Ipagdasal natin na tanggapin ng pansimbahang komunidad ang mga hangarin at mga agam-agam ng mga kabataan na nadarama ang tawag na isabuhay ang misyon ni Hesus, maging sa buhay pari o sa buhay relihiyoso.
Papa Francisco – Pebrero 2025
Sa edad na 17, sabay akong nag-aaral at nagtatrabaho. May mga plano ako sa buhay. Hindi kasama rito ang pagpapari. Ngunit isang araw tumungo ako sa simbahan…. at naroroon ang Diyos na naghihintay sa akin!
Patuloy na nananawagan hanggang ngayon ang Diyos sa mga kabataan sa mga paraan na minsan ay hindi natin naiisip. Minsan hindi naririnig ang mga panawagang ito dahil labis ang ating pagkaabala sa mga pansariling plano at mga gawain sa buhay, pati ang ating mga inaasikaso sa Simbahan.
Ngunit dapat maging sensitibo tayo sa mga sinasabi ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mga panaginip at maging sa mga agam-agam na damá ng mga kabataan sa mga puso nila. Kung sinasamahan natin sila sa kanilang mga lakbayin, matutuklasan natin paanong gumawa ng mga bagong bagay kasama nila. Sa gayon puede nating tanggapin ang Kanyang panawagan sa mga paraang higit na mapaglilingkuran ang Simbahan at ang mundo sa kasalukuyang panahon.
Magtiwala tayo sa mga kabataan! At, higit sa lahat, magtiwala tayo sa Diyos dahil tinatawag Niya ang bawat isa!
Ipagdasal natin na tanggapin ng pansimbahang komunidad ang mga hangarin at mga agam-agam ng mga kabataan na nadarama ang tawag na isabuhay ang misyon ni Hesus, maging sa buhay pari o sa buhay relihiyoso.
Credits
Campaign title:
The Pope Video – FEBRUARY | For vocations to the priesthood and religious life
A project by Pope’s Worldwide Prayer Network
In collaboration with Vatican Media
Creativity and co-production by:
Benefactors
Thanks to
+ José H. Gómez, Archbishop of Los Angeles
Sarah Yaklic
Isabel Cacho
Peter Lobato
John Rueda
Office for Religious Education – Archdiocese of Los Angeles
Office for Vocations – Archdiocese of Los Angeles
Francesca Ambrogetti