Ipagdasal natin na ang mga eklesyal (pansimbahang) kilusan at mga grupo ay muling matuklasan ang kanilang misyon araw-araw, isang misyon sa pag-eebanghelyo, at kanilang ilaan ang kani-kanilang mga karisma para sa paglilingkod sa mga pangangailangan ng mundo.
Papa Francisco – Mayo 2023
Regalo ang mga kilusan sa Simbahan, sila ay kayamanan ng Simbahan! At kayo ‘to!
Napagbabago ng mga kilusan ang Simbahan dahil sa kapasidad nilang makipagdiyalogo para sa paglilingkod sa misyon ng ebanghelisasyon.
Araw-araw, muling nakatutuklas sila sa kanilang karisma ng mga bagong paraang ipakita ang pagiging kaakit-akit at pagiging bago ng Ebanghelyo.
Paano nila ginagawa iyon? Sa pagsasalita sa iba’t ibang mga wika, na bagamat naiiba ang mga ito, ang pagkamalikhain naman ang lumilikha ng mga pagkakaibang iyon. Ngunit laging umuunawa at ipinauunawa ang kanilang sarili sa kapwa tao.
At ang trabaho nila ay paglilingkod sa mga Obispo at mga parokya upang maiwasan ang anumang tukso na makulong sa kanilang sarili, na laging isang panganib, di ba?
Palaging patuloy na kumilos, tumugon sa udyok ng Banal na Espiritu, sa mga hamon, sa mga pagbabago sa mundo ngayon.
Manatili sa pagkakaisa ng Simbahan, dahil ang pagkakaisa ay kaloob ng Banal na Espiritu.
Ipagdasal natin na ang mga eklesyal (pansimbahang) kilusan at mga grupo ay muling matuklasan ang kanilang misyon araw-araw, isang misyon sa pag-eebanghelyo, at kanilang ilaan ang kani-kanilang mga karisma para sa paglilingkod sa mga pangangailangan ng mundo. Serbisyo.
Credits
Campaign title:
The Pope Video – May 2023: For ecclesial movements and groups
A project by Pope’s Worldwide Prayer Network
In collaboration with Vatican Media
Creativity and co-production by:
Gaia Valeria Rosa and Diego Angeli
Benefactors
Media partners:
Thanks to:
Dicastery for Laity, Family, and Life
© CSC Audiovisual Ltd. – Focolare Movement
The Community of Sant’Egidio
International Catholic Conference of Scouting
CNE (Corpo Nacional de Escutas)
Communion and Liberation Fraternity
Archive of the Shalom Catholic Community
Nuovi Orizzonti (New Horizons)
CHARIS (Catholic Charismatic Renewal International Service)
Neocatechumenal Way
CLC – Christian Life Community
Images of various national teams of the PWPN and its youth section, the EYM
The Pope John XXIII Community Association
With the Society of Jesus
—
PRESS RELEASE
Hiling ng Santo Papa sa mga pansimbahang kilusan at grupo na tuklasin muli ang kanilang pang-ebanghelisasyong misyon
- Ang bagong Video ng Papa ay patungkol sa mga pansimbahang kilusan at mga grupo: “Sila ay regalo sa Simbahan at kayamanan ng Simbahan”.
- Pinupuri ni Francisco ang kakayahan nilang makipag-diyalogo habang pinaglilingkuran ang pang-ebanghelisasyong misyon at hinihiling niya na manatili silang kumikilos, tumutugon sa udyok ng Banal na Espiritu, sa mga hamon, sa mga pagbabago ng mundo ngayon”.
- Sa panalanging intensiyong ito, inaanyayahan ng Papa ang mga pansimbahang grupo na ilagay ang “kanilang karisma sa pag-serbisyo sa mga pangangailangan sa mundo, at umiwas sa anumang tukso na magpinid sa kanilang sarili”.
(Lungsod ng Vatican, May 2, 2023) – Ang mga pansimbahang kilusan ay “mga kayamanan ng Simbahan”: sila ay nagsasalita ng magkaka-ibang wika at animo’y magkaka-iba, subali’t ang pagiging malikhain ang gumagawa ng pagkaka-iba-iba”. Ganito inumpisahan ni Fransisco Ang Video ng Papa para sa Mayo, na doo’y ibinabahagi ang bagong panalanging intensiyon na ipinagkatiwala sa buong Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng Apostolado ng Panalangin o Pope’s Worldwide Prayer Network. Tunay na ang mga saloobin ng Santo Papa ay nakatuon \ sa mga pansimbahang kilusan at grupong nagpapanibago sa Simbahan at ang kanilang kakayahan sa diyalogo at sa paglilingkod sa pang-ebanghelisasyong misyon”.
Maraming Karisma, Iisang Misyon
Ang video, na ginawa sa pakikipagtulungan sa Dicastery ng mga Layko, Pamilya at Buhay, kung saan kabilang sa kanilang gawain ay samahan ang pagsilang at pag-unlad ng mga samahan ng mga mananampalataya at mga pansimbahang kilusan – ay isanasalaysay ang mga pira-pirasong buhay, sa iba’t ibang contexto. Mayroon, halimbawa, ang mga Portuguese scouts na manlalakbay sa mga banal na lugar kasama ang World Youth Day na Krus, ang mga “neocatechumenals” na nakikibahagi sa ebanghelisasyon sa mga lansangan ng mga siyudad sa America, ang mga Misyonero ng Shalom sa Madagascar at mga misyonero ng Komunyon at Liberasyon sa Pilipinas; Nuori Orizzonti kasama ang mga pamilya mula sa Brazilian favelas at ang Komunidad ni Pope John Paul XXIII kasama ang mga taga-Kenya; ang Sant’Egidio na sinasalubong ang Libyan refugees na dumarating kasama ang mga humanitarianong corridor, ang mga Focolare na naglilinis ng mga maruruming dalampasigan ng Southeast Asia, ang mga kabataan ng Eucharistic Youth Movement sa kanilang International Congress, sumasamba sa harap ng Eukaristiya. Napakaraming iba’t-ibang karisma, iisang misyon: ipahayag ang Ebanghelyo sa iba’t-ibang kapaligiran at iba’t-ibang pamamaraan.
Sa paglilingkod sa pang-ebanghelisasyong misyon
Ang mga pansimbahang kilusan ay grupo ng mga taong nakatuon sa apostolado na may sariling karisma kung saan ang Banal na Espiritu ay ibinabahagi para sa pangkalahatang kabutihan ng Simbahan. Karamihan ay binubuo ng mga laykong mananampalataya, ang paghanap sa mga miyembro para sa personal na enkwentro kay Kristo ay hinihikayat silang makipag-diyalogo sa mga babae at lalaki sa ngayon, saan dako man sila naroroon, sa paglilingkod at pagpapahayag ng Ebanghelyo.
Ang mga pansimbahang kilusan at mga grupong ito ay humahanap ng mga bagong paraan upang maipakita ang kagandahan at pagiging bago ng Ebanghelyo, paliwanag ni Francisco sa Pope Video. Sa pamamagitan ng mga wikang tila naiiba, at sa pagkamalikhain ng bawat karisma, pinagpanibago nila ang Simbahan. At ayon kay Santo Papa Juan Paulo II, “ Bawat kilusan ay naiiba sa isa’t-isa, subalit sila ay nagkakaisa sa iisang komunyon at iisang misyon, at hindi nalilimutang ang tunay na karisma ay hindi maaaring mabigo na maka-enkuwentro si Kristo.
Internasyonal, interhenerasyonal, multi-bokasyonal
“Ang pansimbahang kilusan”, wika ni Linda Ghisouim, Pangalawang Punong Lingkod ng Departamento ng mga Layko, Pamilya at Buhay, ay malaking regalo ng Simbahan sa lipunan ngayon: sila ay, sa katunayan, mga tagapagdala ng pagkamalikhain na patuloy na binabago upang maging saksi kay Hesukristo at sa magandang balita ng Ebanghelyo sa mga lalaki at babae sa panahon ngayon, sa pinaka-magkakaibang mga pangyayari, na may mga konkretong pagkilos. Sila ay mga pang- internasyonal, interhenerasyonal at multi-bokasyonal na realidad, at may napatunayang kakayanan sa paghubog at sila ay tinawag na hindi kailanman isinasara ang sarili, kundi isabuhay ang kanilang tunay na pansimbahang bokasyon at misyon.
Sa pakikipagkaisa sa Simbahan
Katiyakang kailangan na manatiling nakikipagkaisa sa Simbahan ay isa pang aspeto na binibigyang-diin ni Francisco sa bideo ngayong buwan: sa tonong mala-Ama, at sa katunayan, ang Pontiff ay inaanyayahan ang mga kilusang ito na parating gumawa para sa paglilingkod sa mga Obispo at sa kanilang mga parokya. “ Ang panganib”, naalala niya, “ay ang tukso na ipinid ang kanilang sarili. Bawat kilusan, sa katunayan, ay hindi ito hangganan, kundi isang kaaya-ayang lugar kung saan nakaka-enkuwentro ang Panginoon at nahahanap ang katuparang “ nailalagay ang sariling karisma at sa paglilingkod sa mga pangangailangan ng mundo. Sa paglilingkod, inuulit ni Francisco sa pagtatapos, upang bigyang-lakas ang konsepto.
Laging kumikilos: tuklasing muli ang misyon
Si Fr. Frederic Fornos, S.J. International Director ng Pope’s Worldwide Prayer Network, ay nagsabi tungkol sa intensiyon, “Sa isang banda, si Francisco ay nakatuon sa pangunahing talâ ng mga pansimbahang kilusan: na sila ay palaging kumikilos. Na patuloy silang ‘tumutugon sa udyok ng Banal na Espiritu, sa mga hamon, sa mga pagbabago sa mundo ngayon, na patuloy silang mulat, ayon sa kanilang karisma, “ang ebanghelisasyong misyon ng Simbahan sa mga laykong nakatuon sa pamumuhay at pagiging saksi sa Ebanghelyo, sa mga karaniwang realidad ng buhay, sa trabaho, sa pang-edukasyon, panlipunan at kultural na mundo.’ Samahan natin si Papa Francisco dito sa napakahalagang panalanging intensiyon, at manalangin tulad ni Juan Paulo II, habang hinihintay natin ang kapistahan ng Pentekostes: ‘Halina! Espiritu ng Buhay, Espiritu ng Katotohanan, Diwa ng Pakikipag-isa at Pag-ibig. Kailangan ka ng Simbahan at ng mundo! Halina, Banal na Espiritu at gawin mong ang mga karismang ipinagkaloob mo ay maging higit na mabunga!-mabunga.’”
Nagiging posible lamang ang Ang Video ng Papa salamat sa bukas-palad na ambag ng maraming tao. Maaari kayong magbigay ng inyong donasyon sa link na ito.
Saan mapapanood ang video?
- Ang Opisyal na Website ng Ang Video ng Papa
- YouTube Channel ng Ang Video ng Papa
- Facebook Page ng Ang Video ng Papa
- Twitter ng Ang Video ng Papa
- Instagram ng Ang Video ng Papa
- Opisyal na Twitter @Pontifex
- Opisyal na Instagram @Franciscus
Tungkol sa Video ng Papa
Ang Video ng Papa ay opisyal na pandaigdigang inisyatibo na layuning ipakalat ang mga buwanang intension ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin o Pope’s Worldwide Prayer Network). Mula pa noong 2016, napanood na ang The Pope Video nang higit sa 196 milyong ulit sa lahat ng mga social network ng Vatican, at isinalin na sa higit sa 23 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan sa 114 na mga bansa. Nilikha at prinodyus ang mga video ng pangkat ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, sa pakikipag-coordinasyon kay Andrea Sarubbi at sa pakikipagtulungan ng Agencia La Machi Comunicación para Buenas Causas. Suportado ng Vatican Media ang proyektong ito. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa.
Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (PWPN)
Ang Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network ay isang Gawain ng Santo Papa (Pontifical Society/Work at Foundation) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensiyon sa panalangin na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng samahang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Matatagpuan ito sa 89 na bansa at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang gawaing ito bilang isang Vatican Foundation at inaprubahan ang mga bagong tuntunin (statutes) nito. Si Padre Frederic Fornos, SJ ang Pandaigdigang Direktor ng PWPN. May higit pang impormasyon sa: www.popesprayer.va.
Tungkol sa Dicastery for the Laity, Family and Life
Ang Dicasterio para sa Layko, Pamilya at Buhay ay namamahala sa pagpapalakas ng apostolado ng mga mananampalatayang layko, sa pastoral na pangangalaga sa mga kabataan, mag-asawa at pamilya at ang kanilang misyon ayon sa plano ng Diyos, pag-alaga sa mga matatanda at pagtataguyod at proteksyon ng buhay. Para sa karagdagang impormasyon: www.laityfamilylife.va.
CONTACT [email protected]
Ecclesial movements, ecclesial groups, charism, evangelization, mission, evangelizing mission, renewal.