Ipanalangin natin ang lahat ng mga migrante, refugee, at naapektuhan ng mga digmaan. Nawa igalang ang kanilang mga karapatan sa edukasyon sapagkat ganap na kailangan ang ganyang respeto sa pagbuo ng makataong mundo.
Papa Francisco – Enero 2025
Hindi pagmamalabis na sabihing may malubhang sakuna sa larangan ng edukasyon sa kasalukuyan. Mahigit-kumulang sa 250 milyong kabataan ang napagkakaitan ng edukasyon bunga ng mga digmaan, migrasyon, at kahirapan.
May karapatan sa edukasyon ang lahat ng kabataan anuman ang kanilang katayuan bilang dayuhan sa anumang bansa.
Pag-asa ng lahat ang edukasyon. Maaari nitong masalba ang mga migrante at mga nagsi-alisan sa kanilang mga bansa (refugee) sa mga karanasan ng diskriminasyon, kriminal na sindikato, at pagsasamantala. Tunay na maraming mga menor de edad ang pinagsasamantalahan ng iba. Natutulungan ng edukasyon na maging ganap ang kanilang integrasyon sa komunidad na tumanggap sa kanila.
Magagandang kinabukasan ang naipagkakaloob ng edukasyon. Sa ganitong paraan, makapag-aambag sa lipunan ang mga migrante at refugee. Maaaring ang mga ambag na ito ay tungo sa mga bagong bansa na kanilang tinutuluyan o maging sa kanilang bansang tinubuan sakaling nais nilang magbalikbayan.
Huwag nating limutin kailanman na sinumang tumatanggap sa mga dayuhan ay tumatanggap kay Hesukristo.
Ipanalangin natin ang lahat ng mga migrante, refugee, at naapektuhan ng mga digmaan. Nawa igalang ang kanilang mga karapatan sa edukasyon sapagkat ganap na kailangan ang ganyang respeto sa pagbuo ng makataong mundo.
Credits
Campaign title:
The Pope Video – JANUARY | For the right to an education
A project by Pope’s Worldwide Prayer Network
In collaboration with Vatican Media
Creativity and co-production by:
Gaia Valeria Rosa, Diego Angeli, and Andrea Schneider Graziosi
Benefactors
Thanks to
Raúl De La Fuente
Fondazione AVSI – People for development
Associazione Comunità Papa Giovanni XXIII
Istituto Madre Asunta Tijuana Mexico
Marco Palombi
© UNICEF – HIS: Ukrainian teaching assistants play a vital role in Czech schools – Yana’s story
© UNICEF – UNICEF Spokesperson James Elder visits Ukraine – 2024
© UNICEF NYHQ Teacher Anastasiia – Ukrainian children in Romania
UNICEF/Chiari/Trovato/2024
UNICEF/Anicito/2024