MAYO: Ang mundo ng pananalapi

At manalangin tayo upang ang mga nagpapatakbo sa pandaigdigang kalakalan ay makipagtulungan sa mga pamahalaan sa layong bantayan ang mga merkado ng pananalapi para mapangalagaan ang mga nanganganib na sektor ng lipunan.

Pope Francis – May 2021

Habang ang ekonomiya ang siyang lumilikha ng trabaho, sa krisis pang-ekonomiya, napakaraming tao ang walang hanapbuhay, at higit kailanman ang nararanasang pagtaas sa mga presyo ng bilihin sa merkado.
Napakalayo ng mundo ng malalaking negosyo sa buhay ng higit na nakararaming tao!
Ang malalaking negosyo, kung hindi mababantayan, ay mauuwi sa purong espekulasyon na itinutulak ng ibang mga patakaran sa pananalapi.
Walang magandang idudulot ang sitwasyong ito sa kalaunan. Lubha itong mapanganib.
Para maiwasan na maghdusa ang mga mahihirap dahil dito, dapat bantayan nang husto ang espekulasyon sa pananalapi.
Espekulasyon. Nais kong bigyang diin ang terminong ito.
Dapat sana, ang pagnenegosyo ay maging daan upang maglingkod, kasangkapan upang paglingkuran ang bayan at pangalagaan ang ating nag-iisang tahanan.
May oras pa tayo upang simulan ang proseso ng pandaigdigang pagbabago upang isulong ang isang bagong ekonomiya na mas makatarungan, may puwang para sa lahat, pang-matagalan at walang iniiwan.
Gawin natin ito! At manalangin tayo upang ang mga nagpapatakbo sa pandaigdigang kalakalan ay makipagtulungan sa mga pamahalaan sa layong bantayan ang mga merkado ng pananalapi para mapangalagaan ang mga nanganganib na sektor ng lipunan.

Credits

Campaign title:

The Pope Video – May 2021: The world of finance

A project by Pope’s Worldwide Prayer Network

In collaboration with Vatican Media

Creativity and co-production by:

La Machi

Music production and mix by:

Índigo Music Design

PRESS RELEASE:

ANG PANANALAPI NA MAKATARUNGAN, WALANG ISINASANTABI, AT PATULUYANG NAGAGAWA: Ang video ng Papa para sa Mayo ay humahangad na ang mundo ng pananalapi ay magkaroon ng pagkalinga sa tao

Sa kanyang hangarin ng panalangin para sa Mayo, hinihingi ng Santo Papa na “ang pananalapi ay maging kasangkapan ng paglilingkod sa mga tao at pagkalinga sa ating pangkalahatang tahanan” at nananalangin siya na ang mga namumuno sa mundo ng pananalapi ay protektahan ang mga taong lubos na nangangailangan.

(Vatican City, Mayo 4, 2021) – Ang Video ng Papa para sa Mayo ay nakatutok sa mundo ng pananalapi. Ito ang buod ng hangarin ng panalangin na ipinagkaloob ni Francisco sa Simbahang Katolika sa pamamagitan ng Pandaigdigang Ugnayan ng Panalangin (Apostolado ng Panalangin). Nag-aalala ang Santo Papa dahil sa ang pananalapi, kapag hindi aayusin, ay madalas nauuwi sa mga gawaing umiiwas sa mga tao na dapat isama at protektahan. Dahil dito, sa gitna ng krisis ng maraming ekonomiya at pagkawala ng trabaho ng karamihan, hinahangad sa panalangin na “ang namumuno sa mundo ng pananalapi ay makipagtulungan sa mga gobyerno upang ayusin ang kalakaran ng pera para maprotektahan ang mga mamamayan mula sa panganib na ito”. Ang Dicasteryo para sa Pagsulong sa Integral na Pag-unlad ng Tao ay tumulong sa edisyon na ito.

Mahigit na isang taon ang lumipas mula nang dumating ang pandaigdigang pandemya ng COVID-19. Halo-halo ang kinahinatnan nito sa mundo, kasama na ang ekonomiya at pananalapi. Ang Gross Domestic Product, na siyang nagpapahiwatig ng katayuan ng ekonomiya, ay bumagsak sa 2020, kasing tindi ng pagbagsak matapos ang Second World War: milyun-milyon ang nawalan ng trabaho at maraming posisyon ang sinuspendi, at ang mga gobyerno ay nagpalabas ng bilyun-bilyon na dolar upang maagapan ang mas malaking pinsala sa tao.Hindi tiyak na makakabawi ang ekonomiya sa 2021. Nakakabahala ang napansin ni Santo Papa na “ang mga tao na nasa laylayan ng lipunan ay tila isinasantabi ng mga namumuno sa mundo ng pananalapi”. Ito ang binanggit niya sa kanyang sulat sa World Bank at International Monetary Fund. Kaya nga, dagdag ni Papa, “Panahon na na dapat natin kilalanin na ang mundo ng pangangalakal – lalo na ang sa pananalapi – ay hindi kusang inaayos ang kanilang pamamalakad. Ang pangangalakal ay dapat magkaroon ng mga batas na tumitiyak na ang kanilang gawain ay para sa kabutihan ng lahat – lalo na sa sitwasyon ng pandaigdigang pangangailangan para sa kalusugan – at hindi para sa sariling pagpapayaman lamang”.

Ang isang pulitika na hindi nakaugnay sa ekonomiya

Noon pa, sa Laudato si’, si Francisco ay nagpahayag na ang pulitika at ekonomiya ay dapat mag-usap at manatiling naglilingkod sa buhay, lalo na sa buhay ng tao. Sa kanyang mensahe sa Ang Video ng Papa, siya ay huminga, “Ang layo sa buhay ng karaniwang tao ang mundo ng malalaking mangangalakal!”. Ang pag-aalala ng Papa ay dahil sa itong mundo ng pangangalakal, kung hiwalay sa totoong sitwasyon ng tao at ang nakikinabang lang ay ang mga gobyerno at pulitiko, ang babayad para sa mga kinahihinatnan ng ito ay ang mga dukha at mga walang kapangyarihan. “Ang sitwasyon na ito ay mapanganib at hindi mapapanatili,” ang sabi ni Francisco. Ito ay nabanggit na niya sa Fratelli tutti nang tinuligsa niya ang mga makapangyarihan na nagdadala ng kulturang pasilbi lang sa makapangyarihan at kung saan ang mga dukha ay laging natatalo.

Ang malayang kalakalan at ang pagbabaka-sakali sa pagpapalago sa pera ay di-sapat sa pagtugon sa suliranin na ito dahil hindi ito tumutugon sa di-pagkapantay-pantay ng tao sa lipunan.

At dahil dito, ng mga gobyerno at ng kanilang modelo ng pangangalakal na “sariwain ang isang pulitika na hindi nagpapa-ilalim sa salapi” bagkus “dinadala ang makataong pagkabahala para sa pagpapatayo ng istrakturang panlipunan na higit na kinakailangan natin”. (FT, 168).

Pananalapi na makatarungan, walang isinasantabi, at patuluyang nagagawa

Pinansin ni Padre Frederic Fornos, S.J., ang Direktor ng Pope’s Worldwide Prayer Network, na “itong hangarin ng panalangin na ito ay dapat intindihin sa konteksto ng krisis sa kasalukuyan at ang di-pagkapantay-pantay ng mga tao sa mundo”. Pinaalaala niya ang sinabi ni Papa Francisco sa Laudato si’ : “Ang mga makapangyarihang ekonomiya ay patuloy na ipinagtatanggol ang kanilang pandaigdigang sistema kung saan binibigyan-diin ang pagpapalago ng pera at paghanap ng mas malaking kita sa halip ng pagbigay-pansin sa dignidad ng tao at ang kapaligiran”. Tinukoy din niya ang kanyang pagtuturo sa pagluwas sa pandemya, na pinamagatang “Ihilom ang Mundo”, kung saan idiniin ni Francisco na hindi sapat ang makahanap ng lunas laban sa virus bagkus kailangan ang ekonomiya ay dapat maging makatarungan at patuloy na magagawa para makaluwas sa pandemya. “Inulit na naman ng Papa – ani Padre Fornos – ‘na hindi tayo maaaring maging masaya kung ang ekonomiya at lipunan ay hindi makatarungan, at ang kalahati ng kayamanan ng mundo ay mina-may-ari ng iilan lang ng tao sa mundo’. Bakit manalangin para sa hangarin na ito ng Papa? Dahil, sabi ng Papa, kailangan nakatitig tayo kay Jesus na siyang tagapagligtas at tagapag-hilom, upang makapaghanda para sa kinabukasan. Ang manalangin ayon sa Mabuting Balita ay nakakatulong sa atin na tumingin sa mundo tulad ni Jesus, mamuhay ayon sa estilo ng Kaharian ng Diyos, upang “ang tinapay ay umabot sa lahat, ang pakikibahagi ay mamuno sa lipunan at hindi ang kasakiman’”

adminMAYO: Ang mundo ng pananalapi