Idalangin natin ang mga batang nagdurusa, ang mgawalang tahanan, mga biktima ng digmaan, mga ulila; nawa’y makapag-aral sila at matuklasang muli ang pagmamahal sa pamilya.
Papa Francisco – Nobyembre 2022
Milyon-milyon pa ring mga batà ang nagdurusa at nabubuhay na parang mga alipin.
Hindi sila numero: tao siláng may pangalan, may sariling mukha, at may pagkakakilanlan na bigay sa kanila ng Diyos.
Madalas, nalilimutan natin ang ating responsibilidad at pikit-mata lang tayo sa pagsasamantala sa mga batang ito na binawian ng karapatang maglaro, mag-aral, o mangarap. Wala man lang silang madamang init ng pagmamahal ng isang pamilya.
Ang bawat batà na isinantabi, iniwan ng kanyang pamilya, di pinag-aaral, walang medikal na atensyon, ay isang sigaw! Sigaw na pumapailanlang sa Diyos at inaakusahan ang sistemang binuo nating mga matatanda.
Kasalanan natin ang bawat inabandunang bata. Hindi na natin hayaang madama nila na nag-iisa sila at inabandona; kailangan nilang makatanggap ng edukasyon at madama ang pagmamahal ng pamilya para malaman nila na hindi sila kinalimutan ng Diyos.
Idalangin natin ang mga batang nagdurusa, lalo na ang mga walang tahanan, ulila, at biktima ng digmaan; nawa’y mabigyan sila ng edukasyon at pagkakataong maranasan ang pagmamahal sa pamilya.
Credits
Campaign title:
The Pope Video – November 2022: For children who suffer
A project by Pope’s Worldwide Prayer Network
In collaboration with Vatican Media
Creativity and co-production by:
Gaia Valeria Rosa, Diego Angeli and Andrea Schneider Graziosi
Benefactors
—
PRESS RELEASE
“Ang inabandonang bata ay ating kasalaanan,” pahayag ng Santo Papa sa kanyang video ngayong Nobyembre
- Sa kanyang video ngayong Nobyembre, malakas ang apela ng Santo Papa para sa nakababahalang kundisyon ng milyun-milyong batang lalaki at babae sa mundo.
- Ang bawat bata ay may karapatang maglaro, mag-aral at mangarap, kaya hiniling ng Banal na Papa na tanggapin ang mga responsibilidad at huwag kalimutan na sila ay mga tao na may pagkakakilanlan, na ipinagkaloob sa kanila ng Diyos.
- Para sa Santo Papa, “ang inabandonang bata ay ating kasalanan”: kaya iginigiit nya na pagkalooban sila ng “maayos na edukasyon at ng pagkaktaon na matuklasang muli ang pagmamahal ng isang pamilya”.
(Lungsod ng Vatican, ika-31 ng Oktubre, 2022) – Gumising ngayong Nobyembre sa bagong video ng Santo Papa kung saan ibinabahagi ang intensyon ng panalangin na ipinagkakatiwala ng Banal na Papa sa Simbahang Katolika sa pamamagitan ng Apostolado ng Panalangin. Ngayong buwang ito, ang mensahe ng Santo Papa ay para sa mga maliliit, mga batang lalaki at babae na nakalimutan, na dumaranas ng pagtanggi, labis na kahirapan at ng lahat ng uri ng tunggalian sa araw-araw, kawalan ng tunay na oportunidad para sa paglago at pag-unlad, at walang kakayahan na makamtan ang mga pangunahing karapatan. Ang mga “kundisyong ito ay katulad ng pang-aalipin,” ang sigaw ng Santo Papa, para sa milyun-milyong batang lalaki at babae na nagdurusa sa mga pangyayaring ito, sa ilalim ng “sistemang nilikha nating nakatatanda”.
Ang mensahe sa video ng Banal na Papa ay nananawagan pala sa mga pangunahin karapatan ng mga bata, at humihiling na ipanalangin na mapagkalooban sila ng pagkakataon na makatanggap ng pinakapangunahing serbisyo at makadama ng init at pagmamahal ng isang pamilya: “Hindi na natin mapapayagan na madama nila na sila ay nag-iisa at inabandona; kailangan nilang makapag-aral at madama ang pagmamahal ng isang pamilya para malaman na hindi sila nakalilimutan ng Diyos.”
Hindi lamang sila bilang, sila ay tao
Sa pagbalangkas ng mensahe para sa buwang ito, sapat na ang datos ng ilang pandaigdigang sanggunian. Binibigyang-diin ng UNICEF na 1 bilyong bata sa iba-t ibang panig ng mundo ang namumuhay sa sari-saring aspeto ng kahirapan (pinagkaitan sila ng edukasyon, kalusugan, tahanan, pagkain, sanitasyon o tubig) at tinatayang nasa 153 milyon ang batang ulila. Sa kabilang banda, inihayag ng UN High Commissioner for Human Rights sa kapalalabas nilang liham na “sa pagtatapos ng nakaraang taon, mahigit sa 450 milyong bata – isa sa bawat anim – ang namumuhay sa mga lugar ng tunggalian, ang pinakamataas na bilang sa nakalipas na 20 taon. Batay sa talaan, 36.5 milyong bata ang inilikas dahil sa kaguluhan at iba pang uri ng krisis.”
Binibigyang-diin ng Santo Papa na “sila ay mga tao na may pangalan, may sariling mukha, kasama ang katauhan na ipinagkaloob ng Diyos” at, dahil dito, hindi maaari na basta na lamang natin ipikit ang mga mata nating mga nakatatanda. Para sa Banal na Papa, “ang inabandonang bata ay kasalanan natin”, hindi na natin mapapayagan na maramdaman nila na sila ay nag-iisa.
Karapatang makapag-aral, mangarap, sa init ng isang pamilya
Kaugnay ng intensyong ito, inihayag ni Fr. Frédéric Fornos S.J., International Director ng Apostolado ng Panalangin, na: “Ano ang magagawa natin habang nahaharap sa matinding pagdurusa ng mga batang lalaki at babae sa buong daigdig, na napagkaitan ng kanilang pagkabata, makapaglaro at mangarap. Sa gitna ng mga hindi inaasahang krisis, tulad ng pagkasunog ng bahay, Covid-19, digmaan at paglala nito, ang krisis sa ekonomiya, ilan pa ang hindi nakikitang pandemya? Ngayong buwang ito, binubuksan ng Santo Papa ang ating mga mata, tainga at puso sa milyun-milyong bata, na tahimik na nagdurusa sa mga lansangan, sa madidilim na uri ng trabaho, sa mga biktima ng kaguluhan at labanan, mga migrante at mga refugee. Sa kabila ng ating pagkakaiba o kawalang-kakayahan, maaari tayong manalangin. “Ang pananalangin ay nagsisilbinb pagsisindi ng ilaw sa gabi,” inihayag ng Santo Papa sa pagdiriwang ng banal na misa noong ika-29 ng Nobyembre, 2022. Ang panalangin ang nagwawaksi sa pagkakaiba, ang pagdarasal ay nagiging pagkilos. Tayo ay makinig, ‘Ang lahat ng batang nagdurusa, inabandona ng pamilya, hindi nakapag-aral, hindi napangangalagaan ang kalusugan, ay sumisigaw! Sigaw na nadidinig ng Diyos at krimen na bunga ng sistemang nilikha nating mga nakatatanda.’”
Ang Pope Video ay nagpapasalamat sa mga mananampalataya na bukas-palad na nag-aambag para sa paglalathala nito. Maaari ka ring mag-donate sa pamamagitan ng pag-click ng link na ito.
Saan mapapanood ang video?
- Ang Opisyal na Website ng Ang Video ng Papa
- YouTube Channel ng Ang Video ng Papa
- Facebook Page ng Ang Video ng Papa
- Twitter ng Ang Video ng Papa
- Instagram ng Ang Video ng Papa
- Opisyal na Twitter @Pontifex
- Opisyal na Instagram @Franciscus
Tungkol sa Video ng Papa
Ang Video ng Papa ay opisyal na pandaigdigang inisyatibo na layuning ipakalat ang mga buwanang intension ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin). Mula pa noong 2016, napanood na ang Video ng Papa nang higit sa 181 milyong ulit sa lahat ng mga social network ng Vatican, at isinalin na sa higit sa 23 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan sa 114 na mga bansa. Nilikha at prinodyus ang mga video ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, sa pakikipag-coordinasyon kay Andrea Sarubbi sa pakikipagtulungan ng Agencia La Machi para sa Mga Mabubuting Kawanggawa. Suportado ng Vatican Media ang proyektong ito. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa.
Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa – Apostolado ng Panalangin (PWPN – AP)
Ang PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network ay isang Gawain ng Santo Papa (Pontifical Society/Work at Foundation) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensiyon sa panalangin na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng samahang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Matatagpuan ito sa 89 na bansa at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang gawaing ito bilang isang Vatican Foundation at inaprubahan ang mga bagong tuntunin (statutes) nito. Si Padre Frederic Fornos, SJ ang Pandaigdigang Direktor ng PWPN. May higit pang impormasyon sa: www.popesprayer.va
CONTACT PARA SA PRESS [email protected]