Ipinalabas na Ang Video ng Papa para sa Nobyembre. Dito ipinapahayag ni Pope Francis ang kanyang pagiging malapít sa lahat ng mga dumaraan sa labis na pagkabagabag sa kanilang pang-araw-araw na buhay, higit sa lahat ang mga dumaranas ng stress at depresyon, at hiling niya sa atin na ipanalangin na matanggap nila ang tulong na kailangan nila.
(Vatican City, Nobyembre 3, 2021) – Sa bagong Video ng Papa na ipinalabas kamakailan, ipinagkatiwala ni Francis ang kanyang hangarin sa pagdarasal para sa buwan ng Nobyembre sa buong Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Pope’s Worldwide Prayer Network). Sa okasyong ito, tinawag ng ating Santo Papa ang ating pansin sa stress at depresyon na nakakaapekto sa maraming tao. Alam niya na maraming tao sa buong mundo ay dumaraan sa iba’t ibang klase at tindi ng pagkapagod sa kanilang pag-iisip at emosyon. Hinihiling ng Papa na bigyan natin sila ng sapat na suporta, samahan at ipanalangin natin sila, at na hindi malimutan ninuman na malapít si Hesus sa atin.
Ang edisyong ito ng Video ng Papa ay nalikha sa tulong ng Association of Catholic Mental Health Ministers, isang samahan na nag-aalok ng espirituwal na suporta sa mga taong nagdurusa ng ilang uri ng sakit sa pag-iisip, at itinataguyod ang mga pagkilos upang maiwasan ang anumang uri ng diskriminasyon na makakahadlang sa ganap nilang pakikilahok sa buhay ng Simbahan.
Pagkalumbay (depresyon) at pagkabalisa: ang pinakakaraniwang mga karamdaman sa kalusugan ng isip
Ang mensahe ng hangad sa panalangin ni Pope Francis ay tumutugon sa isang pangunahing isyu sa buhay ng milyun-milyong tao: kalusugan ng isip (mental health) . Sa video, ipinaliwanag niya na sa maraming mga kaso, “ang kalungkutan, kawalang-interes, at espirituwal na pagkapagod ang madalas tuloy nangingibabaw sa buhay ng maraming mga tao, na labis ang dinadalang bigat dahil sa ritmo ng buhay ngayon.”
Sa katunayan, sa isang pag-aaral na inilathala sa taóng ito, tinatantiya na halos isa sa sampung katao sa buong mundo ay nabubuhay na may isang karamdaman sa kalusugang pangkaisipan – iyon ang sinasabi tungkol sa 792 milyong mga tao, o 11% ng populasyon. Kabilang sa iba’t ibang mga karamdaman na mayroon, tinutukoy ng pag-aaral na ang depresyon (264 milyon, 3%) at pagkabalisa (284 milyon, 4%) o anxiety ang pinakalaganap sa buhay ng mga tao.
Nagbabala naman ang UN na kapag ang depression ay paulit-ulit at katamtaman o matindi sa tindi, maaari itong maging isang seryosong kondisyong kontra sa kalusugan. Sa pinakapangit na sitwasyon, maaari itong humantong sa pagpapakamatay, na kasalukuyang kumukuha ng buhay ng higit sa 700,000 katao bawat taon at ito ang pang-apat na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga kabataan na may edad 15 hanggang 29.
Kalusugan ng kaisipan sa mga oras ng COVID-19
Milyun-milyon nang mga tao ang namatay dahil sa pandaigdigang pandemyang COVID-19. Sinubukan din nito ang katatagan ng kaisipan at emosyon ng hindi mabilang na mga tao at naaapektuhan ang kanilang sikolohikal na balanse. Minsan, lumilikha ito ng mga sitwasyon ng tunay na pagdurusa at kawalan ng pag-asa. Sa harap ng ganitong sitwasyon, hinihiling ng Santo Papa na tayo ay “maging malapít sa mga ubos na ang lakas, sa mga desperado, na walang pag-asa. Kadalasan, dapat lamang tayo makinig nang tahimik. “
Naglabas ng isang dokumento ang Dicastery for Promoting Integral Human Development na nakadirekta sa mga nais tumulong na samahan ang mga taong nagdurusa sa sikolohikal, higit sa lahat dahil sa pandemik. Itinatampok nito ang ilan sa mga pangunahing sanhi, tulad ng kawalan ng katiyakan tungkol sa pagkakaroon ng trabaho sa hinaharap, na nakaapekto sa mga taong malusog sa pag-iisip o pinalalâ ang malubhang karamdaman sa pag-iisip tulad ng depresyon, pag-atake ng panic (panic attacks), at pagkabalisa, bukod sa iba pang mga nauugnay na patolohiya.
Isang presensyang nakapagpapahilom
Ang mensahe ng Papa ay ibinabahagi rin ng Association of Catholic Mental Health Ministers, isang samahang laiko ng mga Kristiyanong Mananampalataya na itinatag sa Estados Unidos, na ang mga miyembro ay tinawag na maging presensyang mapagpahilom sa buhay ng mga taong may sakit sa pag-iisip. Ipinapaliwanag ng pangulo nito, ang permanenteng diakono na si Ed Shoener, ang pangangailangang tumugon sa panawagan ni Pope Francis: “Misyon namin ang suportahan ang paglago ng ministeryo sa kalusugang pangkaisipan sa Simbahan. Sinabi ni Papa Francis na kailangan nating lubusang maalis ang stigma na madalas na nagiging parang tatak sa mga may sakit sa pag-iisip, upang matiyak na ang isang kultura ng pamayanan ay manaig sa pag-iisip ng pagtakwil. Tinatataya namin ang aming sarili upang sundin ang panawagan ng Papa na bumuo ng isang pamayanan ng init at pagmamahal kung saan ang mga taong dumaraan sa pagkalumbay depreshyon at iba pang mga hamon sa kalusugan ng isip ay makakahanap ng pag-asa at paggaling “.
Ang mga salita ni Jesus: “Lumapit sa akin, lahat kayong mga lubhang nabibigatan.”
Nagkomento si Fr. Si Frédéric Fornos, S.J., Pandaigdigang Direktor ng Pope’s Worldwide Prayer Network sa hangaring ito: “Ang ating mga lipunan, kasama ang kanilang ritmo ng buhay at ang kanilang napakabilis na mga teknolohiya, ng nagbubunga ng depreyon at ang sindrom ng pagkaubos ng lakas at ng stress na kilala bilang “burnout”. Pinalalâ pa ng pandemya ang pagdurusa ng maraming tao. Hinihiling sa atin ni Francis na manalangin at maging malapít sa mga nagdurusa ng labis na pagod sa pag-iisip, emosyonal, at pisikal. Kailangan ng sikolohikal na patnubay; subalit, pinapaalalahanan din niya tayo na ang mga salita ni Jesus ay tumutulong din, na nag-aalok ng aliw at pag-aalaga: ‘Lumapit sa Akin, lahat ng nagpapagal at nabibigatan, at bibigyan Ko kayo ng pahinga.’ Ito rin ang payo noon ni Evagrius Ponticus, isang Ama sa Disyerto noong ika-4 na siglo. Tinawag siyang “Tagasaliksik ng kaluluwa.” Tinukoy niya ang walong karamdaman ng kaluluwa, at nagpanukala ng mga landas ng buhay, na laging kaugnay ang pagmumuni-muni sa Salita ng Diyos. ”
Nagiging posible lamang ang Ang Video ng Papa salamat sa bukas-palad na ambag ng maraming tao. Maaari kayong magbigay ng inyong donasyon sa link na ito:
¿Saan mapapanood ang video?
- Ang Opisyal na Website ng Ang Video ng Papa
- YouTube Channel ng Ang Video ng Papa
- Facebook Page ng Ang Video ng Papa
- Twitter ng Ang Video ng Papa
- Instagram ng Ang Video ng Papa
- Opisyal na Twitter @Pontifex
- Opisyal na Instagram @Franciscus
Tungkol sa Video ng Papa
Ang Video ng Papa ay opisyal na pandaigdigang inisyatibo na layuning ipakalat ang mga buwanang intension ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin). Mula pa noong 2016, napanood na ang Video ng Papa nang higit sa 164 milyong ulit sa lahat ng mga social network ng Vatican, at isinalin na sa higit sa 23 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan sa 114 na mga bansa. Nilikha at prinodyus ang mga video ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, sa pakikipag-coordinasyon kay Andrea Sarubbi sa pakikipagtulungan ng Agencia La Machi para sa Mga Mabubuting Kawanggawa. Suportado ng Vatican Media ang proyektong ito. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa.
Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (PWPN)
Ang PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network ay isang Gawain ng Santo Papa (Pontifical Society/Work at Foundation) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensiyon sa panalangin na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng samahang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Matatagpuan ito sa 89 na bansa at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang gawaing ito bilang isang Vatican Foundation at inaprubahan ang mga bagong tuntunin (statutes) nito. Si Padre Frederic Fornos, SJ ang Pandaigdigang Direktor ng PWPN. May higit pang impormasyon sa: www.popesprayer.va
Tungkol sa Association of Catholic Mental Health Ministers
Ang Association of Catholic Health Ministers ay isang Lay Association ng mga Kristianong Mananampalataya na ang mga miyembro ay tinatawag na maging presensyang nagpapagaling sa buhay ng mga taong may sakit sa pag-iisip. Sinisikap ng Asosasyon na maging isang integral at karaniwang ministeryo sa Simbahan ang ministeryo para sa kalusugan ng kaisipan, na sa bawat parokya at pamayanang Katoliko. Ang ministeryo sa kalusugan sa pag-iisip ay nagbibigay ng suportang espiritwal sa mga taong nabubuhay na may sakit sa pag-iisip upang matulungan silang mabuhay sa kabanalan at turuan at ipaalam sa pamayanang Katoliko ang tungkol sa mga isyu, pakikibaka at kagalakan ng mga taong nabubuhay na may sakit sa pag-iisip. Nagbibigay ang Asosasyon ng mga kasangkapan, pamamaraan at pananaw para makatulong sa mga Katolikong pinuno na maging maglingkod sa mga taong may sakit sa pag-iisip nang walang takot o pagtatangi (prejudice). Maaari kang matuto nang higit pa tungkol sa ministeryo para sa kalusugan sa pag-iisip sa pamamagitan ng pagbisita sa Association of Catholic Mental Health Ministers sa: catholicmhm.org
MAKIPAG-UGNAY SA
ASSOCIATION OF CATHOLIC MENTAL HEALTH MINISTERS
Deacon Ed Shoener
+1 570 207 2229