AGOSTO | Para sa Pandaigdigang Araw ng Kabataan

Ipagdasal natin na tulungan ng Pandaigdigang Araw ng Kabataan sa Lisbon ang mga kabataan na magpatotoo sa Ebanghelyo sa kanilang sariling buhay.

Papa Francisco – Agosto 2023

Pag punta ko sa Simbahan namin, matatandâ lang ang nakikita ko. Pangmatanda na ba ngayon ang Simbahan?

Ang Simbahan ay hindi isang club para sa mga matatanda; hindi rin ito youth club. Mamamatay ito, kung puro matanda lang. Sabi ni San Juan Paul II na kung kasama mo ang mga bata, bumabatà ka rin, at kailangan ng Simbahan ng kabataan para hindi tumanda. 

Mahal na Papa Francisco, bakit niyo pinili ang motto para sa WYD na ito: “Bumangon si Maria at dali-daling umalis”?

Dahil si Maria, sa sandaling malaman niya na magiging ina siya ng Diyos, hindi siya nanatili roon na nagse-selfie o naghahambog. Ang una niyang ginawa ay umalis, nagmamadali, upang maglingkod, upang tumulong. Kailangan din nating matuto mula kay Maria na maglakbay upang tumulong sa iba.

Ano ang inaasahan mo mula sa WYD na ito sa Lisbon?

Gusto kong makita sa Lisbon ang binhi ng mundo ng hinaharap. Isang mundo na pag-ibig ang nasa sentro, na ramdam natin na tayo’y magkakapatid. Digmaan ngayon sa daigdig, kailangan natin ng pagbabago. Isang mundong hindi natatakot na magpatotoo sa Ebanghelyo. Isang mundong may kagalakan, dahil kung walang kagalakan tayong mga Kristiyano, hindi tayo kapani-paniwala, walang maniniwala sa atin.

Ipagdasal natin na tulungan ng Pandaigdigang Araw ng Kabataan sa Lisbon tayong mga kabataan na maglakbay at magpatotoo sa Ebanghelyo sa sarili nating mga buhay.

Credits

Campaign title:

The Pope Video – August 2023: For World Youth Day

A project by Pope’s Worldwide Prayer Network

In collaboration with Vatican Media

Creativity and co-production by:

La Machi Communication for Good Causes

Benefactors

Thanks to:

National offices of the Pope’s Worldwide Prayer Network and its youth branch EYM in Guatemala, Filipinas and Ivory Coast.

With the Society of Jesus

PRESS RELEASE

Umaasa si Papa Francisco na ang World Youth Day sa Lisbon ay magiging “punla para sa kinabukasan ng mundo”

  • Kaugnay ng pagbubukas ng World Youth Day sa Lisbon, ang Pope Video ay patungkol sa pangunahing papel ng kabataan sa buhay ng Simbahan at ng mundo.
  • Sa temang “si Maria ay nagmamadaling bumangon at naglakbay” (Lukas 1:39), hihikayatin ng Santo Papa ang kabataan na gawing ehemplo si Maria upang “magmadali sa pagtungo sa daan upang tumulong” sa iba.
  • Ipinagkakatiwala ni Papa Francisco sa kabataan ang gawain ng pagbuo ng “mundo na naka-sentro sa pagmamahal, kung saan madarama natin na tayo ay magkakapatid.” “Tayo ay nasa digmaan,” pagpapaalala niya, at “sa Lisbon, nais kong makita ang punla para sa kinabukasan ng mundo.”

(Lungsod ng Vatican, ika-27 ng Hulyo 2023) – “Nang magtungo ako sa simbahan sa aking lugar, mga matatanda lang ang nakita ko. Para lang ba sa matatanda ang Simbahan?” Ito ang tanong ng Santo Papa sa pagsisimula ng Pope Video kasabay ng World Youth Day. Ang direkta niyang tugon: “Kung ito ay para sa mga matatanda, ito ay mamamatay…. Ang Simbahan ay nangangailangan ng mga kabataan upang hindi ito tumanda.”

Ang video kasama ang bagong intensyon ng panalangin ng Santo Papa, na ipinagkakatiwala niya sa Simbahang Katolika sa pamamagitan ng Apostolado ng Panalangin, at nilikha sa pakikipagtulungan ng Lisbon 2023 WYD Foundation at ng Dicastery for Laity, Family and Life, ay tungkol sa mga kabataan at sa World Youth Day. Binigyang-diin ng Banal na Papa sa kanyang mensahe ang paanyaya niya sa mga kabataan na magmadali sa pagtahak sa daan tungo sa masayang pagpapatotoo sa Ebanghelyo. 

Ang mga tanong ng kabataan

May espesyal na tampok sa video para sa buwang ito. Tutugon ang Santo Papa sa mga katanungan ng ilang kabataan mula sa iba’t ibang kontinente na nagtanong sa iba’t ibang wika. Ang mga kabataan mula sa Pilipinas, Brazil at Ivory Coast (mga miyembro ng Eucharistic Youth Movement, ang sangay ng Apostolado ng Panalangin para sa mga Kabataan, na may 1,700,000 mga miyembro sa 60 mga bansa) ay nagtanong sa Santo Papa: kung ang Simbahan ba ay para lamang sa mga “matatanda”; kung bakit niya pinili si Maria bilang tema ng World Youth Day; kung ano ang inaasahan ng Banal na Papa sa pandaigdigang pagpupulong ng mga kabataan sa Portugal. 

Ang mga tugon ng Santo Papa

Bagaman nasa malayo, marubdob ang mga naging tugon ng Santo Papa. Ipinaliwanag niya na ang inasal ni Maria ay nagbigay ng aral sa lahat ng kanyang mga kaibigan dahil “nang mabatid ni Maria na siya ay magiging ina ng Diyos, hindi siya nanatili doon para mag-selfie at magmalaki.” Sa halip, “Ang una niyang ginawa ay tinahak niya ang daan, nang may pagmamadali, upang magsilbi, upang tumulong.” Sa dakong huli, inihayag niya ang pangarap “na makita ang punla para sa kinabukasan ng mundo,” isang daigdig kung saan ang pagmamahal (sa panahon kung saan “tayo ay nasa kalagitnaan ng digmaan”) at kagalakan (“dahil kung tayong mga Kristiyano ay hindi nagagalak, hindi tayo kapani-paniwala, walang sinuman ang maniniwala sa atin”) ang sentro. 

Ang pagtitipon

Ayon kay Bishop Americo Aguiar, Pangulo ng Lisbon 2023 WYD Foundation, “ang pulong ay mahalagang pagpupulong ng mga kabataan kasama ang Santo Papa, ang pagtatagpo ng mga kabataan kasama ang iba pang mga kabataan, ang pakikipagtagpo ng bawat kabataan sa tao na nagsasabuhay kay Kristo. Sa paglalakbay na ito, inaasahan ko ang lahat at wala akong inaasahan. Inaasahan ko ang lahat, umaasa ako na titimo sa lahat ng kabataan ang mga salita ng Santo Papa at makatatagpo ng bawat kabataan ang Diyos ng Buhay. Ang umasa sa wala ay lubusang pagtitiwala, ang pagbibigay ng lahat ng mayroon ako at ng aking sarili, nang walang hinihintay na kapalit. Magsisikap ako araw-araw, lalo na sa mga huling araw, para sa isang nakababatid na hindi maisasakatuparan ang napakalaking gawaing ito nang wala ang makapangyarihang presensya ng Muling Nabuhay na si Hesus.”

Ang pagbabalik matapos ang pandemya

Sinabi naman ni Father João Chagas, pinuno ng Youth Office for the Dicastery for Laity, Family and Life, na, “Mabuti ang mabigyan ng pagkakataon na sama-samang manalangin, ang magnilay sa isang pagpupulong kasama ang iba’t ibang henerasyon, sa temang napusuan ng mahal na Santo Papa. Sa kanyang mensahe sa mga kabataan noong 2017, inalala niya, ‘Gusto mong “lumipad” sa mabuting dahilan, ang puso mo ay puno ng magagandang pangarap, subalit kailangan mo ng karunungan at ng pananaw ng mga nakatatanda. Ikampay mo ang iyong mga pakpak at lumipad, subalit isaisip na kailangan mong muling tuklasin ang iyong pinagmulan at tanggapin ang tanglaw mula sa mga nauna sa iyo. Para makabuo ng makabuluhang kinabukasan, kailangan mong malaman at pahalagahan ang nakaraan.’ Masusing isulong ang pinagsama-samang kultura ng pakikipagtagpo, matapos ang nakakikilabot na karanasan sa pandemya, ng pagkakalayo sa lipunan, umaasa ako na ang WYD ay maaaring maging pagkakataon para sa mga kabataan mula sa iba’t ibang panig ng mundo na muling magkita, na may pag-asang mamuhay sa mapayapang panahon.”

Ang Apostolad ng Panalangin at ang WYD 2023

Binigyang-pansin ni Father Frédéric Fornos S.J., International Director ng Apostolado ng Panalangin, ang presensya ng gawain ng Santo Papa sa WYD: “ang Pope Video ngayong buwang ito ay isa sa mga palatandaan ng presensya ng Apostolado ng Panalangin sa World Youth Day sa Lisbon. Sa katunayan, noon pa lamang taong 2020, simulan na ang paghahanda para sa kaganapang ito na sinabayan ng panalangin sa pamamagitan ng Click To Pray App, na parehong opisyal na prayer App ng Santo Papa at ng pagpupulong sa Lisbon, palagiang pag-aalay ng panalangin para sa WYD 2023 tuwing ika-23 ng bawat buwan. Habang ginaganap ang pagtitipon, mula ika-30 ng Hulyo hanggang ika-6 ng Agosto, magagamit ng mga kalahok ng WYD ang Click To Pray, at para sa mga hindi makadadalo, subalit nais makiisa sa WYD sa pamamagitan ng pananalangin mula sa malayo, tatlong araw-araw na pagninilay na mababasa at mapakikinggan sa limang wika: Spanish, Portuguese, English, Italian at French. Bilang karagdagan, ang mga miyembro ng Eucharistic Youth Movement (EYM), ang aming sangay ng kabataan, ay dadalo din sa Lisbon. Bumuo kami ng grupo ng tagapag-ulat ng EYM na tutulong sa mga kabataan ng EYM mula sa iba’t ibang panig ng mundo na dadalo, pati na sa mga makikilahok mula sa kani-kanilang bansa sa pamamagitan ng mga lokal na kaganapan, at online.”

Nagiging posible lamang ang Ang Video ng Papa salamat sa bukas-palad na ambag ng maraming tao. Maaari kayong magbigay ng inyong donasyon sa link na ito:

Saan mapapanood ang video? 

Tungkol sa Video ng Papa

Ang Video ng Papa ay opisyal na pandaigdigang inisyatibo na layuning ipakalat ang mga buwanang intension ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin o Pope’s Worldwide Prayer Network). Mula pa noong 2016, napanood na ang Video ng Papa nang higit sa 203 milyong ulit sa lahat ng mga social network ng Vatican, at isinalin na sa higit sa 23 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan sa 114 na mga bansa. Nilikha at prinodyus ang mga video ng pangkat ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, sa pakikipag-coordinasyon kay Andrea Sarubbi at sa pakikipagtulungan ng Agencia La Machi Comunicación para Buenas Causas. Suportado ng Vatican Media ang proyektong ito. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa.

Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (PWPN)

Ang Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network ay isang Gawain ng Santo Papa (Pontifical Society/Work at Foundation) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensiyon sa panalangin na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng samahang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Matatagpuan ito sa 89 na bansa at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang gawaing ito bilang isang Vatican Foundation at inaprubahan ang mga bagong tuntunin (statutes) nito. Si Padre Frederic Fornos, SJ ang Pandaigdigang Direktor ng PWPN. May higit pang impormasyon sa: www.popesprayer.va

Tungkol sa Dicastery for Laity, Family and Life

Ipinagkakatiwala sa Dicastery for Laity, Family and Life ang pagtataguyod ng buhay at apostolado ng mga laikong mananampalatay, para sa pastoral na pangangalaga sa mga kabataan, sa pamilya at sa misyon nito, sa pagsunod sa plano ng Diyos, para sa matatanda, at para sa proteksyon at suporta sa buhay ng tao. Para sa karagdagang impormasyon: www.laityfamilylife.va.

I-contact ang Press

[email protected]

WORLD YOUTH DAY (WYD) LISBON 2023

Rosa Pedroso Lima [email protected] 

WYD, World Youth Day, Lisbon 2023, WYD 2023, WYD Lisbon, Kabataan, Kabataan sa Simbahan, Maria.

adminAGOSTO | Para sa Pandaigdigang Araw ng Kabataan