Sa kanyang hangarin sa pananalangin (intensyong pandasal) ngayong Abril, ipinagtitibay ng Santo Papa na may karapatang umunlad sa lahat ng larangan ng kanilang pagkatao ang lahat ng mga tao sa mundo; at ipinagdarasal niya lalo na ang mga nagtataya ng kanilang buhay alang-alang sa pagtatanggol nitong mga pangunahing karapatan ng tao.
(Vatican City, Abril 6, 2021) – Ang Video ng Papa ang nagbubuod ng intensyong pampanalangin na ipinagkakatiwala ni Francisco sa buong Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin) o Pope’s Worldwide Prayer Network (Apostleship of Prayer). Ngayong Abril tinatalakay nito ang mga pangunahing karapatan ng tao. Sa konkretong paraan, hindi lamang nais ng Santo Papa na bigyang diin ang “aktibong pagtutol sa kahirapan, sa kawalan ng pagkakapantay-pantay, kawalan ng trabaho, lupa, tirahan, at di paggalang sa mga karapatang panlipunan at pangmanggagawa”; Nais din ng Papa na tawagin ang pansin natin sa mga taong araw-araw na tinatayâ ang kanilang buhay para ipagtanggol ang mga pangunahing karapatang pantao sa mga kontekstong may lahat ng klaseng tunggalian.
Hangad ipakita ng ng mga imahen (larawan) ng Video ng Papa ngayong Abil ang pagtaguyod ng mga pangunahing karapatang pantao –sa pamamagitan ng mga di-mabilang na kamay ng mga kalalakihan at kababaihan na nagtatrabaho sa mundo, nagbubukas ng mga pintuan, nagpapagaling, kumakain, nag-aaral … — at ang pang-aabuso sa mga karapatang ito, sa pamamagitan ng mga larawan ng mga kamay ng mga batang pinagsasamantalahan, mga kamay ng ipinabibilanggonang walang paglilitis sa hukuman, bukod sa iba pang mga kritikal na sitwasyon. Umaasa ang Video sa suporta ng Permanent Observation Mission ng Holy See [Banal na Luklukan] sa United Nations.
Pag sinabing “mga pangunahing karapatang pantao” o mga saligang karapatan, tinutukoy ang mga karapatang mayroon ang lahat ng mga tao dahil tao sila. Likas ang karapatang ito sa bawat tao, anuman ang nasyonalidad, kasarian, etniko o pambansang pinagmulan, kulay ng balát, relihiyon, wika o anumang iba pang kundisyon. Ang Universal Declaration of Human Rights, pinagtibay ng General Assembly ng United Nations noong 1948 ang unang ligal na dokumento upang maitaguyod ang pangkalahatang proteksyon ng pangunahing mga karapatang pantao.
Ang mga aral ng Simbahan: mga karapatan ng tao dahil tao siya
Sa ating Simbahan din, mula pa kay Papa Juan XXIII noong mga dekada ng 1960, may sentral na kahalagahan ang mga karapatang pantao sa katuruan at pagkilos ng Simbahang Katoliko sa lipunan. Tulad ng sinasasaad kamakailan sa artikulo ni Card. Michael Czerny S.J.: “Nang inilista i ni Saint John XXIII sa kanyang encyclical Pacem in terris noong 1963 ang mga saligang karapatan ng tao, nagsimula siya sa mg karapatang economiko na may kinalaman sa larangang pangkabuhayan at paghahanapbuhay. ‘Ang tao ay may karapatang mabuhay’, sinabi niya, may karapatan siya sa integridad ng katawan at sa mga kinakailangang paraan para sa wastong pag-unlad ng buhay, lalo na sa pagkain, damit, tirahan, pangangalagang medikal, pahinga. At, sa wakas, sa mga kinakailangang serbisyong panlipunan’. Ngayon naman, binibigyang diin din ni Papa Francisco lalo na ang karapatang magtrabaho, karapatan sa pabahay, seguridad sa lupa at pagkain: ‘lupa, tirahan at trabaho’ ”.
Idinadagdag naman ni Fr. Frédéric Fornos S.J., Pandaigdigang Direktor ng Pope’s Worldwide Prayer Network (Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin): “Hindi ito ang unang pagkakataon na iginiit ni Papa Francisco ang kahalagahan ng pangunahing mga karapatan ng mga tao. Sa kanyang huling encyclical, ang Fratelli tutti, tinuligsa niya ang sitwasyon na ‘Habang namumuhay nang masagana at mariwasa ang isang bahagi ng sangkatauhan, ang iba namang bahagi ng sangkatauhan ay pinagkakaitan ng kanilang dignidad; at hinahamak o tinapakan, nilalabag o hindi pinapansin ang kanilang mga pangunahing karapatan”(FT, 22). Hinihiling sa atin ni Francis sa buwang ito na manalangin para sa “mga nagtataya ng kanilang buhay sa nakikipaglaban para sa mga pangunahing karapatan laban sa mga diktadurya, sa mga rehimeng mapaniil at maging sa mga pamahalaang nanghihinà na ang mga demokratikong institusyon.” Isa itong paanyaya na alalahanin ang mga kalalakihan at kababaihan, sa napakaraming mga bansa sa mundo, na patuloy na nagdurusa sa loob ng bilangguan o sa mga mapanganib na sitwasyon, o pinapatay, at marami sa kanila dahil pinaninindigan nila ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo. Huwag natin silang kalimuta;, ipagdasal natin sila.”
Manalangin para sa mga nagtatanggol sa pangunahing mga karapatan
Samahan natin ng panalangin ang panonood sa Video ng Papa ngayong Abril, na may pagdarasal, habang binibigyang diin ang lakas ng loob at determinasyon ng mga nakikipaglaban araw-araw upang ipagkaloob ang pangunahing mga karapatang pantao nang pantay-pantay para sa lahat, bagaman para sa iláng mga taong ipinaglalaban ang mga karapatang ito, nalalagay sa panganib ang mismo nilang buhay.
Hindi napapalabas ang Video ng Papa kung hindi dahil sa walang pag-iimbot na kontribusyon ng maraming tao. Sa pagpindot sa link na ito, maaari po kayong magbigay ng donasyon.
Saan makikita ang video?
- Opisyal na website ng Video ng Papa
- Channel sa YouTube ng Video ng Papa
- Pahina sa Facebook ng Video ng Papa
- Twitter ng Video ng Papa
- Instagram ng Video ng Papa
- Opisyal na Twitter @Pontifex_es
- Opisyal na Instagram @ Francis
Tungkol sa Video ng Papa
Ang Video ng Papa (“Pope Video”) ang opisyal na pandaigdigang inisyatibo upang maipalaganap ang buwanang hangarin na ipinapanalangin ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pope’s Worldwide Prayer Network (Apostolado ng Panalangin) o Pandaigdagang Lambat-Panalangin ng Papa. Mula pa noong 2016, ang Video ng Papa ay napanood na ng higit sa 150 milyon ulit sa lahat ng mga social network, at isinalin na sa higit sa 20 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan (press) sa 104 na mga bansa. Ang proyekto ay suportado ng Vatican Media. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa https://thepopevideo.org/?lang=tl .
Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa
Ang PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network ay isang Pontifical Society (Kalipunang sakop ng Santo Papa) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga adhikain o hangaring ipinapanalangin (prayer intention) na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng kalipunang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Nasa 89 na bansa ito at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang Kalipunang ito bilang isang Vatican Foundation at inaprobahan ang mga bagong tuntunin (“statutes”). Si Padre Frederic Fornos, SJ ang International Director (Pangmundong Tagapangasiwa) ng PWPN.
May higit pang impormasyon sa: https://www.popesprayer.va/
Tungkol sa Permanent Observation Mission ng Holy See sa United Nations
Ang Permanenteng Misyon ng Holy See bilang Tagamasid sa United Nations sa New York ay itinatag ni Pope Saint Paul VI noong Abril 6, 1964 at tumutulong na isagawa ang multilateral na diplomatikong gawain ng Holy See, sinusubukan na magdala ng liwanag mula sa Katolikong Katuruang Panlipunan (Catholic Social Doctrine) at ng kongkretong karanasan ng Simbahang Katoliko sa buong mundotungkol sa mga kagalakan at pag-asa, ang sakit at ang paghihirap ng mundo ngayon. Nasa direksiyon Ito ni Arsobispo Gabriele Caccia, Apostolic Nuncio at Permanent Observer (Permanenteng Tagamasid).