OCTUBRE | Para sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang tradisyon ng relihiyon

Ipagdasal natin na ang mga mananampalataya sa iba’t ibang tradisyon ng relihiyon ay makipagtulungan upang ipagtanggol at itaguyod ang kapayapaan, katarungan at kapatiran ng tao.

Leo XIV

Panginoong Hesus,
Ikaw, na sa pagkakaiba-iba ay iisa
at tumitingin nang buong pagmamahal sa bawat tao,
tulungan Mo po kaming kilalanin ang aming sarili bilang magkakapatid,
tinatawag upang makipamuhay, manalangin, magtrabaho, at mangarap nang magkasama.

Nabubuhay kami sa mundong puno ng kagandahan,
ngunit nasugatan din ng malalim na pagkakahati.
Minsan, ang mga relihiyon, sa halip na pag-isahin kami,
nagiging sanhi ng komprontasyon.

Ibigay mo sa amin ang iyong Espiritu upang dalisayin ang aming mga puso,
para makilala namin kung ano ang nagbubuklod sa amin
at, mula doon, matutong muli kung paano makinig
at makipagtulungan nang hindi naninira.

Nawa ang mga konkretong halimbawa ng kapayapaan,
katarungan at kapatiran sa mga relihiyon
ay pumukaw sa amin na maniwala na posibleng sama-samang mabuhay at magtulungan, kahit sa aming pagkakaiba.

Nawa’y huwag gamitin ang mga relihiyon bilang sandata o pader, sa halip ay isabuhay bilang mga tulay at propesiya:
ginagawang kapani-paniwala ang pangarap ng kabutihang panlahat,
at umaagapay sa buhay, nagpapanatili ng pag-asa
at nagiging lebadura ng pagkakaisa sa isang nagkapira-pirasong mundo.

Amen.

Credits

Campaign title:

The Pope Video – OCTOBER | For collaboration between different religious traditions

A project by Pope’s Worldwide Prayer Network

In collaboration with Vatican Media

Creativity and co-production by:

adminOCTUBRE | Para sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang tradisyon ng relihiyon