OKTUBRE | Para sa Ating Sama-Samang Misyon

Ipagdasal natin na ang Simbahan ay patuloy na suportahan sa lahat ng paraan ang isang estilo ng pamumuhay na sinodal, sa diwa ng pagtutulungan, pagtataguyod ng partisipasyon, komunyon at pakikibahagi sa misyon ng mga pari, relihiyoso at layko.

Papa Francisco – Oktubre 2024

Lahat ng Kristiyano ay may pananagutan sa misyon ng Simbahan. Lahat ng pari. Lahat ng Kristiyano.
Ang mga pari ay hindi amo ng mga layko, kundi kanilang mga pastol. Tinawag ni Hesus ang bawat isa sa atin. Hindi ang ilan sa itaas ng iba, o ang ilan sa isang panig at ang iba sa kabilang panig, ngunit binubuo natin ang isa’t isa. Tayo ay isang komunidad. Kaya nga dapat tayong lumakad nang sama-sama sa daan ng sinodalidad.
Syempre, maari mo akong tanungin, ano ang magagawa ko, isang bus driver, ako, isang magsasaka?, O ako, isang mangingisda? Ang dapat nating gawin: magpatotoo sa ating buhay. At tanggapin ang pagiging katuwang sa misyon ng Simbahan.
Ang mga layko, ang mga binyagan, ay nasa Simbahan sa kanilang sariling tahanan, at kailangan nilang alagaan ito. Katulad din natin, ang mga pari, ang mga relihiyoso. Ang bawat isa ay iniaambag kung ano ang kanilang pinakamahusay na ginagawa. Tayo ay magkakatuwang sa misyon, tayo ay nakikilahok at nabubuhay sa pagkakaisang-loob ng Simbahan.
Ipagdasal natin na ang Simbahan ay patuloy na suportahan sa lahat ng paraan ang isang estilo ng pamumuhay ng sinodal, sa diwa ng pagtutulungan, pagtataguyod ng partisipasyon, komunyon at pakikiisa sa misyon ng mga pari, relihiyoso at layko.

Credits

Campaign title:

The Pope Video – OCTOBER | For a shared mission

A project by Pope’s Worldwide Prayer Network

In collaboration with Vatican Media

Creativity and co-production by:

Benefactors

Thanks

Benefactors:

Pro Rete di preghiera del Papa

With the Society of Jesus

PRESS RELEASE

Papa Francisco : “Tayong lahat ay responsable para sa misyon ng Simbahan”

  • Sa kanyang intensiyon sa panalangin para sa buwan ng Oktubre, inaanyayahan tayo ni Papa Francisco na manalangin para sa isang “synodal lifestyle bilang tanda ng co-responsibility,” na nagtataguyod ng “partisipasyon, komunyon at misyon na kinababahaginan ng mga pari, relihiyoso at layko.”
  • Sa pagsisimula ng General Assembly ng Synod, muling pinagtibay ni Papa Francisco na “ang mga pari ay hindi ang mga boss ng mga layko, kundi kanilang mga pastor” at na “Tinawag tayo ni Jesus, ang bawat isa at tayong samasama – hindi ang ilan sa itaas ng iba, o ang ilan sa isang panig at ang iba sa kabilang panig, ngunit pumupuno sa kailangan ng isa’t isa.” 
  • Maging ang tao ay “bus driver” man, o “magsasaka,” o “mangingisda,” pare-pareho ang misyon, sinabi ng Papa sa Video na kasama ng kanyang panalangin: “magpatotoo sa pamamagitan ng ating pamumuhay”, “ang bawat isa… nag-aambag ng kanilang alam gawing pinakamahusay.”

(Lungsod ng Vatican, 30 September 2024) – “Para sa Sama-Samang Misyon” ang layunin ng panalangin na pinili ni Papa Francisco para sa buwan ng Oktubre – temang nauugnay sa nalalapit na General Assembly ng Synod, na pinagninilayan n ni Papa Francisco sa kanyang mensaheng ipinagkatiwala sa Worldwide Prayer Network ng Papa. Hinihiling niya sa bawat Kristiyano – layko, pari, relihiyoso – “na lumakad nang sama-sama, tumahak sa landas ng synodality,” ipinaliliwanag na “tayo ay magkakatuwang sa misyon; tayo ay nakikilahok at nabubuhay sa pagkakaisang-loob ng Simbahan.” Ang video na kasama ng kanyang mga salita ay ginawa din sa ilalim ng bandila ng synodality: ang mga imahen ay ginawa ng Diyosesis ng Brooklyn, sa tulong ng DeSales Media, sa pakikipagtulungan ng General Secretary ng Synod mismo, atsa suporta ng Fondazione Pro Rete Mondiale di Preghiera del Papa

Pagtutulungan sa Gawain

Kahit na ang isang tao ay isang “drayver ng bus,” “magsasaka,” o “mangingisda,” binibigyang-diin ni Papa Francisco na ang misyon ay pareho: “magpatotoo sa pamamagitan ng ating pamumuhay,” “ang bawat isa… nag-aambag ng kanilang alam gawing pinakamahusay.” Nagtutulungan tayo sa co-responsibility na ito, anuman ang bokasyon ng bawat tao. “Ang mga pari ay hindi amo ng mga layko, kundi kanilang mga pastol. Tinawag tayo ni Jesus, ang bawat isa at tayong samasama – hindi ang ilan sa itaas ng iba, o ang ilan sa isang panig at ang iba sa kabilang panig, ngunit pumupuno sa kailangan ng isa’t isa,” paliwanag niya sa simula ng kanyang mensahe. Pagkatapos ay idinagdag niya agad, “Ang mga layko, ang mga binyagan, ay nasa Simbahan sa kanilang sariling tahanan, at kailangan nilang alagaan ito. Katulad din naming mga pari at ang mga relihiyoso.” 

Iisang Sama-samang Misyon 

Ang mga larawang kasama ng mensahe ni Papa Francisco ay partikular na naglalarawan ng kayamanan ng mga banal na tao ng Diyos (Lumen Gentium, 12): ang iba’t ibang mga ministro sa loob at labas ng mga parokya, ang mga natatanging karisma, mga sandali ng buhay na magkakatulad. Ang paggawa ng video na ito, sa bahagi ng Diocese of Brooklyn, na may partisipasyon ng isang grupo ng mga propesyonal na lay religious communicators, ay isang halimbawa ng shared mission. “Natutuwa akong mapili ang DeSales Media na magtrabaho sa proyektong video ng Papa ngayong Oktubre. Sa pamamagitan ng aming pakikipagtulungan sa DeSales Media, na-highlight namin ang mga kontribusyon ng mga layko sa aming diyosesis at hinamon ang mga mananampalataya na lumikha ng komunidad ng pananampalataya at paglilingkod, komunidad na malakas ang loob, masaya, at mapagtanggap,” sabi ni Bishop Robert J. Brennan, Obispo ng Brooklyn. Ang DeSales Media, isang ministeryo ng komunikasyon at media sa Diosesis ngBrooklyn, ay nakipagsosyo sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Pope’s Worldwide Prayer Network – Apostolado ng Panalangin) upang ilathala ang mensahe ni Papa Francisco sa Oktubre tungkol sa sama-samang responsibilidad. “Ang aming koponan ay nagsisikap na isabuhay ang aming pinagbabahaginang misyon araw-araw. Bilang mga propesyonal sa komunikasyon, tinatawagan kami na gamitin ang aming mga talento at karanasan sa paglilingkod sa Simbahan,” sabi ni Dominic Ambrosio, Direktor ng Programming at Produksyon para sa DeSales Media. “Umaasa kami na ang aming mga pagsisikap sa paggawa ng videong ito ay magbibigay inspirasyon sa iba na ibahagi pa ang kanilang mga talento at pananampalataya.” 

Synodality bilang Estilo ng Pamumuhay 

Sa kanyang talumpati para sa ika-50 anibersaryo ng Sinodo ng mga Obispo, ipinahayag ni Papa Francisco na “Ito mismo ang landas ng synodality na inaasahan ng Diyos sa Simbahan sa ikatlong milenyo.” Ang paraang ito ay nangangailangan ng kapwa pakikinig at matinding pagtutulungan ng lahat ng miyembro ng Simbahan. Kaya naman sa kanyang hangarin sa panalangin, inaanyayahan tayo ng Santo Papa na manalangin na “ang Simbahan ay patuloy na suportahan sa lahat ng paraan ang isang estilo ng pamumuhay na sinodal, sa diwa ng pagtutulungan, pagtataguyod ng partisipasyon, komunyon at pakikibahagi sa misyon ng mga pari, relihiyoso at layko.” 

Isang Panawagan sa Lahat

Pagninilay ni Padre Frédéric Fornos S.J., International Director ng Pope’s Worldwide Prayer Network: “Itong buwang Oktubre 2024 ay nagmamarka ng mahalagang sandali sa pagdiriwang ng Synodal Assembly sa Roma, ang pagtatapos ng isang paglalakbay na sinimulan tatlong taon na ang nakakaraan at puno ng mga inaasahan, mga hangarin at pag-asa. Sa gitna ng espirituwal na labanan na tiyak na darating, panahon na para makinig sa sinasabi ng Espiritu ng Panginoon sa Simbahan. Sa Ang Video ng Papa (The Pope Video) binibigyang-diin ni Papa Francisco kung ano ang mahalaga: ‘Lahat tayo’y may responsibilidad para sa misyon.’ Natural lamang itong pananaw, sabi ng Papa, dahil lahat tayo’y nabinyagan kay Kristo. Gayunpaman, ang katotohanan na tumagal ng tatlong taon para mamulat ang lahat sa pangangailangan nito ay sumasalamin sa mga hámon na hinaharap ng Simbahan sa kanyang paglalakbay tungo sa tuna na synodality.”

“Tulad ng ilang beses na paalala ng Santo Papa, ‘walang sinodo kung walang panalangin.’ Tanging panalangin lamang ang makapagpapabago sa mga pusong nakadikit sa mga tradisyon ng tao at makasariling interes upang ang Simbahan ay maging mas tapat sa Ebanghelyo. Sa napakahalagang buwang ito, inaanyayahan tayo ng Papa na makiisa ang bawat isa sa atin sa pagdarasal para sa Sinodo, upang ito’y maging tunay na sandali ng pakikipagtagpo, pakikinig sa isa’t isa at komunitariang pangingilatis, na ginagabayan ng Banal na Espiritu.”

Naging posible Ang Video ng Papa ngayong buwan salamat sa tulong ng Diyosesis ng Brooklyn sa pamamagitan ng malikhaing input ng DeSales Media, ng suporta ng Fondazione Pro Rete Mondiale di Preghiera ng Papa at ng pakikipagtulungan sa General Secretariat ng Synod ng mga Obispo. Magagawa ito buwan-buwan salamat sa walang pag-iimbot na kontribusyon ng maraming tao. Maaari kayong magbigay ng inyong donasyon sa link na ito.

Saan mapapanood ang video?

Tungkol sa Video ng Papa

Ang Video ng Papa ay opisyal na pandaigdigang inisyatibo na layuning ipakalat ang mga buwanang intension ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin o Pope’s Worldwide Prayer Network). Mula pa noong 2016, napanood na ang Video ng Papa nang higit sa 229 milyong ulit sa lahat ng mga social network ng Vatican, at isinalin na sa higit sa 23 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan sa 114 na mga bansa. Nilikha at prinodyus ang mga video ng pangkat ng Apostolado ng Panalangin o ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, sa pakikipag-coordinasyon kay Andrea Sarubbi at sa pakikipagtulungan ng Agencia La Machi Comunicación para Buenas Causas. Suportado ng Vatican Media ang proyektong ito. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa

Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (PWPN-AP o Apostolado ng Panalangin)

Ang Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network ay isang Gawain ng Santo Papa (Pontifical Society/Work at Foundation) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensiyon sa panalangin na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng samahang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Matatagpuan ito sa 89 na bansa at binubuo ng 226 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang gawaing ito bilang isang Vatican Foundation at inaprubahan ang mga bagong tuntunin (statutes) nito. Si Padre Frederic Fornos, SJ ang Pandaigdigang Direktor ng PWPN. May higit pang impormasyon sa: popesprayer.va

Tungkol sa Diosesis ng Brooklyn

Ang Romano Katolikong Diosesis ng Brooklyn ay nagsisilbi sa mga borough ng Brooklyn at Queens. Pinamumunuan ito ng ikawalong Obispo ng Brooklyn, His Excellency ang Lubos na Kagalanggalang na si Robert J. Brennan. Itinatag noong 1853, hinangad ng Diyosesis ng Brooklyn na pagsilbihan ang mga pangangailangan ng higit sa limang milyong Irish na mga imigranteng Katoliko na, pagod at mahirap, ay pumunta sa Daungan ng New York upang maghanap ng mas mabuting buhay, na marami sa kanila ay nanirahan sa Brooklyn at Queens. Ngayon, ang Diosesis ng Brooklyn ay nagpapatuloy sa masigla at magkakaibang kasaysayan nito, na muling tahanan ng populasyon ng imigrante, sa pagkakataong ito ay pinalakas ng mga emigrante na Hispanic, Asian, African at Eastern European. Regular na ipinagdiriwang ang mga misa sa 26 na iba’t ibang wika sa buong diyosesis, sa 175 parokya sa mahigit 200 simbahan. Sa loob ng mga hangganan nito ay ang ikapitong pinakamalaking network ng paaralang Katoliko sa Estados Unidos, na may 69 na paaralangelementarya at akademya na nagtuturo sa 17,981 mag-aaral. Taun-taon 9,880 binyag, 7,488 unang komunyon, 7,364 kumpirmasyon at 1,254 Katolikong kasal ang ipinagdiriwang. Higit pang impormasyon: dioceseofbrooklyn.org

Tungkol sa DeSales Media

Ang DeSales Media ay isang organisasyon ng komunikasyon, teknolohiya, at media na nagsusumikap na pangunahan ang mga Katoliko sa kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng data-driven na diskarte sa mga komunikasyon, kasama ang nakakaakit na nilalaman at disenyo. Ang misyon nito ay tulungan ang mga kura paroko, mga obispo at mga organisasyong Katoliko sa pamamagitan ng mga kasangkapan at suportang kinakailangan para ma-optimize ang kanilang paghuhubog, edukasyon at gawaing ebanghelisasyon sa digital apostolic age. Inililimbag ng DeSales ang The Tablet at Nuestra Voz at gumagawa ng isang gabi-gabing newscast na umaabot sa higit sa 100,000 mga tao sa 24/7 broadcast channel, NET TV. Suportahan ang mga parokya at paaralan gamit ang isang web platform upang magbigay ng inspirasyon at pagkonekta sa mga Katoliko. Higit pang impormasyon: desalesmedia.org

Tungkol sa Fondazione Pro Rete Mondiale di Preghiera del Papa

Ang Fondazione Pro Rete Mondiale di Preghiera del Papa na nilikha noong Enero 2024, ay organisasyong non-profit na naglalayong suportahan ang mga internasyonal na aktibidad at proyekto ng Pope’s Worldwide Prayer Network. Ang mga modalidad ay maaaring maramihan: organisasyon at pamamahala ng mga aktibidad na pangkultura, masining at libangan; mga pagkukusa sa kawanggawa bilang suporta sa mga pinakamahihirap: pagtataguyod at proteksyon ng mga karapatang pantao, sibil at panlipunan; suporta para sa mga gawaing espiritwal o misyonero sa pinakamahihirap o pinakamahihirap na lugar sa mundo na doon ang Pope’s Worldwide Prayer Network (PWPN-AP), kumikilos nang direkta o sa pamamagitan ng mga lokal na tanggapan at pamparokyang grupo ng Apostolado ng Panalangin o ng Eucharistic Youth Movement. Sa wakas, ang Fundasyon ay naglalayong itaguyod, sa pamamagitan ng mga partikular na aktibidad ng may katangiang pangsambayanan, pang-edukasyon o pang-meditasyon, ang kahalagahan ng espirituwalidad at panalangin bilang mabisang instrumento para sa pagtataguyod ng kapayapaan.

Tungkol sa Synod on Synodality

Ang Synod on Synodality (2021-2024), na tumutugon sa temang “Para sa isang Sinodal na Simbahan: Komunyon, Pakikilahok at Misyon”, ay nilayon na maging isang proseso na dito inaalok ang isang pagkakataon para sa buong Bayan ng Diyos upang sama-samang maunawaan kung paano sumulong sa landas tungo sa pagiging isang mas sinodal na Simbahan sa mahabang panahon. Ang Synodality ay tumutukoy sa partikular na istilo ng pamumuhay at misyon ng Simbahan, na nagpapahayag ng kalikasan nito bilang Bayan ng Diyos na lumalakad at nagtitipon sa pagpupulong, na tinawag ng Panginoong Jesus na may kapangyarihan ng Banal na Espiritu upang ipahayag ang Ebanghelyo. Ang Synodality ay dapat ipahayag sa karaniwang paraan ng pamumuhay at paggawa ng Simbahan. Higit pang impormasyon: synod.va/en/the-synod-on-synodality/what-is-the-synod-about

PINDUTIN ANG CONTACT

PANDAIGDIGANG LAMBAT PANALANGIN NG PAPA – VATICAN CITY

[email protected]

MGA KASAMA

DIOSESIS NG BROOKLYN AT DeSALES MEDIA

Adriana Rodríguez

Press secretary

[email protected]

FONDAZIONE PRO RETE MONDIALE DI PREGHIERA DEL PAPA

Gianluca Vignola

[email protected] 

SYNOD ON SYNODALITY

[email protected]

Synod, Panalangin, Ministeryo, Hesus, Pananampalataya, Kristo, Laiko, Mga Pastor, Mga Pari, Paglalakbay sa Pananampalataya, Komunidad, Misyon, Pagkakaisa, Simbahan, Pagtatalaga, Ang Video ng Papa

Nacho JimenezOKTUBRE | Para sa Ating Sama-Samang Misyon