ABRIL | Para sa isang kultura ng kawalang-karahasan

Ipagdasal natin ang mas malawak na pagkalat ng kultura ng kawalang-karahasan, na mararating hindi lamang ang mga Estado kundi pati mamamayan ay mas bihirang gumamit ng armas.

Pope Francis – April 2023

Ang mamuhay, magsalita at kumilos nang walang karahasan ay hindi pagsuko, o pagkatalo o pagsukò ng anuman. Ito’y paghangad ng lahat.
Gaya ng sabi ni San Juan XXIII, 60 taon na ang lumipas, sa Encyclical niyang Kapayapaan sa Mundo (Pacem in Terris): kabaliwan ang digmaan; labag ito sa katinuán ng isip.
Anumang digmaan o armadong pagsasalpukan, ay laging nagtatapos sa pagkatalo para sa lahat.
Paunlarin natin ang kultura ng kapayapaan.
Tandaan nating kahit sa mga kaso ng pagtatanggol sa sarili, kapayapaan ang layunin. At ang pangmatagalang kapayapaan ay kapayapaan lamang na walang armas.
Gawin nating gabay sa ating mga aksyon ang kawalang-karahasan, sa pang-araw-araw na buhay at gayundin sa mga internasyonal na relasyon.
At ipagdasal natin ang mas malawak na pagkalat ng kultura ng kawalang-karahasan, na mararating hindi lamang ang mga Estado kundi pati mamamayan ay mas bihirang gumamit ng armas.

Credits

Campaign title:

The Pope Video – April 2023: For a non-violent culture

A project by Pope’s Worldwide Prayer Network

In collaboration with Vatican Media

Creativity and co-production by:

La Machi Communication for Good Causes

Music production and mix by:

Índigo Music Design

Benefactors

PRESS RELEASE

HINDIÁN ANG KARAHASAN, HINDIÁN ANG DIGMAAN, HINDIÁN ANG ARMAS: NANAWAGAN SI FRANCISCO PARA SA ISANG CULTURA NG KAPAYAPAAN

Press clipping

  • 60 taon matapos mailathala ni San Juan XXIII ang encyclical na Pacem in Terris, ipinapala ni Francisco ang mensahe niya at pagtuligsa na “ang digmaan ay kabaliwan, ito ay walang katuwiran.”
  • Ang Video ng Papa nitong Abril ay panawagan na bumuo ng kultura ng kapayapaan, “na dapat pauntî nang pauntî ang paggamit ng mga sandata”, dahil “ang pangmatagalang kapayapaan ay maaari lamang maging kapayapaan na walang armas”.
  • Hinihiling ni Francis na gawing gabay para sa ating pagkilos ang “kawaláng-karahasan, kapwa sa pang-araw-araw na buhay at sa mga ugnayang internasyonal.”

(Lungsod ng Vatican, Marso 30, 2023) – “Paunlarin natin ang kultura ng kapayapaan. Kultura ng kapayapaan”, mariing panawagan ni Pope Francis. Ito ang panawagan ng Video ng Papa para sa Abril na may bagong adhikain sa panalangin na ipinagkakatiwala ng Papa sa buong Simbahang Katoliko, sa pamamagitan ng Apostolado ng Panalangin o Pope’s Worldwide Prayer Network.

Ang susunod na Abril 11 ay ang ika-60 anibersaryo ng paglalathala ng encyclical na Pacem in Terris na isinulat ni Pope John XXIII at may subtitulong “Alang-alang sa Kapayapaan para sa Lahat ng mga Tao na Dapat Nakabatay sa Katotohanan, Katarungan, Pag-Ibig at Kalayaan”. Sa kanyang video ngayong buwan, muling iginigiit ni Francisco ang mensaheng ito, na binibigyang-diin na “ang digmaan ay kabaliwan; ito ay labag sa katuwiran.”

Ang pariralang iyon animnapung taon na ang nakalilipas, na sinipi ni Francis sa mensahe na kasama ng kanyang adhikain sa panalangin, ay mas napapanahon kaysa dati, tulad ng mga patotoong iniwan ng ilan sa mga taong nagtanim ng mga binhi ng kapayapaan noong nakaraang siglo: si San Juan XXIII siempre, ngunit pati rin sina Mahatma Gandhi, Martin Luther King, Santa Teresa ng Calcutta. Sa Video ng Papa ngayong buwan, lumilitaw ang kanyang mga itim-at-puting larawan sa gitna ng mga eksena ng pagkawasak na dulot ng kasalukuyang karahasan: mula sa digmaan sa Ukraine hanggang sa Gitnang Silangan, sa pamamagitan ng mga sagupaan at pamamaril maging sa mga bansang mas mayaman, tulad ng Estados Unidos. Bagama’t hindi nagkukulang ang mga saksi, sa madaling salita, hindi pa rin natututunan ng mundo ang pangunahing aral: na “anumang digmaan, anumang armadong paghaharap, ay náuuwî sa pagkatalo para sa lahat”.

Kapayapaan ang Layunin

Sa artikulong inilathala ng Amnesty International tungkol sa data at istatistika sa paggamit ng mga armas sa pagitan ng 2012 at 2016, ipinakita ang halimbawa ng resulta ng kultura ng karahasan: halimbawa, mahigit 500 katao ang namamatay araw-araw dahil sa armadong karahasan at karaniwan 2000 ang nasusugatan; Bilang karagdagan, 44% ng mga pagpaslang ng tao (homicide) sa mundo ay ginawa gamit ang mga baril. Direktang nauugnay ito sa industriya ng mga sandata: 8 milyong maliliit na armas ang ginagawa bawat taon, kasama ang 15 bilyong bala. At tungkol sa armadong tunggalian, inihayag ng Action against Armed Violence (AOAV) na ang pananaw para sa 2023 ay hindi nakabibigay-sigla: mga bagong komprontasyon, partikular na ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine at ang mga pagsiklab ng karahasan sa Asya, idinagdag nila sa patuloy na mga salungatan at armadong pakikibaka sa Horn of Africa at Middle East, bukod sa iba pa.

Ang tanging posibleng paraan upang matigil ang mabangis na pagsalakay na ito ay ang paghahanap at pagpapatupad, lokal at internasyonal, ng mga daluyan ng tunay na diyalogo at itanghal ang “kawaláng-karahasan” bilang “gabay para sa ating pagkilos.” Ang mensaheng ito ay umaalingawngaw sa isinulong ni Pope John XXIII 60 taon na ang nakalilipas: “Ang karahasan ay walang ginawang anuman liban sa pagwasak; walang binubuô; pinag-aapoy ang simbuyo ng kalooban, sa halip na pakalmahin ang mga damdamin ng tao; nag-iipon ng poot at mga guhô, walang maitulong sa pagkakasundo at kapatiran ng mga di-nagkakaunawaan, at nag-uudyok sa mga tao at partido sa malupit na pangangailangang upang muling magtayô at bumuô ng uin nang dahan-dahan, pagkatapos ng masakit na mga pagsubok, sa pagkawasak ng hindi pagkakasundo.

Kapayapaang Walang Sandata, Walang Armas

Sa panahong ito sa kasaysayan na minarkahan ng salungatan sa Ukraine, na nagsasangkot ng malaking bilang ng mga bansa noong nakaraang taon, naalala ni Francis na, kahit na sa mga kaso ng lehitimong pagtatanggol, ang ultimong layunin ay dapat palaging kapayapaan: kahit na ang kapayapaang ito, tulad ng ngayon, parang malayo. Ngunit “ang pangmatagalang kapayapaan – idinagdag niya – ay maaari lamang maging kapayapaan na walang armas”, at sa kadahilanang ito ay iginigiit niya ang tema na napakamahal sa kanya ng disarmament sa lahat ng antas, kabilang sa loob ng lipunan: “ang kultura ng kawaláng-karahasan. – nagtatapos sa katunayan, sa kanyang intensyon ng panalangin – dumaan sa maliit at kakaunting paggamit ng mga armas, kapwa ng mga Estado at ng mga mamamayan”.

Si Fr. Frédéric Fornos S.J., Internasyonal na Direktor ng Pope’s Worldwide Prayer Network, ay nagkomento: “Sa harap ng karahasan sa ating panahon, mungkahi ni Francisco na buong buwan tayong manalangin ‘para sa mas malawak na paglaganap ng kultura ng kawaláng-karahasan.’ Sa katunayan, nagsisimula ang kapayapaan sa pagitan ng mga tao ay nagsisimula, sa katunayan, sa pinakakonkreto at matalik na bahagi ng puso, kapag nakasalubong ko ang isa sa kalye, ang kanyang mukha, ang kanyang hitsura, lalo na ang nanggaling sa ibang lugar, ang hindi nagsasalita tulad ko. at hindi magkapareho ang kultura, ang kakaiba ang ugali at ang tinatawag na ‘dayuhan’. Ang digmaan at labanan ay nagsisimula dito at ngayon, sa ating mga puso, sa tuwing hahayaan natin ang karahasan na palitan ang hustisya at pagpapatawad. ang bisperas Ipinakita sa atin ng Ebanghelyo na ang buhay ni Hesus ay naghahayag ng tunay na landas ng kapayapaan at nag-aanyaya sa atin na sundin ito. Ito ay sa espiritu na ito na tayo ay tinatawag na ‘disarmament‘, ang ‘paglapag ng sandata’ sa ating mga salita, sa ating mga aksyon, ang pagpawi nng ating poot. Kaya’t manalangin tayo, gaya ng paanyaya sa atin ni Francis, upang “gawing gabay natin para sa ating pagkilos ang kawaláng-karahasan, hindi lamang sa ating pang-araw-araw na buhay kundi sa mga relasyong internasyonal.”

Nagiging posible lamang ang Ang Video ng Papa salamat sa bukas-palad na ambag ng maraming tao. Maaari kayong magbigay ng inyong donasyon sa link na ito:

Saan mapapanood ang video? 

Tungkol sa Video ng Papa

Ang Video ng Papa ay opisyal na pandaigdigang inisyatibo na layuning ipakalat ang mga buwanang intension ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin o Pope’s Worldwide Prayer Network). Mula pa noong 2016, napanood na ang Video ng Papa nang higit sa 158 milyong ulit sa lahat ng mga social network ng Vatican, at isinalin na sa higit sa 23 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan sa 114 na mga bansa. Nilikha at prinodyus ang mga video ng pangkat ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, sa pakikipag-coordinasyon kay Andrea Sarubbi at sa pakikipagtulungan ng Agencia La Machi Comunicación para Buenas Causas. Suportado ng Vatican Media ang proyektong ito. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa.

Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (PWPN)

Ang Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network ay isang Gawain ng Santo Papa (Pontifical Society/Work at Foundation) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensiyon sa panalangin na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng samahang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Matatagpuan ito sa 89 na bansa at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang gawaing ito bilang isang Vatican Foundation at inaprubahan ang mga bagong tuntunin (statutes) nito. Si Padre Frederic Fornos, SJ ang Pandaigdigang Direktor ng PWPN. May higit pang impormasyon sa: www.popesprayer.va/.

CONTACT [email protected]

Kapayapaan, Kawaláng-Karahasan, Paglapag ng Armas, Kultura ng Kawaláng-Karahasan, Ano ang Kawaláng-Karahasan?, Mga armadong pagsasalpukan, Pagtatanggol sa sarili.

adminABRIL | Para sa isang kultura ng kawalang-karahasan