Sa kanyang hangarin ng panalangin para sa Mayo, hinihingi ng Santo Papa na “ang pananalapi ay maging kasangkapan ng paglilingkod sa mga tao at pagkalinga sa ating pangkalahatang tahanan” at nananalangin siya na ang mga namumuno sa mundo ng pananalapi ay protektahan ang mga taong lubos na nangangailangan.
(Vatican City, Mayo 4, 2021) – Ang Video ng Papa para sa Mayo ay nakatutok sa mundo ng pananalapi. Ito ang buod ng hangarin ng panalangin na ipinagkaloob ni Francisco sa Simbahang Katolika sa pamamagitan ng Pandaigdigang Ugnayan ng Panalangin (Apostolado ng Panalangin). Nag-aalala ang Santo Papa dahil sa ang pananalapi, kapag hindi aayusin, ay madalas nauuwi sa mga gawaing umiiwas sa mga tao na dapat isama at protektahan. Dahil dito, sa gitna ng krisis ng maraming ekonomiya at pagkawala ng trabaho ng karamihan, hinahangad sa panalangin na “ang namumuno sa mundo ng pananalapi ay makipagtulungan sa mga gobyerno upang ayusin ang kalakaran ng pera para maprotektahan ang mga mamamayan mula sa panganib na ito”. Ang Dicasteryo para sa Pagsulong sa Integral na Pag-unlad ng Tao ay tumulong sa edisyon na ito.
Mahigit na isang taon ang lumipas mula nang dumating ang pandaigdigang pandemya ng COVID-19. Halo-halo ang kinahinatnan nito sa mundo, kasama na ang ekonomiya at pananalapi. Ang Gross Domestic Product, na siyang nagpapahiwatig ng katayuan ng ekonomiya, ay bumagsak sa 2020, kasing tindi ng pagbagsak matapos ang Second World War: milyun-milyon ang nawalan ng trabaho at maraming posisyon ang sinuspendi, at ang mga gobyerno ay nagpalabas ng bilyun-bilyon na dolar upang maagapan ang mas malaking pinsala sa tao.Hindi tiyak na makakabawi ang ekonomiya sa 2021. Nakakabahala ang napansin ni Santo Papa na “ang mga tao na nasa laylayan ng lipunan ay tila isinasantabi ng mga namumuno sa mundo ng pananalapi”. Ito ang binanggit niya sa kanyang sulat sa World Bank at International Monetary Fund. Kaya nga, dagdag ni Papa, “Panahon na na dapat natin kilalanin na ang mundo ng pangangalakal – lalo na ang sa pananalapi – ay hindi kusang inaayos ang kanilang pamamalakad. Ang pangangalakal ay dapat magkaroon ng mga batas na tumitiyak na ang kanilang gawain ay para sa kabutihan ng lahat – lalo na sa sitwasyon ng pandaigdigang pangangailangan para sa kalusugan – at hindi para sa sariling pagpapayaman lamang”.
Ang isang pulitika na hindi nakaugnay sa ekonomiya
Noon pa, sa Laudato si’, si Francisco ay nagpahayag na ang pulitika at ekonomiya ay dapat mag-usap at manatiling naglilingkod sa buhay, lalo na sa buhay ng tao. Sa kanyang mensahe sa Ang Video ng Papa, siya ay huminga, “Ang layo sa buhay ng karaniwang tao ang mundo ng malalaking mangangalakal!”. Ang pag-aalala ng Papa ay dahil sa itong mundo ng pangangalakal, kung hiwalay sa totoong sitwasyon ng tao at ang nakikinabang lang ay ang mga gobyerno at pulitiko, ang babayad para sa mga kinahihinatnan ng ito ay ang mga dukha at mga walang kapangyarihan. “Ang sitwasyon na ito ay mapanganib at hindi mapapanatili,” ang sabi ni Francisco. Ito ay nabanggit na niya sa Fratelli tutti nang tinuligsa niya ang mga makapangyarihan na nagdadala ng kulturang pasilbi lang sa makapangyarihan at kung saan ang mga dukha ay laging natatalo.
Ang malayang kalakalan at ang pagbabaka-sakali sa pagpapalago sa pera ay di-sapat sa pagtugon sa suliranin na ito dahil hindi ito tumutugon sa di-pagkapantay-pantay ng tao sa lipunan.
At dahil dito, ng mga gobyerno at ng kanilang modelo ng pangangalakal na “sariwain ang isang pulitika na hindi nagpapa-ilalim sa salapi” bagkus “dinadala ang makataong pagkabahala para sa pagpapatayo ng istrakturang panlipunan na higit na kinakailangan natin”. (FT, 168).
Pananalapi na makatarungan, walang isinasantabi, at patuluyang nagagawa
Pinansin ni Padre Frederic Fornos, S.J., ang Direktor ng Pope’s Worldwide Prayer Network, na “itong hangarin ng panalangin na ito ay dapat intindihin sa konteksto ng krisis sa kasalukuyan at ang di-pagkapantay-pantay ng mga tao sa mundo”. Pinaalaala niya ang sinabi ni Papa Francisco sa Laudato si’ : “Ang mga makapangyarihang ekonomiya ay patuloy na ipinagtatanggol ang kanilang pandaigdigang sistema kung saan binibigyan-diin ang pagpapalago ng pera at paghanap ng mas malaking kita sa halip ng pagbigay-pansin sa dignidad ng tao at ang kapaligiran”. Tinukoy din niya ang kanyang pagtuturo sa pagluwas sa pandemya, na pinamagatang “Ihilom ang Mundo”, kung saan idiniin ni Francisco na hindi sapat ang makahanap ng lunas laban sa virus bagkus kailangan ang ekonomiya ay dapat maging makatarungan at patuloy na magagawa para makaluwas sa pandemya. “Inulit na naman ng Papa – ani Padre Fornos – ‘na hindi tayo maaaring maging masaya kung ang ekonomiya at lipunan ay hindi makatarungan, at ang kalahati ng kayamanan ng mundo ay mina-may-ari ng iilan lang ng tao sa mundo’. Bakit manalangin para sa hangarin na ito ng Papa? Dahil, sabi ng Papa, kailangan nakatitig tayo kay Jesus na siyang tagapagligtas at tagapag-hilom, upang makapaghanda para sa kinabukasan. Ang manalangin ayon sa Mabuting Balita ay nakakatulong sa atin na tumingin sa mundo tulad ni Jesus, mamuhay ayon sa estilo ng Kaharian ng Diyos, upang “ang tinapay ay umabot sa lahat, ang pakikibahagi ay mamuno sa lipunan at hindi ang kasakiman’”.
Hindi napapalabas ang Video ng Papa kung hindi dahil sa walang pag-iimbot na kontribusyon ng maraming tao. Sa pagpindot sa link na ito, maaari po kayong magbigay ng donasyon.
Saan mapapanood ang video?
- Opisyal na website ng Video ng Papa
- Channel sa YouTube ng Video ng Papa
- Pahina sa Facebook ng Video ng Papa
- Twitter ng Video ng Papa
- Instagram ng Video ng Papa
- Opisyal na Twitter @Pontifex_es
- Opisyal na Instagram @ Francis
Tungkol sa Video ng Papa
Ang Video ng Papa (“Pope Video”) ang opisyal na pandaigdigang inisyatibo upang maipalaganap ang buwanang hangarin na ipinapanalangin ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pope’s Worldwide Prayer Network (Apostolado ng Panalangin) o Pandaigdagang Lambat-Panalangin ng Papa. Mula pa noong 2016, ang Video ng Papa ay napanood na ng higit sa 154 milyon ulit sa lahat ng mga social network, at isinalin na sa higit sa 20 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan (press) sa 114 na mga bansa. Ang proyekto ay suportado ng Vatican Media. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa
Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin)
Ang PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network ay isang Pontifical Society (Kalipunang sakop ng Santo Papa) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga adhikain o hangaring ipinapanalangin (prayer intention) na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng kalipunang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Nasa 89 na bansa ito at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang Kalipunang ito bilang isang Vatican Foundation at inaprobahan ang mga bagong tuntunin (“statutes”). Si Padre Frederic Fornos, SJ ang International Director (Pangmundong Tagapangasiwa) ng PWPN. May higit pang impormasyon sa: https://www.popesprayer.va/
Tungkol sa Dicasterio para sa Paglilingkod tungo sa Pangkabuuang Pag-unlad ng Tao [Integral Human Development]
Nilikha ni Santo Papa Francis noong Agosto 17, 2016 ang Dicasterio para sa Paglilingkod tungo sa Pangkabuuang Pag-unlad ng Tao [Service for Integral Human Development]. Mula noong Enero 1, 2017, ipinagtatagpo sa Dicasteriong ito ang mga gampanin ng Konsilyo ng Papa para sa Katarungan at Kapayapaan [Pontifical Council for Justice and Peace], at ang mga gampanin ng Konsilyo ng Papa Cor Unum [Pontifical Council Cor Unum]. Kaugnay din ang Konsilyo ng Papa para sa Pag-alagang Pastoral sa Migrante at Mga Taong Napapalipat-lipat [Itinerant] at ang Konsilyo ng Papa para sa Manggagawa sa Sektor ng Kalusugan [Health Workers]. Mayroon ding tukóy na Seksyon para sa Mga Migrante at Refugee. Itinataguyod ng Dicasterio ang integral na pag-unlad ng tao sa ilaw ng Ebanghelyo at sa liwanag ng Doktrinang Panlipunan ng Simbahan, at nagbibigay ng espesyal na pansin sa mga katanungan ukol sa katarungang panlipunan. Isinusulong nito ang tumpak na pagtagauyod ang isang patas na sistemang pang-ekonomiya-pinansyal para sa lahat; pinalalalim at pinauunlad nito ang mga tema ng kabutihang panlahat, kapayapaan, at pangangalaga ng kalikasan, pati na rin ang pag-aalis ng sandata, ang pagtaguyod sa karapatang pantao, kalusugan, pagkakawanggawa, migrasyon at ang wastong pagtrato sa kapwa tao. Ipinapahayag nito ang kahilingan at malaakit ng Papa para sa sangkatauhang nagdurusa at nangangailangan. Noong Marso 2020, nagtatag si Pope Francis ng isang Komisyon sa Vatican para sa COVID-19 sa loob din ng Dicasteriong ito.