Pahayagan
TOTAL VIEWS
+ 226M
sa mga Vatican Network lang
MGA VIEW 2024
+ 8,6M
AGOSTO | Para sa mga lider sa pulitika
Ipagdasal natin na ang mga pinuno sa pulitika ay tunay na maglingkod sa kanilang kababayan, magtrabaho para sa integral na pag-unlad ng tao. Magtrabaho para sa kabutihang panlahat, alagaan ang mga nawalan ng trabaho at magbigay prayoridad sa pinakamahihirap.
HULYO | Para sa pastoral na pag-alaga sa mga maysakit
Ipanalangin natin na ang Sakramento ng Pagpapahid sa Maysakit ay magbigay ng lakas ng Panginoon sa mga tumatanggap nito at sa mga mahal nila sa buhay, at nawa, para sa lahat, ito’y maging mas nakikitang tanda ng malasakit at pag-asa.
HUNYO | Para sa mga lumilisan sa kanilang bansa
Ipagdasal natin na makahanap ng pagtanggap at mga bagong pagkakataon sa buhay ang mga migrante na tumatakas sa mga digmaan o gutom, at napilitang maglakbay na puno ng panganib at karahasan.
MAYO | Para sa paghubog ng mga lalaki at babaeng relihiyoso, at mga seminarista
Ipagdasal natin na na lumago ang mga relihiyoso/a, at mga seminarista sa kanilang sariling bokasyonal na paglalakbay sa pamamagitan ng paghuhubog o pormasyon na pantao, pampastoral, pang-espiritwal at pangkomunidad, na umaakay sa kanila upang maging mga tunay na saksi ng Ebanghelyo.
ABRIL | Para sa Papel o Gampanin ng Kababaihan
Ipagdasal natin na ang dignidad at yaman ng kababaihan ay kilalanin sa lahat ng kultura, at matapos na ang diskriminasyong dinaranas nila sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
MARSO | Para sa mga bagong martir, mga saksi ni Kristo
Ipagdasal natin na ang mga taong, sa iba’t ibang bahagi ng mundo, ay hinarap ang panganib sa kanilang buhay para sa Ebanghelyo, ay mahawahan ang Simbahan ng kanilang katapangan at kanilang udyok na magmisyonero.
PEBRERO | Para sa mga may karamdamang nakamámatáy
Ipagdasal natin na palaging makatanggap ang mga may nakamámatáy na karamdaman at ang kanilang mga pamilya ng kinakailangang pangangalaga at suporta, kapwa mula sa medikal at makataong pananaw.
ENERO | Para sa biyaya ng pagkakaiba-iba sa Simbahan
Manalangin tayo sa Espiritu Santo na tulungan tayong makilala ang kaloob ng iba’t ibang karisma sa loob ng mga pamayanang Kristiyano at tuklasin ang kayamanan ng iba’t ibang tradisyong pangritwal sa loob ng Simbahang Katolika.
DISYEMBRE | Para sa mga taong may kapansanan
Ipagdasal natin na maging sentro ng atensyon ng lipunan ang taong may kapansanan, at isulong ng mga institusyon ang mga programa ng “pagpapasali” (inclusion) para sila’y aktibong makilahok.
NOBYEMBRE | Para sa Papa
Ipagdasal natin ang Papa para sa pagsagawa ng kanyang misyon ay patuloy niyang sabayan sa pagsampalataya ang kawang ipinakatiwala sa kanya ni Hesus sa tulong ng Espiritu Santo.
OKTUBRE | Para sa Sinodo
Ipagdasal nating sa lahat ng antas ng Simbahan, maging bahagi ng pamumuhay natin ang pakikinig at pakikipag-uusap, upang magabayan tayo ng lakás ng Banal na Espiritu na magtungo sa mga laylayan ng mundo.
SETYEMBRE | Para sa mga taong nakatira sa mga laylayan
Ipagdasal natin na hindi makalimutan ng mga institusyon at hindi kailanman ituring na patapón ang mga taong naninirahan sa laylayan ng lipunan, sa subhumanong kalagayan ng pamumuhay na labag sa karangalan nila bilang tao.
AGOSTO | Para sa Pandaigdigang Araw ng Kabataan
Ipagdasal natin na tulungan ng Pandaigdigang Araw ng Kabataan sa Lisbon ang mga kabataan na magpatotoo sa Ebanghelyo sa kanilang sariling buhay.
HULYO | Para sa Eukaristikong Pamumuhay
Ipagdasal natin na isentro ng mga Katoliko ang kanilang buhay sa pagdiriwang ng Eukaristiya na siyang bumabago sa mga relasyon ng tao at nagbubukas ng pakikipagtagpo sa Diyos at sa mga kapatid.
HUNYO | Para mapawi ang tortyur
Ipagdasal natin ang pandaigdigang komunidad na italaga ang sarili sa konkretong pag-aalis ng tortyur, na ginagarantiyahan ang suporta para sa mga biktima at mga pamilya nila.
MAYO | Para sa mga kilusan at grupong eklesyal
Ipagdasal natin na ang mga eklesyal (pansimbahang) kilusan at mga grupo ay muling matuklasan ang kanilang misyon araw-araw, isang misyon sa pag-eebanghelyo, at kanilang ilaan ang kani-kanilang mga karisma para sa paglilingkod sa mga pangangailangan ng mundo.
ABRIL | Para sa isang kultura ng kawalang-karahasan
Ipagdasal natin ang mas malawak na pagkalat ng kultura ng kawalang-karahasan, na mararating hindi lamang ang mga Estado kundi pati mamamayan ay mas bihirang gumamit ng armas.
MARSO | Para sa mga biktima ng pang-aabuso
Ipagdasal natin ang mga nagdurusa dahil sa kasamaang gawâ ng iláng miyembro ng pamayanang simbahan: upang sa mismong Simbahan makatagpo sila ng konkretong tugon sa kanilang pasakit at pagdurusa.
PEBRERO | Para sa mga Parokya
Manalangin tayo na ang mga parokya, na inilalagay sa sentro ang komunyon, ang komunyon ng mga tao, ang eklesyal na komunyon, ay higit na maging mga komunidad ng pananampalataya, ng pakikipagkapatiran at ng pagtanggap sa mga higit na nangangailangan.
ENERO | Para sa mga Educador
Ipanalangin natin na ang mga guro’y maging mga kapani-paniwalang saksi na nagtuturo ng kapatiran sa halip na kompetisyon at tumutulong higit sa lahat sa mga pinakabata at pinakamahina.
DISYEMBRE | Para sa mga boluntaryong organisasyon
Ipagdasal natin na ang mga organisasyon ng mga voluntir at tagapagtaguyod ng pagsulong ng tao ay makahanap ng mga taong handang italaga ang kanilang sarili sa kabutihang panlahat at maghanap ng mga bagong paraan ng pakikipagtulungan sa internasyonal na antas.
NOBYEMBRE | Para sa mga batang nagdurusa
Idalangin natin ang mga batang nagdurusa, ang mgawalang tahanan, mga biktima ng digmaan, mga ulila; nawa’y makapag-aral sila at matuklasang muli ang pagmamahal sa pamilya.
OKTUBRE | Para sa Simbahang Bukás sa Lahat
Ipanalangin natin na ang Simbahan, na tapat sa Ebanghelyo at matapang sa pagpapahayag nito, ay lalong mabigyang-buhay ang synodality at maging lugar ng pagkakaisa, kapatiran at pagtanggap.
SETYEMBRE | Para sa Abolisyon ng Parusang Kamatayan
Ipagdasal natin na ang parusang kamatayan, na umaatake sa dignidad ng tao, ay mabuwag sa batas ng bawat bansa.
AGOSTO | Para sa May Negosysong Maliliít at Katamtamang Lakí
Ipagdasal natin na ang mga may maliliít at katamtamang-laking negosyo [small and médium enterprises (SMEs)], na lubhang naapektuhan ng krisis sa ekonomiya at lipunan; makahanap nawâ sila ng mga kinakailangang paraan upang ipagpatuloy ang kanilang aktibidad sa paglilingkod sa mga komunidad na kanilang tinitirhan.
HULYO | Para sa mga Matatanda
Ipagdasal natin ang matatanda, na sila’y maging mga guro ng lambing upang ang kanilang karanasan at karunungan ay makatulong sa mga bata na tumingin sa hinaharap nang may pag-asa at responsibilidad.
HUNYO | Para sa mga Pamilya
Ipagdasal natin ang pamilyang Kristiyano at lahat ng pamilya sa mundo, upang sa pamamagitan ng konkretong pagkilos, mamuhay sila araw-araw sa bukas-loob na pagmamahal at kabanalan.
MAYO | Para sa pananampalataya ng mga kabataan
Mga kapatid, ipagdasal natin ang mga kabataan, na tinatawag sa isang ganap na buhay; matuklasan nawa nila kay Maria ang istilo ng pakikinig, ang lalim ng pag-unawa, ang tapang ng pananampalataya at dedikasyon sa paglilingkod.
ABRIL | Para sa mga health care worker
Ipagdasal natin ang mga health care worker na naglilingkod sa mga maysakit at matatanda, lalo na sa pinakamahihirap na bansa; bigyan sana sila ng sapat na suporta ng mga gobierno at lokal na komunidad.
MARSO | Para sa isang Kristiyanong tugon sa mga hamon ng bioethics
Sa harap ng mga bagong hamon sa bioethics, ipagdasal natin na ang mga Kristiyano, sa pamamagitan ng kanilang panalangin at pagkilos sa lipunan, ay isulong ang pagtatanggol sa buhay ng tao.
PEBRERO | Para sa mga relihiyosa, mga madre at consagradang kababaihan
Ipagdasal natin ang mga babaeng relihiyosa at consagrada at pasalamatan sila para sa kanilang misyon at lakas ng loob, upang patuloy silang makahanap ng mga bagong sagot sa hamon ng kasalukuyang panahon.
ENERO | Diskriminasyon at Pag-uúsig sa Relihiyon
Ipagdasal natin na ang mga taong dumaranas ng diskriminasyon at ng relihiyosong pag-uusig ay makatagpo sa mga lipunang kanilang ginagalawan ang pagkilala at dignidad na nagmumula sa pagiging magkakapatid.
DISYEMBRE | Ang mga katekista
Sama-sama tayong manalangin para sa mga katekista, tinawag upang ipahayag ang Salita ng Diyos: upang patotohanan nila ito nang may lakas-loob at pagkamalikhain, na may kapangyarihan ng Banal na Espiritu, nang may kagalakan at may malalim na kapayapaan.
NOBYEMBRE | Mga taong nagdurusa dahil sa depresyon
Manalangin tayo na ang mga taong dumaranas ng depresyon o burn-out ay makatanggap ng suporta mula sa lahat at ng liwanag para muling mabuhayan sila ng loob.
OKTUBRE | Mga Disipulong Misyonero
Mga kapatid, ipanalangin natin na makibahagi sa ebanghelisasyon ang bawat binyagan at maging handa sila upang magmisyon sa pamamagitan ng patotoo ng kanilang buhay. At taglayin nawa ng kanilang patotoo ang ganda at tamis ng Ebanghelyo.
SETYEMBRE | Estilo ng Pamumuhay na eco-sustainable
At ipanalangin natin na yakapin ng lahat ang matatapang na desisyong ito, mga desisyong kinakailangan para sa isang buhay na mas…
AUGUST | Ang Simbahang Naglalakbay
Ipanalangin natin ang Simbahan upang matanggap niya mula sa Espiritu Santo ang biyaya at tapang upang baguhin ang kanyang sarili sa…
HULYO | Panlipunang Pakikipagkaibigan
Manalangin tayo na, sa mga sitwasyong may salungatan at tunggaliang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika, nawa maging mga arkitekto tayo ng dayalogo, mga arkitekto ng pagkakaibigan, malakas ang loob at masigasig.
HUNYO | Ang kagandahan ng kasal
Ipagdasal natin ang mga kabataang naghahanda para sa kasal sa tulong ng pamayanang Kristiyano: umunlad nawa sila sa pag-ibig, pag-ibig na bukas-palad, tapat at mapagpasensiya.
MAYO: Ang mundo ng pananalapi
At manalangin tayo upang ang mga nagpapatakbo sa pandaigdigang kalakalan ay makipagtulungan sa mga pamahalaan sa layong bantayan ang mga merkado ng pananalapi para mapangalagaan ang mga nanganganib na sektor ng lipunan.
ABRIL: Mga pangunahing karapatang pantao
Ipagdasal natin ang mga nagtataya ng kanilang buhay habang ipinaglalaban ang mga pangunahing karapatang pantao sa ilalim ng mga diktadura, mga rehimeng mapaniil, at maging sa mga demokrasyang nasasadlak sa krisis, upang masilayan nila ang masaganang bunga ng kanilang sakripisyo at pakikibaka.
MARSO: Sakramento ng pakikipagkasundo
At manalangin tayo na maranasan natin ang sakramento ng pakikipagkasundo na may bagong kalaliman, upang matikman ang kapatawaran at walanghanggang awa ng Diyos. At manalangin tayo na bigyan ng Diyos ang kanyang Simbahan ng mga mahabaging pari at hindi ng mga tagpagpahirap.
PEBRERO: Para sa mga babaeng biktima ng karahasan
Ipanalangin natin ang mga babaeng biktima ng karahasan, upang ipagtanggol sila ng lipunan at para pansinin ang kanilang pagdurusa at pakinggan ang kanilang mga hinaing.
ENERO: Tungo sa Pagkilos alang alang sa Kapatiran
Magdasal tayo para mabigyan tayo ng Panginoon ng biyaya na mamuhay nang may lubos na pakikipagkapatiran sa mga taong may ibang relihiyon at na hindi tayo mag-away kundi manalangin para sa isa’t isa at magbukas ng sarili sa lahat.
MAY: For deacons
Let us pray that deacons, faithful in their service to the Word and the poor, may be an invigorating symbol for the entire Church. Pope Francis - May 2020 Deacons are not second-level priests. They are part of the clergy and live their vocation in and with their family. They are dedicated to the service