Ipagdasal natin na ang mga organisasyon ng mga voluntir at tagapagtaguyod ng pagsulong ng tao ay makahanap ng mga taong handang italaga ang kanilang sarili sa kabutihang panlahat at maghanap ng mga bagong paraan ng pakikipagtulungan sa internasyonal na antas.
Papa Francisco – Disyembre 2022
Kailangan ng mundo ang mga boluntaryo (voluntir) at mga organisasyon na may tunay na commitment o pagtataya sa kabutihang panlahat.
Oo, ito ang salitang gustong burahin ngayon ng marami: “commitment”.
Nangangailangan ang mundo ng mga boluntaryo na itatalaga ang kanilang sarili para sa kabutihang panlahat.
Ang pagiging solidarity volunteer ay opsyon na nagpapalaya sa atin; ginagawa tayong bukas sa mga pangangailangan ng iba; sa mga hinihingi ng hustisya, sa pagtatanggol sa mahihirap, sa pangangalaga ng sangnilikha.
Ito ay pagiging “artisan ng awa”: gamit ang iyong mga kamay, gamit ang iyong mga mata, na may isang matulungin na tainga, at malapit sa tao.
At ang pagboboluntaryo ay pakikipagtulungan sa mga taong pinaglilingkuran mo. Hindi lang para sa mga tao, kundi kasama ang mga tao.
Makipagtulungan sa mga tao.
Ang gawain ng mga boluntaryong organisasyon ay mas epektibo kapag sila ay nagtutulungan sa isa’t isa at gayundin sa mga Estado.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan, gaano man kaunti ang kanilang mga mapagkukunan, ibinibigay nila ang lahat ng kanilang makakaya at ginagawang katotohanan ang himala ng pagpaparami ng pag-asa.
Lubhang kailangan nating palaganapin at paramihin ang pag-asa!
Ipagdasal natin na ang mga organisasyon ng mga voluntir at tagapagtaguyod ng pagsulong ng tao ay makahanap ng mga taong handang italaga ang kanilang sarili sa kabutihang panlahat at maghanap ng mga bagong paraan ng pakikipagtulungan sa internasyonal na antas.
Credits
Campaign title:
The Pope Video – December 2022: For volunteer not-for-profit organizations
A project by Pope’s Worldwide Prayer Network
In collaboration with Vatican Media
Creativity and co-production by:
Gaia Valeria Rosa, Diego Angeli and Andrea Schneider Graziosi
Benefactors
Media partners:
Thanks to:
MEDICI CON L’AFRICA, CUAMM
FONDAZIONE AVSI
CARITAS INTERNATIONALIS
LVIA
FOCSIV Volontari ne mondo
CASA DO MENOR
ASSOCIAZIONE COMUNITÀ PAPA GIOVANNI XXIII
FEDERICA MIGLIO
With the Society of Jesus
—
PRESS RELEASE
“Maging artisan ng awa”: Nanawagan si Pope Francis na mas maraming volunteer ang lumahok sa mga boluntaryong organisasyon
- Sa huling Ang Video ng Papa ng taóng ito, itinatampok ni Francis ang halaga ng mga boluntaryo at non-profit na organisasyon sa lipunan at hinihiling sa kanila na makipagtulungan nang higit pa sa isa’t isa at, gayundin, sa mga gobyerno (Estado).
- Nagbabahagi ang Santo Papa ng isang mensahe na nakasentro sa pangangailangan para sa “mga voluntir na nagtatalaga ng sarili sa kabutihang panlahat,” “mga artisano ng awa” na “nagpaparami ng pag-asa”.
- Commitment (pagtatalaga ng sarili) at “pagtatrabaho kasama ang mga tao”: para kay Francis, “ang pagiging isang voluntir na tumutulong sa iba ay isang pagpipilian na nagpapalaya sa atin; nagbubukas ito sa atin sa mga pangangailangan ng ibang tao.”
(Lungsod Vaticano, Disyembre 1, 2022) – Pinalabas na ang ika-12 na edisyon ng Ang Video ng Papa para sa 2022 na may layuning pampanalangin na ipinagkatiwala ng Santo Papa sa buong Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng Apostolado ng Panalangin o Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa o Pope’s Worldwide Prayer Network. Upang tapusin ang taon, tinanghal ni Francis ang mga boluntaryong organisasyon na mga pangunahing kumikilos sa lipunan (at ang lahat ng taong lumalahok sa kanila bilang voluntir), salamat sa kanilang commitment sa pagtataguyod ng tao at ng kabutihang panlahat.
Sa kanyang intensyon, hinihikayat sila ng Santo Papa na ipagpatuloy ang kanilang paggawa, “hindi lamang para sa mga tao, kundi kasama ang mga tao,” maging malapit sa kanila, maging mga “artisan ng awa” at palaging makinig sa mga pangangailangan ng mga tao. Batid ang pangangailangang “paramihin ang pag-asa” sa mga komunidad, hinihiling niya sa atin na manalangin “na ang mga organisasyong boluntaryo at non-profit na tinataguyod ang pag-unlad ng sangkatuhan ay makahanap ng mga taong handang italaga ang kanilang sarili sa kabutihang panlahat at walang tigil na naghahanap ng bagong mga landas tungo sa internasyonal na kooperasyon.”
Ang mga voluntir: Sila ang makatao at Kristiyanong mukha ng lipunan
Ang panawagan ng Santo Papa ay nagbibigay-diin sa gawain ng milyun-milyong boluntaryong organisasyon at asosasyon sa buong mundo, ang karamihan sa mga ito ay kadalasang walang kinikita (non-profit) at walang pagkakilala bilang mga legal na entity.
Sa katunayan, ayon sa programa ng United Nations Volunteers (UNV), 1 sa bawat 9 na tao sa mundo ang nag-aalay ng boluntaryong trabaho: sa kabuuan, mayroong 862.4 milyong voluntir sa lahat ng kontinente, at kung susumahin ang lahat ng oras ng boluntaryong trabaho ay tutumbasan nito ang trabaho ng 109 milyong full-time na manggagawa. Gayunpaman, “ang karamihan ng pagboboluntaryo sa buong mundo ay nangyayari nang hindi pormal”, kaya hindi madali at komplikado ang pagkalap ng mga tumpak na mga statistic tungkol sa malakas na impact ng mga voluntir sa mga komunidad.
Maraming mga boluntaryong organisasyon sa mundo ay may inspirasyong Kristiyano, at sa kanilang gawain ay hinahangad nilang magpatotoo sa Ebanghelyo sa pinakamahihirap na sitwasyon. Mula sa Lebanon hanggang sa Pilipinas, mula Mexico hanggang Ukraine, at dumadaan sa Venezuela at sa Uganda, pinapakita ng Ang Video ng Papa ngayong buwan ang mga organisasyong ito na tumutulong sa mga biktima ng natural na kalamidad, sa mga mahihirap na dumaranas ng mga kahihinatnan ng krisis sa ekonomiya, ng mga malnourished na bata, ng mga refugee na tumatakas mula sa mga digmaan, at ng mga kabataan at kababaihan na naghahanap ng trabaho.
“Ang maging isang voluntir na tumutulong sa iba ay isang desisyong nagpapalaya sa atin,” paliwanag ni Francis sa Ang Video ng Papa. “Ito ay nagbubukas sa atin sa mga pangangailangan ng ibang tao—sa mga hinihingi ng katarungan, sa pagtatanggol sa mahihirap, sa pangangalaga ng sangnilikha.”
Makinig. Makipagtulungan sa mga Estado/gobyerno. Paramihin ang pag-asa!
Hindi nakakaligtaan ni Francisco na ibahagi ang mga pangunahing aspeto na, sa palagay niya ay dapat maging katangian ng mga organisasyong ito, tulad ng pagiging malapit sa kapwa tao, pakikinig sa kanila, at pagsisikap na ibigay ang pinakaabot ng kanilang makakaya upang tunay na “paramihin ang pag-asa” sa mga komunidad na lubhang salat sa pangkalahatang kaunlaran kailangan ng mga tao. Higit pa, naniniwala ang Pontif na ang isang pangunahing aspeto ng pagboboluntaryo ay pagbabago ng pokus upang magtrabaho hindi lang para sa mga tao kundi kasama ang mga tao. Nangangahulugan ito na kinikila nila ang mga tao bilang kapantay nila sa paghahanap ng iisang layuning kapwa nilang nais makamit. Panghuli, iginigiit ng Papa na kailangan ang higit na kooperasyon sa pagitan ng iba’t ibang organisasyon ng mga voluntir at sa pagitan ng mga organisasyong ito at ng mga gobyerno/Estado.
Kailangan ng mundo ang mga voluntir
Tungkol sa huling intensyon sa panalangin para sa 2022, binigyang-diin ni P. Frédéric Fornos, S.J., Internasyonal na Direktor ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Santo Papa (Apostolado ng Panalangin), kung paano iginigiit ni Francis na mahalaga ang boluntaryong gawain para sa lipunan, maging nakatali man ito sa relihiyon o sa gobyerno: ang susi ay nasa pagtatalaga ng sarili nang walang pag-iimbot na pag-aalay ng sarili ( “pagiging bukás” sa iyong kapwa) at sa paghahanap ng ikabubuti ng lahat. Pinapaalala rin ni P. Fornos kung paano, noong Mayo ng taong ito, sinabi ni Papa Francisco na “bahagi ng pagvovoluntir ang pangunahing dimensyon ng Kristiyanong larawan ng Diyos at tao: pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa,” tulad ng paanyaya ni Hesus sa mga Ebanghelyo na buong-pusong mahalin ang Diyos at mahalin ang ating kapwa gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili. Sa mga lipunan nating nasa krisis, napakahalaga ng ang mga voluntir. “Kailangan ng mundo ang mga voluntir,” kaya’t inaanyayahan tayo ni Papa Francisco na manalangin “na ang mga organisasyong boluntaryo at non-profit na tinataguyod ang pag-unlad ng sangkatuhan ay makahanap ng mga taong handang italaga ang kanilang sarili sa kabutihang panlahat at walang tigil na naghahanap ng bagong mga landas tungo sa internasyonal na kooperasyon.”
Posible lamang ang Ang Video ng Papa salamat sa bukas-palad na ambag ng maraming tao. Maaari kayong magbigay ng inyong donasyon sa link na ito:
Saan mapapanood ang video?
- Ang Opisyal na Website ng Ang Video ng Papa
- YouTube Channel ng Ang Video ng Papa
- Facebook Page ng Ang Video ng Papa
- Twitter ng Ang Video ng Papa
- Instagram ng Ang Video ng Papa
- Opisyal na Twitter @Pontifex
- Opisyal na Instagram @Franciscus
Tungkol sa Video ng Papa
Ang Video ng Papa ay opisyal na pandaigdigang inisyatibo na layuning ipakalat ang mga buwanang intension ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin o Pope’s Worldwide Prayer Network). Mula pa noong 2016, napanood na ang Video ng Papa nang higit sa 182 milyong ulit sa lahat ng mga social network ng Vatican, at isinalin na sa higit sa 23 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan sa 114 na mga bansa. Nilikha at prinodyus ang mga video ng pangkat ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, sa pakikipag-coordinasyon kay Andrea Sarubbi at sa pakikipagtulungan ng Agencia La Machi Comunicación para Buenas Causas. Suportado ng Vatican Media ang proyektong ito. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa.
Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (PWPN)
Ang Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network ay isang Gawain ng Santo Papa (Pontifical Society/Work at Foundation) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensiyon sa panalangin na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng samahang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Matatagpuan ito sa 89 na bansa at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang gawaing ito bilang isang Vatican Foundation at inaprubahan ang mga bagong tuntunin (statutes) nito. Si Padre Frederic Fornos, SJ ang Pandaigdigang Direktor ng PWPN. May higit pang impormasyon sa: www.popesprayer.va/
CONTACT PARA SA PRESS [email protected]
Mga Voluntir, Mga Organisasyong Voluntir, NGOs, Non-Governmental Organizations, Pagtatalaga ng Sarili, Pagtatalaga ng sarili alangalang sa mahihirap, Kabutihang Panlahat.