa atin na maging mga pilgrim ng pag-asa sa isang mundo “na lubhang kailangan ito” at “at sa pamamagitan natin, hayaan natin itong maabot ang lahat ng naghahanap nito.”
  • “Ang pag-asa,” wika ni Papa Francisco, “ay angkla – angkla na iyong inihahagis sa pamamagitan ng  lubid na idadaong sa dalampasigan. Kailangan nating kumapit sa lubid ng pag-asa.”

(Vatican City, 3 December 2024). – “Para sa mga Pilgrim ng Pag-asa” ang pinili ni Papa Francisco na kanyang intensyon sa panalangin para sa buwán ng Disyembre.  Espesyal itong paanyaya sa loob ng contexto ng nalalapit na Jubileo 2025.  Dahil dito, hiling ng Papa sa atin na magdasal na “ang nálalapít na Jubileo ay palakasin tayo sa ating pananampalataya, tulungan tayong makilala sa gitna ng ating mga buhay si Kristong Nabuhay na Mag-uli, at gawin tayong mga peregrino ng Kristiyanong pag-asa.

“Mga Pilgrim ng Pag-asa,” ang tema ng Ang Video ng Papa ay sumasalamin sa isa mga pangunahing haligi ng kanyang pontificado.  Ito ang dahilan na hinihingi ng Papa Francisco na ang mga mananampalataya ay magbigay-patotoo sa “Kristiyanong pag-asa” sa mundong puspos ng pagkasirà ng loob at kawalang-pagtitiwala.  “Ang Kristiyanong pag-asa ay regalo mula sa Diyos na nagdudulot ng ligaya sa ating buhay.  At ngayon, kailangan natin ito nang husto.  Talagang kailangan ito ng mundo!” wika ng Papa sa video-mensahe na ipinagkatiwala niya sa Pope’s Worldwide Prayer Network (Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa o Apostolado ng Panalangin) at ipinrodyus sa pakikipagtulungan sa Fondazione Pro Rete di Preghiera del Papa at ng Dicasterio para sa Ebanghelisasyon.

Ang Bangkâ at ang Angkla

Sa Statio Orbis sa panahon ng pandemya sa Saint Peter’s Square na walang katau-tao, ginamit ni Papa Franisco ang metapora ng Ebanghelyo ng bangka sa gitna ng bagyo upang alalahanin ang panghihinà at disorientasyon ng sangkatauhan sa harap ng malalaking pagsubok. Sa isang pakahulugan, parang ibinabalik tayo ng Santo Papa sa bangkang iyon upang itampok ang kahalagahan ng angkla para sa intensyon ng panalangin para ngayong buwan.  “Ang pag-asa,” sabi niya, na sinasabayan ang kanyang mga salita nang napakahusay na mga galaw, “ay angkla — isang angkla na iyong inihahagis sa pamamagitan ng  lubid na idadaong sa dalampasigan. Kailangan nating kumapit sa lubid ng pag-asa.”

Pagsunod sa mga Yapak ni Abraham

“Ang birtud ng pag-asa ay nagbibigay sa atin ng matinding lakas upang maglakbay sa landas ng buhay,” sabi ni Papa Franisco noong 28 Disyembre 2016 sa panahon ng Pangkalahatang Audience na nakatuon sa figura ni Abraham. Sa isang banda, si Abraham ay hindi “natakot na makita ang katotohanan kung ano man ito,” at sa kabilang banda, siya ay may kakayahang sumaibayo upang “humantong sa higit pa sa pangangatuwiran ng tao, lampas sa makamundong pag-unawa at ng karunungan ng sanlibutan, higit sa karaniwang itinuturing na sentido komun, upang makayanang maniwala sa imposible.” Tulad ni Abraham, ang mga pangunahing tauhan ng Ang Video ng Papa ngayong buwan ay naglakbay, na nagsimula sa kanilang sariling mga paghihirap: ang mga alalahanin ng isang babae sa harap ng kusinang walang mailuto, ang mga pagdududa at agam-agam ng isang estudyante tungkol sa hinaharap.

“Araw-araw, punuin natin ang ating buhay ng kaloob na pag-asa na ibinibigay sa atin ng Diyos, at sa pamamagitan natin, hayaan nating makaabot ito sa lahat ng naghahanap nito,” sabi ng Papa sa kanyang mensahe na kasama ng kanyang hangarin sa panalangin. At ito mismo ang nangyayari sa mga bida sa video: sa kanilang paglalakbay, kapwa sila nakatatagpô ng ilang “mga pilgrims ng pag-asa” na malugod silang tinatanggap at inaanyayahan na samahan sila sa kanilang simbolikong paglalakbay patungo sa Banal na Pintuan na mananatiling bukas sa buong taon ng Jubileo.

Jubileo 2025, isang paanyaya na lumakad nang may pag-asa

Ang Jubileo 2025, na ang tema ay “Mga Pilgrims ng Pag-asa“, ay magiging natatanging panahon para sa pagdiriwang at sa malalim na pagninilay. Tinatawag din na “Banal na Taon,” ito ay hindi lamang isang paghinto sa paglalakbay ng pananampalataya, kundi isang paanyaya na kilalanin si Kristo sa araw-araw. Binigyang-diin ni Papa Franisco sa kanyang liham sa Pro-prefect ng Dicasterio para sa Ebanghelisasyon, si  Arsobispo Rino Fisichella, na ang pandemya ay nagpahina ng pag-asa sa lipunan, at na “dapat nating paypayán ang apoy ng pag-asa na ibinigay sa atin.” Sa ganitong diwa, ang Jubileo ay ipinakita bilang pagkakataon upang palakasin ang pag-asa at ibahagi ito sa isang mundo na apurahang nangangailangan nito.

Ang Dicasterio ring ito  ay nakipagtulungan sa Pope’s Worldwide Prayer Network upang makagawa ng video ngayong buwan na, gaya ng paliwanag ni Arsobispo Rino Fisichella, ay naglalayong ihatid din ang isang pangunahing mensahe sa mga kabataan. “Kami ay nagpapasalamat sa pagkakataong suportahan ang Banal na Ama at ang inisyatiba ng Ang Video ng Papa patungkol sa Pag-asa bilang temang paghahanda sa Jubileo 2025. Ilang araw lamang bago ang pagbubukas ng unang Ordinaryong Jubileo ng ika-21 siglo, alalahanin natin ang talata mula sa Awit 27 kung saan tinapos ni Papa Franisco ang Bull of Indiction ng Banal na Taon, Spes non confundit: ‘Umasa sa Panginoon! Manatiling matatag, lakasan mo ang iyong loob at umasa sa Panginoon!’ ( Awit 27:14 ) Ang mga salitang ito ay paanyaya na huwag mawalan ng pag-asa sa anumang kontrobersya o kahirapan sa buhay, kahit na sa sitwasyon na ang ating mundo ay nasusugatan ng digmaan, karahasan at pagdurusa. Ipagdasal natin na sa pamamagitan ng videong ito, isang paraan ng komunikasyon na laán lalo na para sa mga kabataan, na ang lahat ay matanggap ang mensahe ng pag-asa na hindi nabíbigô dahil nakasalig ito sa pag-ibig ng Diyos.”

Ang mundo ay nangangailangan ng pag-asa

“Ang umasa laban sa pag-asa”, tulad ng ginawa ni Abraham ay hindi posible kung ayon lang sa pangangatuwiran ng tao. “Ngunit hindi gagáp ng katuwiran ang lahat ng mga solusyon, lalo na sa lipunan ngayon, na puno ng mga kontradiksyon. Ang pag-asa ay isang hindi maiiwasang hamon,” sabi ni Stefano Simontacchi,  miyembrong tagapagtatag at miyembro ng administrative board ng Fondazione Pro Rete di Preghiera del Papa, na nag-ambag sa paggawa ng video na ito. “Matagal na ngayon na, sa paningin ng mga kabataan sa kinabukasang ay bilang isang banta na nagdudulot ng kalungkutan. Ang ganitong pagpaubaya sa takot ay naglalagay sa kanila sa panganib na mawala ang kahulugan ang mismong pag-iral nila. Gaya ng itinuro sa atin ni Hesus mismo sa mga Ebanghelyo, ang pananampalataya ay ang lunas sa takot. Ang pag-asa ang ating pagsasabuhay nitong dimensyon ng ating pananampalataya. Naniniwala ako na ang positibong spiral na ito na nag-uudyok sa ating mamuhay na may kamalayan at may makahulugang layunin ay resulta ng asal na nagsisimula sa pag-asa (pagtitiwala), na may disposisyon ng pasasalamat, at may enerhiya na nagpapagalaw sa lahat at isinasagawa ang lahat — ang enerhiyang iyon ay pag-ibig. Kaya, tanggapin natin ang imbitasyon ni Pope Francis, at italaga ang ating sarili na mamuhay bilang mga pilgrim ng pag-asa.

Isang imbitasyon na magkasamang maglakbay

Si Padre Cristóbal Fones, S.J., Pandaigdigang Director ng Pope’s Worldwide Prayer Network ng Pope, ay nagninilay: “Sa pagbubukas ng Banal na Pintuan sa simula ng Jubileo 2025, simbolikong ipinapakita sa atin ng Papa ang maraming mga pintuan na kailangang buksan – mga pintuan para lumabas at makipagtagpo ang kapwa tao, at para patuluyin ang iba sa ating buhay;  mga pintuan ng kalayaan na nakasalig sa ating Kristiyanong pag-asa. Bilang mga disipulo ni Hesus na Muling Nabuhay, hindi tayo náaanod sa ating paglalakbay bilang pilgrim, ngunit matatag na nakaangkla sa Kanya. Ang Jubileong ito ay napakalaking pagkakataon upang buksan ang ating mga sarili nang buong tapang upang ibahagi ang liwanag ng pag-asa na ibinibigay sa atin ng pananampalataya, lalo na sa lahat ng mga nawalan nw ng kakayahang mangarap dahil sa sitwasyon nila ngayon na walang katiyakan sa buhay.

Nagiging posible lamang ang Ang Video ng Papa salamat sa bukas-palad na ambag ng maraming tao. Maaari kayong magbigay ng inyong donasyon sa link na ito.

Saan mapapanood ang video?

 

Tungkol sa Video ng Papa

Ang Video ng Papa ay opisyal na pandaigdigang inisyatibo na layuning ipakalat ang mga buwanang intension ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin o Pope’s Worldwide Prayer Network). Mula pa noong 2016, napanood na ang Video ng Papa nang higit sa 236 milyong ulit sa lahat ng mga social network ng Vatican, at isinalin na sa higit sa 23 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan sa 114 na mga bansa. Nilikha at prinodyus ang mga video ng pangkat ng Apostolado ng Panalangin o ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, sa pakikipag-coordinasyon kay Andrea Sarubbi at sa pakikipagtulungan ng Agencia La Machi Comunicación para Buenas Causas. Suportado ng Vatican Media ang proyektong ito. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa.

Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (PWPN) 

Ang Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network (Apostolado ng Panalangin) ay isang Gawain ng Santo Papa (Pontifical Society/Work at Foundation) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensiyon sa panalangin na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng samahang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Matatagpuan ito sa 89 na bansa at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Sa Hulyo 2024, inaprubahan ng Papa ang pinakadefinitivong Mga Tuntunin (Statutes) nitong Gawaing Pontifical (canonical at Vaticanong umiiral na legal). Ang Interim Internasyonal Director nito ay si P. Cristóbal Fones, S.J.. May higit pang impormasyon sa: popesprayer.va

Tungkol sa Fondazione Pro Rete Mondiale di Preghiera del Papa

Ang Fondazione Pro Rete Mondiale di Preghiera del Papa na nilikha noong Enero 2024, ay organisasyong non-profit na naglalayong suportahan ang mga internasyonal na aktibidad at proyekto ng Pope’s Worldwide Prayer Network. Ang mga modalidad ay maaaring maramihan: organisasyon at pamamahala ng mga aktibidad na pangkultura, masining at libangan; mga pagkukusa sa kawanggawa bilang suporta sa mga pinakamahihirap: pagtataguyod at proteksyon ng mga karapatang pantao, sibil at panlipunan; suporta para sa mga gawaing espiritwal o misyonero sa pinakamahihirap o pinakamahihirap na lugar sa mundo na doon ang Pope’s Worldwide Prayer Network (PWPN-AP), kumikilos nang direkta o sa pamamagitan ng mga lokal na tanggapan at pamparokyang grupo ng Apostolado ng Panalangin o ng Eucharistic Youth Movement. Sa wakas, ang Fundasyon ay naglalayong itaguyod, sa pamamagitan ng mga partikular na aktibidad ng may katangiang pangsambayanan, pang-edukasyon o pang-meditasyon, ang kahalagahan ng espirituwalidad at panalangin bilang mabisang instrumento para sa pagtataguyod ng kapayapaan.

Tungkol sa Dicasterio para sa Ebanghelisasyon

Ang Dicasterio ay nagsisilbi sa gawain ng ebanghelisasyon, upang si Kristo, ang liwanag ng mga bansa, ay makilala at bigyang-patotoo sa pamamagitan ng salita at gawa, at upang mapalakas ang Simbahan, ang Kanyang mistikong Katawan. Ang Dicasterio ay tumutugon sa mga pangunahing katanungan tungkol sa ebanghelisasyon sa mundo at para sa pagtatatag, pagtulong at pagsuporta ng mga bagong partikular na Simbahan. Para sa karagdagang impormasyon: evangelizatio.va

MGA CONTACT SA PRESS

PANDAIGDIGANG LAMBAT PANALANGIN NG PAPA – VATICAN CITY

[email protected]

MGA PARTNER

FONDAZIONE PRO RETE MONDIALE DI PREGHIERA DEL PAPA

Gianluca Vignola

[email protected]

DICASTERIO PARA SA EBANGHELISASYON

[email protected]

[email protected]

[email protected]

Pilgrims, Jubilee2025, Church, Hope, Community, The Pope Video, Prayer Intention, Click To Pray

adminDISYEMBRE | Para sa mga Pilgrim ng Pag-asa