HULYO | Para sa pastoral na pag-alaga sa mga maysakit

Ipanalangin natin na ang Sakramento ng Pagpapahid sa Maysakit ay magbigay ng lakas ng Panginoon sa mga tumatanggap nito at sa mga mahal nila sa buhay, at nawa, para sa lahat, ito’y maging mas nakikitang tanda ng malasakit at pag-asa.

Papa Francisco – Hulyo 2024

Ngayong buwan, magdasal tayo para sa pastoral na pag-alaga sa mga
maysakit.
Hindi lamang para sa nasa bingit ng kamatayan ang sakramento ng Pagpapahid sa Maysakit. Hindi. Mahalagang malinaw ito.
Kapag lumalapit ang pari sa tao upang isagawa ang Pagpapahid sa Maysakit, hindi lang naman para ihanda siya sa pagkabilang-buhay. Ang ganitong pag-iisip ay pagsukò sa kawalan ng pag-asa. Na ang paniwala ay parang tiyak na susunod na agad sa pari ang taga-
funeraria. Tandaan natin na ang Pagpapahid sa Maysakit ay isa sa mga “sakramento ng pagpapahilom,” ng “paggaling,” na nagpapagaling sa espiritu.
At kapag may matinding karamdaman ang tao, mainam na bigyan siya ng Pagpapahid sa Maysakit. At mainam na tumanggap ng Pagpapahid sa Maysakit ang mga matanda na. Ipanalangin natin na ang Sakramento ng Pagpapahid sa Maysakit ay magbigay ng lakas ng Panginoon sa mga tumatanggap nito at sa mga mahal nila sa buhay, at nawa, para sa lahat, ito’y maging mas nakikitang tanda ng malasakit
at pag-asa.

Credits

Campaign title:

The Pope Video – JULY | For the pastoral care of the sick

A project by Pope’s Worldwide Prayer Network

In collaboration with Vatican Media

Creativity and co-production by:

PRESS RELEASE

 

Para kay Francis, ang Pagpapahid sa Maysakit ay hindi lamang para sa mga “nasa bingit ng kamatayan”, ito ay isang sakramento “na nagpapagaling sa espiritu”

  • Sa Ang Video ng Papa para ngayong Hulyo, itinaas ni Francis ang kanyang panalangin na ang sakramento ng Pagpapahid sa Maysakit ay lalong maging isang “nakikitang tanda ng habag at pag-asa.”
  • Sa video message – na may pakikipagtulungan ng Arkidiyosesis ng Los Angeles – iginigiit ng Papa na ito ay “hindi lamang sakramento para sa mga malapit nang mamatay” at nilinaw na “ito ay isa sa mga ‘healing sacraments’ , ng ‘pagpapagaling’, na nagpapagaling sa espiritu.”

(Vatican City, Hulyo 2, 2024) – Para sa pastoral na pangangalaga ng mga maysakit ang layunin ng panalangin ni Papa Francis sa buwang ito. At Ang Video ng Papa na sumasaliw sa kanyang pananalita ay matamang nakatuon sa sakramento ng Pagpapahid sa Maysakit.

Sa videong mensahe, na isinahimpapawid ng Pope’s Worldwide Prayer Network hiniling ni Francis na manalangin ang lahat “na ang Sakramento ng Pagpapahid sa Maysakit ay magbigay ng lakas ng Panginoon sa mga tumatanggap nito at sa mga mahal nila sa buhay, at nawa, para sa lahat, ito’y maging mas nakikitang tanda ng malasakit at pag-asa.”

Ang Aliw o Consuelo, Motór ng Pag-asa

“Kapag lumalapit ang pari sa tao upang isagawa ang Pagpapahid sa Maysakit, hindi lang naman para ihanda siya sa pagkabilang-buhay. Ang ganitong pag-iisip ay pagsukò sa kawalan ng pag-asa. Na ang paniwala ay parang tiyak na susunod na agad sa pari ang taga-funeraria” komento ni Francisco sa simula ng video.

Ang mga sakramento ng Simbahan ay mga kaloob, mga paraan nf pagsasaatin ni Hesus upang pagpalain, palakasin ang loob, samahan, aliwin tayo. Naniniwala at pinapahayag ng Simbahan na ang pari ay dumarating upang tumulong sa pamamagitan ng paggagawad ng Pagpapahid sa Maysakit, sakramentong nagbibigay ng kaaliwan o consuelo sa mga dumaranas ng karamdaman at sa kanilang mga mahal sa buhay.

Sakramentong May Dimensyong Pang-komunidad

Ang imbitasyon ni Pope Francis sa buong Simbahan na manalangin ay paraan upang maipakita na ang Pagpapahid sa Maysakit ay sakramentong likas na komunal at relasyonal.

“Sa sandali ng sakit at karamdaman hindi tayo nag-iisa: ang pari at ang mga naroroon sa panahon ng Pagpapahid sa Maysakit ay, sa katunayan, kumakatawan sa buong pamayanang Kristiyano na, bilang isang katawan, ay pinagsasama-sama tayo sa paligid ng mga nagdurusa at mga miyembro ng pamilya, upang palusogin ang kanilang pananampalataya at pag-asa, at magbigay suporta sa kanila sa pamamagitan ng panalangin at init ng pakikipagkapatiran,” pahayag ng Papa sa harap ng libu-libong mananampalataya sa pangkalahatang audiencia noong Pebrero 2014, na nakatuon sa sakramento na ito.

Ang Pagiging Malapít ni Hesus

Tinitiyak ng sakramentong ito ang pagiging malapít ni Hesus sa paghihirap ng mga nasa banig ng karamdaman o ng mga may edad na; nagdadala ng kaginhawahan sa kanilang mga pagdurusa at nagdudulot ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, ngunit hindi ibig sabihin na magkakaroon ng mahimalang pagpapagaling ng katawan at hindi naman din nangangahulugan na nalalapit na ang kamatayan.

Maraming beses, ang Pagpapahid sa Maysakit ang sakramentong nalilimutan o hindi gaanong kinikila, patuloy ng Papa. Gayunpaman, “si Jesus mismo ang dumarating upang pagalingin ang maysakit, upang bigyan siya ng lakas, upang bigyan siya ng pag-asa, upang tulungan siya; at upang patawarin ang kanilang mga kasalanan. At napakaganda nito!”, kaya lubhang mahalaga ito sa larangang pastoral at Kristiyanong pangangalaga.

Ang mga larawang kasabay ng mga salita ni Francis sa video – na kinunan sa dalawang diosesis sa America: Allentown (Pennsylvania) at Los Angeles (California) – ay tiyak na nagbibigay-diin sa iba’t ibang konteksto kung saan maaaring igawad ang sakramento. Sa video, na ginawa ng isang pangkat ng mga propesyonal mula sa Arkidiyosesis ng Los Angeles, dalawang kuwento ang magkakaugnay, tila ibang-iba sa edad at klinikal na sitwasyon ng taong may sakit, ngunit pinag-isa ng biyaya ng sakramento at ang dakilang pagmamahal ng minamahal. ang mga nagtitipon sa paligid ng receiver.

Ang Pagpapahid sa Maysakit sa liwanag ng mga Ebanghelyo

Itinatampok ni Padre Frédéric Fornos S.J., Internasyonal Director ng Pope’s Worldwide Prayer Network o Apostolado ng Panalangin, na bagama’t marami ang muling nakatuklas sa lalim ng Sacramento ng Pagpapahid sa Maysakit, madalas pa rin itong nauunawaan bilang paraan ng paghahanda ng maysakit para sa kamatayan . “Ito ang sinasabi ni Pope Francis kapag naaalala niya na, kapag may malubhang karamdaman, gusto nating ipagpaliban ang Sakramento ng Pagpapahid sa Maysakit nang higit pa, dahil ang ideya ay susunod na agad ang ang mga sepulturero pagkatapos ng pari (Pangkalahatang Audiencia ng Pebrero 26, 2014). Dahil dito, nais ni Pope Francis na sa buwang ito ay matuklasan nating muli ang lahat ng lalim at tunay na kahulugan ng sakramento na ito, hindi lamang bilang paghahanda sa kamatayan, kundi bilang isang sakramento na nag-aalok ng ginhawa sa mga maysakit sa panahon ng malubhang karamdaman, sa kanilang mga mahal sa buhay at lakas sa mga nagmamalasakit sa kanila.”

“Si Hesus mismo ang naroroon sa sakramento, ang paalala ni Pope Francis sa atin, si Hesus ‘na dumarating para pagalingin ang maysakit, bigyan siya ng lakas, bigyan siya ng pag-asa, tulungan siya; at gayundin patawarin ang kanyang mga kasalanan.’ Hindi nag-iisa ang maysakit; kasama ng pari at ng mga taong naroroon, ang buong pamayanang Kristiyano ang sumusuporta sa kanya sa pamamagitan ng mga panalangin nito, nagpapalusog sa kanyang pananampalataya at pag-asa, at tinitiyak sa iyo, pati na rin sa iyong pamilya, na hindi ka nag-iisa sa iyong pagdurusa. Lahat tayo ay may kakilala na may sakit, ipagdasal natin sila, at kung iisipin natin na sila ay nahaharap sa isang malubhang karamdaman, gayundin ang mga matatanda at nanghihina, huwag tayong mag-atubiling imungkahi sa kanila na isabuhay itong Sakramento ng aliw at pag-asa,” pagtatapos ni Padre Fornos.

Posible lamang ang Ang Video ng Papa salamat sa bukas-palad na ambag ng maraming tao. Maaari kayong magbigay ng inyong donasyon sa link na ito:

Saan mapapanood ang video?

Tungkol sa Video ng Papa

Ang Video ng Papa ay opisyal na pandaigdigang inisyatibo na layuning ipakalat ang mga buwanang intension ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin o Pope’s Worldwide Prayer Network). Mula pa noong 2016, napanood na ang Video ng Papa nang higit sa 225 milyong ulit sa lahat ng mga social network ng Vatican, at isinalin na sa higit sa 23 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan sa 114 na mga bansa. Nilikha at prinodyus ang mga video ng pangkat ng Apostolado ng Panalangin o ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, sa pakikipag-coordinasyon kay Andrea Sarubbi at sa pakikipagtulungan ng Agencia La Machi Comunicación para Buenas Causas. Suportado ng Vatican Media ang proyektong ito. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa

Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (PWPN-AP o Apostolado ng Panalangin)

Ang Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network ay isang Gawain ng Santo Papa (Pontifical Society/Work at Foundation) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensiyon sa panalangin na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng samahang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Matatagpuan ito sa 89 na bansa at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang gawaing ito bilang isang Vatican Foundation at inaprubahan ang mga bagong tuntunin (statutes) nito. Si Padre Frederic Fornos, SJ ang Pandaigdigang Direktor ng PWPN. May higit pang impormasyon sa: www.popesprayer.va

Tungkol sa Arkidiyosesis ng Los Angeles

Ang Arkidiyosesis ng Los Angeles ay komunidad na naglilingkod sa higit sa 4.3 milyong mga Katoliko, na naninirahan sa 120 iba’t ibang mga lungsod. Sa 288 parokya nito at 30 misyon at kapilya, naglilingkod ito sa mga taong may iba’t ibang pinagmulan at kultura na may mga misa na ipinagdiriwang sa 42 iba’t ibang wika. Sa pamamagitan ng 265 na paaralan nito, sinisikap nitong bumuo ng bagong henerasyon ng mga Katoliko, na pinagbibinhi ang kagalakan ng Ebanghelyo. Sa ilalim ng pastoral na pamumuno ni Arsobispo José H. Gómez, nagtutulungan ang mga Katoliko sa Los Angeles upang isabuhay at ipahayag ang mabuting balita, na nakatuon sa pagbuo ng isang komunidad ng pananampalataya at pagmamahal at pagsisikap na mapawi ang maraming anyo ng kahirapan – espirituwal, pang-ekonomiya at moral – at ang pagtatanggol sa dignidad ng buhay ng tao. Higit pang impormasyon sa: www.lacatholics.org

CONTACT SA PRESS

POPE’S WORLDWIDE PRAYER NETWORK – VATICAN CITY

[email protected]

MGA KASOSYO:

ARKIDIYOSESIS NG LOS ANGELES

Yannina Diaz – Direktor ng Media Relations

[email protected]

Pagpapahid sa Maysakit, Sakramento, Pag-asa, Ang Video ng Papa, Layunin ng Panalangin, I-click Upang Manalangin, Sama-sama tayong Manalangin, Espiritu Santo, Vatican, Simbahan

adminHULYO | Para sa pastoral na pag-alaga sa mga maysakit