PEBRERO | Para sa mga Parokya

Manalangin tayo na ang mga parokya, na inilalagay sa sentro ang komunyon, ang komunyon ng mga tao, ang eklesyal na komunyon, ay higit na maging mga komunidad ng pananampalataya, ng pakikipagkapatiran at ng pagtanggap sa mga higit na nangangailangan.

Papa Francisco – Pebrero 2023

Minsan iniisip ko, dapat maglagay tayo sa pintuan ng mga parokya, ng karatulang nagsasabing “Libreng Pagpasok”.
Dapat malapít sa isa’t isa ang mga tao sa mga komunidad ng mga parokya, walang burukrasya, at nakasentro sa mga tao at kinatatagpuan ng mga sakramento bilang mga regalo.
Kailangan silang bumalik sa pagiging paaralan ng paglilingkod at pagkabukas-palad, laging bukas ang pintuan para sa mga hindi kasali. At sa mga kasali. Bukas sa lahat.
Ang mga parokya, hindi dapat club para sa íilán, na nagdidikta kung sino ang kasali o hindi.
Pakiusap, maglakas-loob tayo.
Siyasatin nating muli ang istilo ng pagsasamahan natin bilang mga komunidad sa mga parokya.
Manalangin tayo na ang mga parokya, na inilalagay sa sentro ang komunyon, ang komunyon ng mga tao, ang eklesyal na komunyon, ay higit na maging mga komunidad ng pananampalataya, ng pakikipagkapatiran at ng pagtanggap sa mga higit na nangangailangan.

Credits

Campaign title:

The Pope Video – February 2023: For parishes

A project by Pope’s Worldwide Prayer Network

In collaboration with Vatican Media

Creativity and co-production by:

La Machi Communication for Good Causes

Music production and mix by:

Índigo Music Design

Benefactors

Media partners:

Aleteia

Thanks to:

National offices of the Pope’s Worldwide Prayer Network and its youth branch EYM in Guatemala, Ivory Coast, Mexico, Argentina-Uruguay, Paraguay, Luxemburg, India, Spain, United States
Monasterio Benedictino Olivetano y Red Juvenil Ignaciana Guatemala, Jesuitas Centroamerica
Saint Jean Marie Vianney de Vridi Cité dans le diocèse de Grand Bassam en Côte d’Ivoire
Parroquia del Sagrado Corazón de Jesús en Chihuahua
Área de Comunicación de la Provincia Mexicana de la Compañía de Jesús
Iglesia de San Ignacio de Loyola en la Ciudad de México
Parroquia San Ignacio de Loyola de Montevideo- Uruguay y de la Parroquia Fatima de El Cerro- Uruguay
Archdiocese of Luxembourg
Office of the Provincial of South Asia, Jesuit Residence, New Delhi, India
Parroquia de San Francisco Javier en Cerocahui
Iglesia Archidiocesana de Barcelona
The Pontifical Mission Societies in the US

With the Society of Jesus

PRESS RELEASE

Anong inaasahan ni Papa Francisco sa mga parokya? Mga pamayanang malapit, bukas at mapagbigay 

Press clipping

  • Taglay ng bagong Video ng Papa ang isang panawagan sa mga parokya upang sila ay maging mga tunay na pamayanan: mga sentro ng pakikinig, ng pagtanggap, na laging bukas ang mga pintuan. 
  • Binibihyang diin ng mensahe ni Papa Francisco ang pagsisilbi ng mga parokya bilang mga “paaralan ng paglilingkod at pagiging bukas-palad” kung saan “matatagpuan ang regalo ng mga sakramento.”
  • Kasabay nito, hinihingi ng Santo Papa na ang mga ito ay maging “matapang” sa pagkilatis at pagpapanibago sa “estilo ng ating pagiging pamayanang pamparokya.”

(Lungsod ng Vaticano, ika-30 ng Enero 2023) – Ang ikalawang Video ng Papa sa taong ito ay kalalabas lang, taglay ang intensyon sa panalangin na ipinagkakatiwala ng Santo Papa sa buong Simbahang Katolika sa pamamagitan ng Pope’s Worldwide Prayer Network. Ngayong buwan ng Pebrero, inaanyayahan tayo ng Papa na ilagay natin nang nakangiti sa bawat parokya ang karatulang “Libreng Pumasok.” Ibig niyang ipaalala sa lahat na walang mga espesyal na rekisitos para makapasok, dahil ang mga “parokya ay hindi isang “club” na para lang sa iilan at nagsisilbing pampataas sa antas sa lipunan.”

Ang kayamanan ng Simbahan

Makikita ang labas ng isang parokyang maganda pero walang tao. Tapos, isang tunay na parokyang puno ng tao at sa gayon ay mas maganda. Ganito ang simula ng Video ng Papa sa buwang ito upang ipaalala na ang yaman ng Simbahan ay wala sa mga gusali kundi nasa mga taong lumalapit sa mga ito. Ang mga parokyang nasa isip ni Papa Francisco ay mga “pamayanang malapit, walang burukrasya, nakasentro sa mga tao at kung saan matatagpuan ang regalo ng mga sakramento.” Ang mga larawan na galing sa mga parokya mula sa buong mundo ay nagpapakita ng pagtitipon, pag-uusap, pagbabahagi sa mga nangangailangan, pagbisita sa mga matatanda at maysakit, mga gawain sa loob o labas ng simbahan. Punong puno ang video ng buhay, ang buhay na dumadaloy sa mga parokya at patuloy na nagtutulak sa mga ito – sa isang mundo kung saan mas madaling magpakakulong sa sarili at madalas pinipili ang pag-iinternet sa personal na pakikipagkapwa – na maging mga kanlungan para sa marami, kung saan matututunan ang sining ng pakikipagtagpo.

Ang Simbahan sa gitna ng mga tahanan

Sa Ekshortasyon Apostoliko na Evangelii Gaudium, na inilabas sa simula ng kanyang pagiging papa, binigyang-diin na ni Papa Francisco ang kahalagahan ng mga parokya: “bagaman tiyak na hindi lang ito ang nag-iisang institusyon na nagpapahayag ng mabuting balita,” wika niya, gamit ang mga salita ni Juan Pablo II sa Christifideles laici, taglay ng parokya ang natatanging katangian ng pagiging “parehong Simbahan na nabubuhay sa gitna ng mga tahanan ng kanyang mga anak.” Dahil dito, dapat itong maging “malapit sa mga tahanan at sa buhay ng pamayanan” at huwag maging “isang napakalinis na istrukturang malayo sa mga tao o isang grupo ng iilang pinili na labis ang paghanda sa kanilang sarili.” Gayunpaman, “ang panawagang ito sa pagkilatis at pagpapanibago ng mga parokya,” dagdag niya, “at hindi pa rin nagkaroon ng sapat na pamumunga tungo sa pagiging mas malapit ng mga ito sa mga tao.”

Pagkilatis at pagpapanibago sa estilo

Sa Video ng Papa na ito, iginigiit ng Papa ang panawagan na dapat magpatuloy ang mga parokya sa landas na ito ng pagbabago upang sila ay maging sentro ng pagtanggap at pakikinig: “dapat silang bumalik sa pagiging mga paaralan ng paglilingkod at pagiging bukas-palad, na ang mga pintuan ay laging bukas sa mga isinasantabi. At sa mga isinasali. Sa lahat.” Makakamit ito sa pagiging “matapang,” sa pagkilatis at pagpapanibago sa “estilo ng ating pagiging mga pamayanang pamparokya” at sa “paglalagay sa sentro sa pagkakaisa, pagkakaisa ng mga tao, pagkakaisa ng Simbahan.”

Ang mga tao sa sentro

Ang sabi ni Padre Frédéric Fornos S.J., Pandaigdigang Direktor ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, tungkol sa intensyong ito sa panalangin: “Ilang taon na ang nakararaan, sinabi ni Papa Francisco sa mga taga diyosesis ng Isernia-Venafro sa Italya: ‘Bawat pamayanang pamparokya ay tinatawag upang maging natatanging lugar para sa pakikinig at pagpapahayag ng Ebanghelyo; isang tahanan ng panalanging natitipon sa paligid ng Eukaristiya; isang tunay na paaralan ng pagkakaisa.” Pakikinig, panalangin at pagkakaisa. Mga notang sinodal na hindi maaaring mawala sa buhay ng mga parokya. Ngunit para dito, kailangan nilang maging mga tunay na pamayanan kung saan ang mga tao ay nasa sentro, sapagkat tayo ay nagiging tunay na pamayanan lamang kapag kinikilala natin ang iba, kinikilala ang kanilang mga pangalan, pangangailangan at boses. Gaano kadalas mangyari na ang ating mga parokya ay nagiging grupo ng mga taong magkakasama ngunit hindi magkakakilala at nagtitipon para sa Misa tuwing linggo ngunit hindi namumuhay bilang isang pamayanan? Napakalaki ng hamon. Ang maging isang pamayanang Kristiyano ay isang grasyang bumubukal sa pagsasalo sa iisang pananampalataya, sa karanasan ng kapatiran, at sa pagtanggap sa mga mas nangangailangan; nagmumula ito sa pinagsaluhang espiritwal na karanasan, sa pakikipagtagpo kay Hesukristong Muling Nabuhay. Tulad ng sinabi ni Papa Francisco sa Video ng Papa, “maging matapang tayo” sa pagtugon sa tawag ng Espiritu Santo, “kilitasin at panibaguhin nating lahat ang istilo ng ating pagiging mga pamayanang pamparokya.”

Nagiging posible lamang ang Ang Video ng Papa salamat sa bukas-palad na ambag ng maraming tao. Maaari kayong magbigay ng inyong donasyon sa link na ito.

Saan mapapanood ang video? 

Tungkol sa Video ng Papa

Ang Video ng Papa ay opisyal na pandaigdigang inisyatibo na layuning ipakalat ang mga buwanang intension ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin o Pope’s Worldwide Prayer Network). Mula pa noong 2016, napanood na ang Video ng Papa nang higit sa 185 milyong ulit sa lahat ng mga social network ng Vatican, at isinalin na sa higit sa 23 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan sa 114 na mga bansa. Nilikha at prinodyus ang mga video ng pangkat ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, sa pakikipag-coordinasyon kay Andrea Sarubbi, at sa pakikipagtulungan ng ahensya ng La Machi Communication for Good Causes. Suportado ng Vatican Media ang proyektong ito. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa.

Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (PWPN)

Ang Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network ay isang Gawain ng Santo Papa (Pontifical Society/Work at Foundation) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensiyon sa panalangin na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng samahang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Matatagpuan ito sa 89 na bansa at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang gawaing ito bilang isang Vatican Foundation at inaprubahan ang mga bagong tuntunin (statutes) nito. Si Padre Frederic Fornos, SJ ang Pandaigdigang Direktor ng PWPN. May higit pang impormasyon sa: https://www.popesprayer.va/

CONTACT [email protected]

Mga Parokya, Mga Parokyang bukas sa lahat, Mga Paaralan ng paglilingkod, Komunidad, Mga Komunidad, Pamayanan ng parokya, Dapat ba maging ano ang mga parokya?, Sakramento.

adminPEBRERO | Para sa mga Parokya