ABRIL | Para sa Papel o Gampanin ng Kababaihan

Ipagdasal natin na ang dignidad at yaman ng kababaihan ay kilalanin sa lahat ng kultura, at matapos na ang diskriminasyong dinaranas nila sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Pope Francis – ABRIL 2024

Sa maraming bahagi ng mundo, ang mga kababaihan ay tinatrato bilang unang ibinabasura.
May mga bansa na ipinagbabawal ang mga kababaihan na makakuha ng tulong upang makapagsimula ng negosyo o makapag-aral. Kahit sa mga lugar na iyon, tinitiis nila ang mga batas na idinidikita kung ano at paano sila mananamit. At sa maraming bansa, patuloy pa ang mga mutilasyon sa ari ng kababaihan.
Huwag nating ipagkait ang boses ng mga babae. Huwag nating ipagkait ang boses ng lahat ng inaabusong kababaihan. Pinagsasamantalahan sila, isinasantabi sila.
Sa salita, sang-ayon tayong lahat na ang mga lalaki at babae ay may parehong dignidad bilang mga tao. Ngunit sa gawâ hindi ito nangyayari.
Kailangang mangako ang mga pamahalaan na alisin ang mga batas na may diskriminasyon sa lahat ng dako at magtrabaho upang matiyak na ang mga karapatang pantao ng kababaihan ay ginagarantiyahan.
Igalang natin ang mga babae. Igalang natin sila sa kanilang dignidad, sa kanilang mga salingang karapatan. Kung hindi, hindi uusad ang ating lipunan.
Ipagdasal natin na ang dignidad at yaman ng kababaihan ay kilalanin sa lahat ng kultura, at matapos na ang diskriminasyong dinaranas nila sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Credits

Campaign title:

The Pope Video – APRIL | For the role of women

A project by Pope’s Worldwide Prayer Network

In collaboration with Vatican Media

Creativity and co-production by:

Benefactors

Thanks to:

AMNESTY INTERNATIONAL
ROBIN HAMMOND
LISA KRISTINE
Suore Missionarie Comboniane Repubblica Centrafricana – Soeurs Missionnaires Comboniennes
République Centrafricaine
AVSI People for development
Associazione Comunità PAPA GIOVANNI XXIII
IDLO / LANE PRODUCTION

With the Society of Jesus

PRESS RELEASE

 


Pope Francis: “Kung hindi natin iginagalang ang kababaihan, hindi uunlad ang ating lipunan”

 

  • Sa Ang Video ng Papa ngayong April, itinaas ni Pope Francis ang kanyang panalangin “na ang dignidad at yaman ng kababaihan ay kilalanin sa lahat ng kultura, at matapos na ang diskriminasyong dinaranas nila sa iba’t ibang bahagi ng mundo.”
  • Igalang natin ang mga babae. Igalang natin sila sa kanilang dignidad, sa kanilang mga saligang karapatan.  Kung hindi, hindi uusad ang ating lipunan,” diin ng Papa sa mensahe niya sa atin sa pamamagitan ng Apostolado ng Panalangin (Ang Pope’s Worldwide Prayer Network).
  • Sa kanyang buwanang intensiyon, hiniling ni Pope Francis na ang mga pamahalaan ay mangako na “alisin ang mga batas na may diskriminasyon sa lahat ng dako at magtrabaho upang matiyak na ang mga karapatang pantao ng kababaihan ay ginagarantiyahan.

 

(Lungsod Vaticano, 2 Abril 2024) – Muling inialay ni Pope Francis ang kanyang buwanang intensyon sa panalangin alangalang sa kababaihan. Sa Ang Video ng Papa ngayong Abril, na ipinagkatiwala niya sa Apostolado ng Panalangin (Pope’s Worldwide Prayer Network), iginigiit ng Santo Papa ang mga hakbang na kailangang gawin ng lipunan ngayon, at hinihiling sa mga Kristiyano na samahan siya sa panalangin “na ang dignidad at yaman ng kababaihan ay kilalanin sa lahat ng kultura, at matapos na ang diskriminasyong dinaranas nila sa iba’t ibang bahagi ng mundo”.

 

Ang pagtuligsa ni Pope Francis

Isang babaeng Asyano na may luha sa kanyang mga mata, isa pa sa likod ng bakod na may malungkot na hitsura, isang grupo ng mga biktima ng panggagahasa na pinalayas sa kanilang nayon, mga babaeng tinedyer na pinapipila para sa mutilasyon ng kanilang ari – ang videong ito na kasama ng intensiyon ng panalangin ni Pope Francis ay nagbubukas na may mga nakasisindak na larawan na kasabay ng nakaáantíg na pagtuligsa ng Papa. Inilalantad ng kanyang mensahe ang malaking agwat na umiiral sa pagitan ng ipinahayag na mga prinsipyo at aktwal na ginagawa (“Sa salita, sang-ayon tayong lahat na ang mga lalaki at babae ay may parehong dignidad bilang mga tao. Ngunit sa gawâ hindi ito nangyayari.”)

Ang Papa mismo ay nagbibigay ng mga konkretong halimbawa, na binabanggit ang “mga batas na may diskriminasyon” na kasalukuyang ipinapatupad: mga batas na idinidikita kung ano at paano sila mananamit, mga hadlang sa patuloy na edukasyon, pagkait ng tulong para sa mga oportunidad sa trabaho. At naaalala niya na “sa maraming bansa, patuloy pa ang mga mutilasyon sa ari ng kababaihan.” Kaya, sinabi niya na “kailangang mangako ang mga pamahalaan na alisin” ang diskriminasyong ito at “magtrabaho upang matiyak na ang mga karapatang pantao ng kababaihan ay ginagarantiyahan“. Hinihiling niya sa ating lahat na igalang ang mga kababaihan, na sa kasamaang-palad ay patuloy na tinatrato “bilang unang ibinabasura”, at madalas na biktima ng karahasan at pang-aabuso sa maraming bahagi ng mundo, kahit na sa mga bansang nagsasabing sila ay mas maunlad. At “[k]ung hindi natin [gagalangin ang kababaihan],” dagdag ng Papa, “hindi uusad ang ating lipunan.”

Sa kasamaang palad, hindi nagkukulang sa mundo ngayon ang mga kontradiksiyon.  Bagamat sa ilang mga bansa, ang mga kababaihan ay may access sa edukasyon at trabaho, at nanunungkulan bilang mga pinuno ng mga negosyo at organisasyon, marami pa rin ang hindi binibigyan ng pantay na mga oportunidad na tinatamasa ng mga lalaki. Isipin na lang ang job market: mas mababa pa sa isa sa bawat dalawang babae sa mundo ang nakapagtatrabaho at ang mga babae ay kumikita ng 23% na mas mababa kaysa mga lalaki. Ganoon din sa edukasyon, kung isasaalang-alang natin na ang mga babaeng marunong bumasa at sumulat ay nasa minorya sa ilang bansa. Halimbawa, ang rate ay 23%; sa Niger, 27%. Ang mas kaunting mga pagkakataon ay nagbubunga ng napakalaking kahirapang pang-ekonomiko.  Ayon sa UN Women, tinatayang sa 2030 8% ng mga kababaihan at mga batang babae ay mabubuhay sa matinding kahirapan, at 25% ng mga kababaihan ay hindi magkakaroon ng sapat na makakain.

Lalaki at babae, pantay ang dignidad

Ang paggalang sa dignidad ng bawat tao ay pangunahing prinsipyo ng Kristiyanismo dahil ang sagrado ang buhay ng bawat tao, na nilikha sa larawan ng Diyos (tingnan ang Genesis 1:26-27).

Ang paksa ng papel ng kababaihan ay umalingawngaw sa Synthesis Report (Ulat Sintesis) ng Ikalabing-anim na Ordinaryong Pangkalahatang Pagtitipon ng Synod of Bishops’ Synthesis Report na naganap noong Oktubre ng nakaraang taon. “Tayo ay nilikha, lalaki at babae, sa larawan at wangis ng Diyos. Mula sa simula, ang paglikha ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagkakaiba, na pinagkakalooban ang mga babae at lalaki ng magkaparehong kalikasan, pagtawag, at tadhana, at dalawang magkaibang karanasan ng pagiging tao…. Nagkaroon na tayo ng napakapositibong karanasan ng pakikipagtumbasan (reciprocity) ng kababaihan at kalalakihan sa panahon ng Pagtitipong ito. Sama-sama nating inuulit ang panawagan na ginawa sa mga nakaraang yugto ng prosesong synodal, na ang Simbahan ay lalo pang pag-ibayuhin ang pag-unawa at pagsama sa mga kababaihan mula sa pastoral at sakramental na pananaw,” ang sinasaad ng mga kalahok sa synod sa dokumento.

Mga pangunahing bayaning babae sa lahat ng panahon

Pinaáalala ni Padre Frédéric Fornos S.J., International Director ng Pope’s Worldwide Prayer Network, na “mula sa simula, tinanggap ni Jesus ang mga babae bilang kaniyang mga alagad. Makabago ito sa lipunan noong panahong iyon. Tulad ng patotoo ng mga Ebanghelyo, si Mariang ina ni Jesus ay merong espesyal na lugar sa piling ng mga Apostol at sa una nilang komunidad. Ipinagkatiwala ni Jesus sa isang babae, si Maria Magdalena ang misyon na ipahayag ang kanyang muling pagkabuhay sa kanyang mga kapatid. Sa buong kasaysayan, ang mga kababaihan ay nag-ambag sa espirituwal na dinamismo sa Simbahan: sina Teresa ng Avila, Catalina ng Siena, at Teresa ng Lisieux, na mga Doktor ng Simbahan, at hindi mabilang na iba pang mga santa. Habang tinatawag tayo ng Papa na ipagdasal ngayong buwan “na kilalanin ng lahat ng cultura ang dignidad at yaman ng kababaihan, at matapos na ang diskriminasyong danas nila sa iba’t ibang bahagi ng mundo”, patuloy din nating kilalanin ang papel ng kababaihan sa Simbahan. Pangunahing obserbasyon: kung ang pamayanang Kristiyano ay isang negosyo, na walang aktibong partisipasyon ng kababaihan, mababangkarote ang negosyo”.

Nagiging posible lamang ang Ang Video ng Papa salamat sa bukas-palad na ambag ng maraming tao. Maaari kayong magbigay ng inyong donasyon sa link na ito:

Saan mapapanood ang video?                                                                      

 

Tungkol sa Video ng Papa

Ang Video ng Papa ay opisyal na pandaigdigang inisyatibo na layuning ipakalat ang mga buwanang intension ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin o Pope’s Worldwide Prayer Network). Mula pa noong 2016, napanood na ang Video ng Papa nang higit sa 221 milyong ulit sa lahat ng mga social network ng Vatican, at isinalin na sa higit sa 23 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan sa 114 na mga bansa.  Nilikha at prinodyus ang mga video ng pangkat ng Apostolado ng Panalangin o ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, sa pakikipag-coordinasyon kay Andrea Sarubbi at sa pakikipagtulungan ng Agencia La Machi Comunicación para Buenas Causas. Suportado ng Vatican Media ang proyektong ito. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa

Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (PWPN)

Ang Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network ay isang Gawain ng Santo Papa (Pontifical Society/Work at Foundation) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensiyon sa panalangin na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng samahang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Matatagpuan ito sa 89 na bansa at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang gawaing ito bilang isang Vatican Foundation at inaprubahan ang mga bagong tuntunin (statutes) nito. Si Padre Frederic Fornos, SJ ang Pandaigdigang Direktor ng PWPN. May higit pang impormasyon sa: https://www.popesprayer.va/

CONTACT SA PRESS

[email protected]

Women, Role of Women, Equal Rights, Human Rights, The Pope Video, Prayer Intention, Click To Pray, We Pray Together

fiorellaABRIL | Para sa Papel o Gampanin ng Kababaihan