HUNYO | Para mapawi ang tortyur

Ipagdasal natin ang pandaigdigang komunidad na italaga ang sarili sa konkretong pag-aalis ng tortyur, na ginagarantiyahan ang suporta para sa mga biktima at mga pamilya nila.

Papa Francisco – Hunyo 2023

Tortyur. Diyos ko po, ang pagpapahirap!
Hindi kuwento ng kahapon ang pagpapahirap. Sa kasamaang palad, bahagi ito ng ating kasaysayan ngayon.
Paano nangyaring ganito kalaki ang kakayahan ng tao para sa kalupitan?
May mga napakarahas na uri ng pagpapahirap; mas sopistikado ang iba tulad ng mapang-abusong pagtrato, ng pagiging manhid at walang puso sa kalagayan ng iba o ang pagkulong sa napakaraming tao sa di makatong kondisyon, na nilalabag ang dignidad ng mga tao.
Pero hindi na ito bago. Isipin natin si Hesus mismo, kung paano siya pinahirapan at ipinako sa krus.
Itigil na natin itong lagim ng pagpapahirap. Mahalagang igalang ang dignidad ng tao bilang pangunahin.
Kung hindi, parang hindi na tao ang mga biktima, mga “bagay” lang na pinagmamalupitan nang walang sukat, kahit magdulot ng kamatayan o permanenteng sikolohikal at pisikal na pinsala habambuhay.
Ipagdasal natin ang pandaigdigang komunidad na italaga ang sarili sa konkretong pag-aalis ng tortyur, na ginagarantiyahan ang suporta para sa mga biktima at mga pamilya nila.

Credits

Campaign title:

The Pope Video – June 2023: For the abolition of torture

A project by Pope’s Worldwide Prayer Network

In collaboration with Vatican Media

Creativity and co-production by:

Gaia Valeria Rosa, Diego Angeli and Andrea Schneider Graziosi

Benefactors

Thanks to:

Università degli Studi di Cassino e del Lazio Meridionale
Castello Angioino di Gaeta
Caritas Diocesi di Gaeta
Santuario del SS ECCE HOMO – Mesoraca (KR)
Museo Carcere Le Nuove -Torino
Fausto Catanzaro
Amnesty International Italia

With the Society of Jesus

PRESS RELEASE

“Pawiin natin itong malagim na gawaing tortyur, ang labis na pagpapahirap”: ang mariing panawagan ni Papa Francisco sa internasyunal na komunidad

Press clipping

  • Ang bagong Video ng Santo Papa ay malakas na panawagan na ihinto na ang tortyur, ang labis na pagpapahirap. “Ito’y mahalaga upang igalang ang dignidad ang mga tao na dapat mapanatiling pangunahin sa lahat”, wika ni Papa Francisco
  • Tinuligsa ni Papa Francisco hindi lamang ang labis na pagpapahirap kundi pati na ang maraming sopistikadong pananakit tulad ng walang pakundangang pangmamaliit sa kapwa, pagwawalang – bahala sa kanilang pakiramdam o pagkukulong sa maraming tao nang walang makataong pagpapahalaga sa kanilang kalagayan o kondisyon. 
  • Bunga ng pag-aalala kung paano patuloy ang paglaganap ng ganitong gawi sa kasalukuyan, nakiusap ang Santo Papa na tahasang makilahok ang internasyunal na komunidad sa pagsuporta sa mga biktima sampu ng mga pamilya nila. 

(Lungsod ng Vatican, Mayo 30, 2023) “Paano naging kalaganap ang kalupitan ng tao? ” May pangambang nagtataka si Papa Francisco sa simula ng Video ng Papa. Ang bagong intensyon ng panalangin ng Santo Papa na lubusang ipinagkakatiwala sa simbahang katolika sa pamamagitan ng PWPN ay hinihiling ngayong buwan ng Hunyo sa buong mundo ang pagpapahinto sa labis na pagpapahirap (tortyur), kasama na ang lahat ng kauri nitong kalupitan. 

Kasaysayan ng Nakaraan at Kasaysayan ng Kasalukuyan 

“Ang labis na pagpapahirap (tortyur) ay hindi kuwento ng nakaraan”, paliwanag ni Papa Francisco sa Video ng Papa. “Sa kasawiang- palad, bahagi ito ng a kasalukuyan: bilang karagdagan sa napakamarahas na mga anyo ng pagpapahirap,”nangyayari pa ngayon ang marami pang sopistikadong pagmamalupit katulad ng walang pakundangang pagtrato sa kapwa, pangmamaliit, kawalan ng pakialam sa kanilang nararamdaman at mga kondisyon na nilalabag ang dignidad ng tao. 

Hindi nagkataon lamang itong hinaing at intensyon ng panalangin: ngayong darating na Hunyo 26 ay gugunitain ang United Nations International Day in Support of Victims of Torture dahil noon pang 1987 tinanggap ng 162 na mga bansa at pinagtibay noong 1984 ang kasunduang United Nations Convention laban sa Tortyur at Iba pang Pagmamalupit tulad ng Di-makataong pagtrato at pagpaparusa. 

Narito ang Tao (Ecce Homo)

Ganito inilarawan ang mga bilanggo sa di-makataong kalagayan – nakagapos sa upuan, nasusukluban ang ulo at nakatali ang mga kamay – ipakikita sa Video ng Papa ngayong Hunyo sa iba’t ibang panig ng mundo ang malupit na pagpapahirap (tortyur). Timba ng tubig na may basahan, tali, bateryang elektrikal, plays, martilyo, mga pamukpok. Makikita sa video itong nakababahalang imbentori ng isang haypotetikal na silid-pangtortyur habang sinasabi nng Santo Papa na ang sinumang mangmaliit sa tao at ituring itong “bagay” lamang ang siya mismong mawawalan ng kanyang pagkatao. Nangyari rin ito sa mga nagmalupit kay Hesus, noong siya’y hinagupit, binugbog, pinaglaruan. Naranasan ni Hesus ang matinding pagpapahirap at namatay na taglay ang mga bakas: sugat mula sa mga tinik at haplit, galos sa mga pambubugbog, namamagang galang-galangan mula sa paglakagapos. Lahat ng detalye ng Ecce Homo sa kamukhang sangtuaryo sa Mesoraca, probinsya ng Crotone (Italya) ay kahanga-hanga sa pagiging makatotohanan; mapapanood ito sa Video. 

Ang ipinagbabawal na gawaing patuloy na nangyayari sa anino ng batas – internasyunal

Ang labis na pagpapahirap (tortyur) ay nagaganap na mula pa noong sinaunang panahon. Noong 18th at 19th na siglo, pinahinto na ng mga Kanluraning bansa ang opisyal na paggamit ng tortyur sa sistemang pangkatarungan at ngayon, ito’y lubusang ipinagbabawal sa ilalim ng batas-internasyonal. Gayunpaman, ito’y tunay pa ring nangyayari sa marami pang bansa. Mula 1981, ang Voluntaryong Pondo ng United Nations para sa Mga Biktima ng Tortyur  ay  nakapag-ambag na ng tulong sa katampatang mga 50, 000 na biktima ng tortyur bawat taon mula 1981 sa mga bansa at sa lahat ng rehiyon sa mundo. Madalas itong mangyari sa mga digmaan tulad ng sigalutang Russia at Ukraine na doon may mga naitalang ulat ng pagpapahirap ng mga sundalo ng Russia sa mga militar at sibilyan ng Ukraine. 

Higit pa rito, dahil na rin sa mga bagong teknolohiya, dumami na ang paggamit ng hindi madugong pagpapahirap tulad ng mga paraang sikolohikal na pagmamalupit. Dagdag pa rito ang malaking pagtanggi ng mga maysala na managot para patuloy na tortyur at masamang pagtrato sa buong mundo. Sanhi ito ng sistematikong pagtanggi, pagharang at sadyang pag-iwas sa responsibilidad ng mga pampublikong awtoridad; nagpapahiraop ang sitwasyong ito sa pagbilang at pagsubaybay sa mga biktima. 

Ang Panawagan ni Papa Francisco 

Narito ang kahilingan ng Santo Papa sa pangkalahatang internasyunal na komunidad, “gumawa ng kongkretong pakikilahok n sa pagpapatigil ng tortyur, tiyaking suportahan ang mga biktima sampu ng pamilya nila.” Sa kanyang talumpati noong 2014 , malakas na ipinahayag ng Santo Papa na ang ganitong pang-aabuso ay mapapahinto lamang sa pamamagitan ng matibay na pagtalaga ng internasyunal na komunidad ang lahat ng magagawa ng mga bansa upang igalang { … } ang dignidad ng tao bilang pangunahin sa lahat.”

Si Hesuskristo, pinahirapan at ipinako 

Si Fr. Frédéric Formos S. J., International Director ng Apostolado ng Panalangin, ang Pope’s Worldwide Prayer Network ay tinalakay ang intensyon. “Walang anumang pagdadahilan ang maaring gawing tama ang gamiting paraan ang labis na pagpapahirap (tortyur). Maliwanag na sinabi ito ni Papa Francisco nang maraming beses, isang halimbawa: ‘Ang labis na pagpapahirap sa tao ay kasalanang mortal! Dapat sikaping lubos ng mga kristiyanong komunidad na suportahan ang mga biktima ng tortyur. “(Tweet niya noong Hunyo 26, 2018). Si Hesukristo ang larawan ng Diyos para sa mga Kristiyano, naging malapít  Siya sa mga labis na pinahirapan sa kabuuan ng kasaysayan ng kanyang Pasyon. Kaya, sinasabi sa atin sa Fratelli Tutti: “Bawat magawang karahasan at kalupitan laban sa tao ay sugat sa laman ng buong sangkatauhan. (FT 227). Ang buwang ito ng panalangin at aksyon para sa abolisyon ng lahat ng anyo ng tortyur, bilanggo man o kinidnap, isa ring pananawagan para garantiyahan ang” suporta para sa mga biktima at kanilang pamilya. 

Nagiging posible lamang ang Ang Video ng Papa salamat sa bukas-palad na ambag ng maraming tao. Maaari kayong magbigay ng inyong donasyon sa link na ito.

Saan mapapanood ang video? 

 

Tungkol sa Video ng Papa

Ang Video ng Papa ay opisyal na pandaigdigang inisyatibo na layuning ipakalat ang mga buwanang intension ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin o Pope’s Worldwide Prayer Network). Mula pa noong 2016, napanood na ang The Pope Video nang higit sa 200 milyong ulit sa lahat ng mga social network ng Vatican, at isinalin na sa higit sa 23 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan sa 114 na mga bansa. Nilikha at prinodyus ang mga video ng pangkat ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, sa pakikipag-coordinasyon kay Andrea Sarubbi at sa pakikipagtulungan ng Agencia La Machi Comunicación para Buenas Causas. Suportado ng Vatican Media ang proyektong ito. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa.

Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (PWPN)

Ang Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network ay isang Gawain ng Santo Papa (Pontifical Society/Work at Foundation) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensiyon sa panalangin na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng samahang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Matatagpuan ito sa 89 na bansa at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang gawaing ito bilang isang Vatican Foundation at inaprubahan ang mga bagong tuntunin (statutes) nito. Si Padre Frederic Fornos, SJ ang Pandaigdigang Direktor ng PWPN. May higit pang impormasyon sa: www.popesprayer.va.

CONTACT [email protected]

Tortyur, Iwaksi ang Tortyur, Itigila ang Tortyur, Dignidad ng Tao, May Tortyur pa ba ngayon?, Tortyur na písical, Tortyur na sikolohikal.

adminHUNYO | Para mapawi ang tortyur