HULYO | Para sa Eukaristikong Pamumuhay

Ipagdasal natin na isentro ng mga Katoliko ang kanilang buhay sa pagdiriwang ng Eukaristiya na siyang bumabago sa mga relasyon ng tao at nagbubukas ng pakikipagtagpo sa Diyos at sa mga kapatid.

Papa Francisco – Hulyo 2023

Kung pag-alis mo sa misa, pareho ka pa rin sa pagdating mo, may hindi tamà.
Tunay na presensya ni Hesus ang Eukaristiya na nagdudulot ng malalim na pagbabago. Tuwing nakatatagpo natin si Hesus, dapat may nagbabago sa atin.
Sa Eucaristia, si Kristo ang naghahandog, nagbibigay ng kanyang sarili para sa atin, nag-aanyaya na Siya ang maging pagkain natin, at na pakainin din natin ang ating mga kapatid.
Ang pagdiriwang ng Eukaristiya ay pakikipagtagpo sa atin si Hesus na muling nabuhay at, paraan din ito ng pagbubukas ng ating sarili sa mundo gaya ng Kanyang itinuro sa atin.
Tuwing lumalahok tayo sa Eukaristiya, dumarating si Hesus at binibigyan Niya tayo ng lakas upang magmahal gaya ng Kanyang pagmamahal.
Ito kasi ang nagbibigay lakas-loob sa atin na makipagtagpo, upang lumabas sa ating sarili at mapagmahal na magbukas ng sarili sa iba.
Ipagdasal natin na isentro ng mga Katoliko ang kanilang buhay sa pagdiriwang ng Eukaristiya na siyang bumabago sa mga relasyon ng tao at nagbubukas ng pakikipagtagpo sa Diyos at sa mga kapatid.

Credits

Campaign title:

The Pope Video – July 2023: For a Eucharistic life

A project by Pope’s Worldwide Prayer Network

In collaboration with Vatican Media

Creativity and co-production by:

Archdiocese of Detroit

PRESS RELEASE

Buksan ang sarili kay Hesus, buksan ang sarili sa mundo: Inaanyayahan tayo ng Santo Papa na gawing sentro ng ating buhay ang Eukaristiya

Press clipping

  • Ang bagong video ng Santo Papa ay nag-aanyaya sa lahat na gawing sentro ng buhay ang pakikiisa sa Eukaristiya: “ito ay ang presensya ni Hesus, ito ay nakapagdudulot ng malalim na pagbabago.” 
  • Tiniyak ng Santo Papa na ang Eukaristiya ay ang “makapagbibigay sa atin ng lakas ng loob na makipagkilala, na lumabas sa ating sarili at buksan ang ating sarili nang may pagmamahal sa ating kapwa”.
  • Ipinaliwanag na “si Kristo ang nag-alay ng Kanyang sarili” sa Eukaristiya, inaanyayahan tayo ng Banal na Papa “upang ang ating mga buhay at ng ating kapwa ay kanyang mapangalagaan”. 

(Lungsod ng Vatican, ika-3 ng Hulyo, 2023) – “Kung sa tuwing ikaw ay lalabas mula sa Misa kung ano ka nang ikaw ay pumasok, mayroong mali”, panimulang pahayag ng Santo Papa sa Pope Video. Sa bagong intensyon ng kanyang panalangin, na ipinagkakatiwala sa buong Simbahang Katolika sa pamamagitan ng Apostolado ng Panalangin, inaanyayahan tayo ng Santo Papa na gawing sentro ng ating buhay ang Eukaristiya. Iniimbitahan niya tayo na huwag ituring na obligasyong ritwal ang pagdiriwang, sa halip, bilang pakikipagtagpo kay Hesus na muling nabuhay, dahil “ang Eukaristiya ang presensya ni Hesus”, na “nakapagdudulot ng malalim na pagbabago”. Kasabay nito, binigyang-diin ng Banal na Papa sa video na “ito si Kristo na iniaalok ang sarili, na iniaalay ang sarili para sa atin”, na dapat magmulat sa atin “na siya ang pagkain ng ating buhay at ng ating kapwa”.

Pagbabalik ng Pagmamahal

Ito ang nagaganap sa mga tampok sa video para sa buwang ito: tatlong mananampalataya na – sa pagtatapos ng Misa – ay maghahatid ng Eukaristiya sa kanilang kapwa na nangangailangan, sa paglabas ng simbahan, nagbabalik ng pagmamahal at iniaalay ang sarili, na kanilang tinanggap sa sakramento. Ang mga tagpo sa pang-araw-araw na buhay ay naganap sa lungsod ng Detroit sa Amerika: sa katunayan, salamat sa tulong ng Arkidiyosesis ng Detroit, na naisagawa ang Pope Video ngayong Hulyo. Ang pagtutulungang ito ay hindi nagkataon lang, ipinaliwanag ni Archbishop Allen H. Vigrenon na: “Kami ay lubos na nagpapasalamat sa suporta ng Santo Papa at sa mga nasa likod ng Pope Video. Sa katunayan, ikinararangal namin ang paggawa ng video na ito tungkol sa Eukaristiya. Magandang pagkakataon ito dahil ang aming arkidiyosesis at ang lahat ng diyosesis sa Estados Unidos ay nakikiisa sa Eucharistic revival para mapanumbalik ang pag-unawa at debosyon kay Hesukristo na nasa Banal na Sakramento. Ipinagdarasal namin na ang video ay magsilbing paanyaya sa ating lahat sa Simbahan upang makipagtagpo kay Hesus at magpasalamat sa pag-aalay nila ng kanyang sarili sa Eukaristiya”.

Lumabas sa ating sarili, maging bukas sa kapwa

Sa Pope Video na ito, ipinaliwanag ng Santo Papa na “ang lohika ng Eukaristiya,” ay “nagbibigay sa atin ng lakas ng loob na sumulong, na lumabas sa ating sarili at buksan ang ating sarili nang may pagmamahal sa kapwa”. Ipinahiwatig nya din ito sa isang Angelus noong Hunyo 2021, nang ihayag niya na si Hesus, “sa mga huling bahagi ng kanyang buhay, ay hindi namahagi ng tinapay nang masagana para pakainin ang maraming tao, kundi pinagpira-piraso at ibinahagi niya ang sarili sa hapunan ng Paskuwa kasama ang mga alagad. Sa isang banda, pagpapatuloy ng Santo Papa, ipinamalas ni Hesus na “ang layunin ng buhay ay ipagkaloob ang sarili, na ang pinakadakilang gawain ay ang paglilingkod.” Kaya hinihikayat niya tayo na makipagtagpo sa kanya ssa Eukaristiya, dahil pinagkalooban tayo ng kakayahan na magmahal ng kapwa, na hayaan ang ating sarili na baguhin nito.

Eukaristiya sa sentro

Ayon kay Fr. Frédéric Fornos S.J., Pandaigdigang Direktor ng Apostolado ng Panalangin, na: “Muli, ipinaalala sa atin ng Santo Papa kung ano ang dapat nating pagtuunan ng pansin, kung ano ang tunay na mahalaga sa ating buhay. Ang Eukaristiya ay ang pakikipagtagpo kay Hesus na muling nabuhay. Hangad ni Hesukristo na baguhin tayo, na bigyan tayo ng kakayahan na magmahal, na maging bahagi ng kanyang misyon. Makailang ulit nating pinaiksi ang misa sa isang ritwal, sa homiliya ng pari o sa komunyon? Ito ay personal at komunidad na pakikipagtagpo sa Muling Nabuhay, na nag-aanyaya sa ating Eucharistic Youth Movement (EYM), ang pang-kabataang sangay ng Apotolado ng Panalangin. Kung hahayaan natin ang ating sarili na baguhin ni Hesukristo sa Eukaristiya, tinatanggap natin ang paraan ng kanyang pamumuhay at hinahangad na makibahagi sa kanyang mahabaging misyon para sa mundo. Samahan natin ang Santo Papa sa buwang ito sa intensyon ng kanyang panalangin na lalo pang mapalapit sa nakapagpapabagong karanasan. 

Nagiging posible lamang ang Ang Video ng Papa salamat sa bukas-palad na ambag ng maraming tao. Maaari kayong magbigay ng inyong donasyon sa link na ito:

Saan mapapanood ang video? 

Tungkol sa Video ng Papa

Ang Video ng Papa ay opisyal na pandaigdigang inisyatibo na layuning ipakalat ang mga buwanang intension ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin o Pope’s Worldwide Prayer Network). Mula pa noong 2016, napanood na ang Video ng Papa nang higit sa 201 milyong ulit sa lahat ng mga social network ng Vatican, at isinalin na sa higit sa 23 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan sa 114 na mga bansa. Nilikha at prinodyus ang mga video ng pangkat ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, sa pakikipag-coordinasyon kay Andrea Sarubbi at sa pakikipagtulungan ng Agencia La Machi Comunicación para Buenas Causas. Suportado ng Vatican Media ang proyektong ito. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa.

Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (PWPN)

Ang Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network ay isang Gawain ng Santo Papa (Pontifical Society/Work at Foundation) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensiyon sa panalangin na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng samahang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Matatagpuan ito sa 89 na bansa at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang gawaing ito bilang isang Vatican Foundation at inaprubahan ang mga bagong tuntunin (statutes) nito. Si Padre Frederic Fornos, SJ ang Pandaigdigang Direktor ng PWPN. May higit pang impormasyon sa: www.popesprayer.va.

Tungkol sa Arsodiyosesis ng Detroit

Ang Arsodiyosesis of Detroit ay naglilingkod sa humigit-kumulang 907,000 Katoliko na nakatira sa timog-silangan ng Michigan (USA). Sa udyok ng panalangin at ginagabayan ng Banal na Espiritu, ang Arsodiyosesis ay nagsusumikap na maging isang komunidad ng mga masayang disipulong misyonero. Bilang bahagi ng misyong ito, nakipagtulungan ang Arsodiyosesis sa Hallow app para ilunsad ang I AM HERE, isang kampanyang magbahagi ng mga kuwento ng mga taong nagbago sa pamamagitan ng pakikipagtagpo kay Hesukristo sa Eukaristiya. Matuto pa sa iamhere.org

CONTACT

[email protected]

Arsodiósesis ng Detroit

Holly Fournier [email protected]

Eukaristiya, Misa, komunyon, pagdiriwang, pagbabagong-anyo, Binabago tayo ng Eukaristiya, Bakit pumunta sa Misa?

adminHULYO | Para sa Eukaristikong Pamumuhay