Ipagdasal nating matuklasan ng mga nagkahati-hating pamilya ang lunas sa kanilang mga sugat sa pamamagitan ng pagpapatawad, at muling pagtuklas ng mga regalo ng isa’t isa, pati na sa kanilang pagkakáibá.
Papa Francisco – Marso 2025
Pangarap nating lahat ang maganda at perpektong pamilya. Ngunit walang perpektong pamilya. Bawat pamilya may kanya-kanyang problema, at may kanya-kanya ring matinding kagalakan.
Mahalaga ang bawat myembro ng pamilya dahil iba’t iba ang bawat myembro, at katangi-tangi ang bawat tao. Ngunit ang mga pagkakaibang ito ay maaari ding magdulot ng masasakít na sugat.
At ang pinakamabisang gamot sa sakit ng isang pamilyang sugatán ay ang pagpapatawad.
Ang pagpatawad ay nangangahulugan ng pagbibigay ng isa pang pagkakataon. Ginagawa ito ng Diyos sa atin sa lahat ng oras. Walang hanggan ang pasensya ng Diyos. Pinatatawad niya tayo, itinataas, binibigyan tayo ng bagong simula.
Ang pagpapatawad ay palaging nagpapanibago sa pamilya; ginagawa itong tumingin sa hinaharap nang may pag-asa.
Kahit di posible ang gusto sana nating “masayang katapusan”, ang biyaya ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng lakas upang magpatawad, at nagdudulot ito ng kapayapaan, dahil nagpapalaya ito sa atin mula sa lungkot, at, higit sa lahat, mula sa samâ ng loob.
Ipagdasal nating matuklasan ng mga nagkahati-hating pamilya ang lunas sa kanilang mga sugat sa pamamagitan ng pagpapatawad, at muling pagtuklas ng mga regalo ng isa’t isa, pati na sa kanilang pagkakáibá.
Credits
Campaign title:
The Pope Video – MARCH | For families in crisis
A project by Pope’s Worldwide Prayer Network
In collaboration with Vatican Media
Creativity and co-production by:
Gaia Valeria Rosa and Diego Angeli