Binibigyang pansin ng Santo Papa, sa pamamagitan ng Ang Video ng Papa, ang pakikipag-diyalogo bilang “daan upang muling tingnan ang katotohanan nang may bagong pananaw, upang masigasig na harapin ang mga hamon sa pagtatag ng ikabubuti ng lahat. Nakikiusap siyang tigilan na ang polarisasyon na pinag-aaway-away tayo at ipinagdarasal niya na “huwag nating bigyang puwang ang pagiging magkaaway at ang digmaan.”
(Lungsod ng Vatican, Hunyo 30, 2021) – Kalalathala lamang ng Ang Video ng Papa na tinatalakay ang hangarin sa panalangin ni Papa Francisco na ipinagkakatiwala niya sa buong Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Santo Papa (Apostolado ng Panalangin). Sa buwang ito ng Hulyo, nananawagan ang Santo Papa na magbagong-loob tayong lahat upang maging mga “arkitekto ng diyalogo” at “arkitekto ng pagkakaibigan” upang malutas ang mga pag-aaway at maalis ang mga sanhi ng pagkakahati-hati sa lipunan at mga hadlang sa pagkakaisa ng mga tao. Sa pamamagitan lamang ng diyalogo, ng mahusay na pakikipag-usap, sinasabi niya sa atin, posible na makatakas sa patuloy na polarisasyon at panlipunang poot na sumisira sa maraming mga relasyon.
Hinihiling ni Papa Francis na manalangin tayo upang maitaguyod ang ikabubuti ng lahat sa pakikipagtulungan sa mga taong handang iabot ang kanilang kamay sa kanilang kapwa, lalo na sa pagpanig sa mga pinakamahirap at pinaka-mahina sa lipunan.
Pakikipag-Diyalogo sa isang Polarisadong Mundo
Bagaman sa pangkalahatan, masasabi na, sa antas ng buong mundo, bumábabâ na ang bilang ng mga namatay sa giyera mula noong 1946, gayunpaman mas laganap naman ang mga hidwaan at karahasan sa antas ng lipunan. At bagaman minsan hindi ito nakikita sa pisikal na larangan, maaaring maobserbahan na maraming mga relasyon ang naaapektuhan ng lumalalaking polarisasyon. Nagbabala na ang Papa noong 2016: “Nakikita natin, halimbawa, kung gaano kabilis ang isang nasa tabi ng sa panig ay hindi lamang siya nagtataglay ng katayuang hindi kilala o imigrante o refugee, ngunit siya ay naging isang banta din; mayroon itong katayuan ng isang kaaway ”. Simula noon, nakita ko nang may pag-áalalá kung paanong isa na ring virus na sumasalakay sa ating paraan ng pag-iisip, pakiramdam at pagkilos, ang polarisasyon at poot.
Sa panahon ngayon, binibigyang diin ni Francisco, “may bahagi ng politika, lipunan at media na determinadong lumikha ng mga kaaway upang talunin sila sa isang power game.” Samakatuwid, kinakailangang “pandayin ang pagkakaibigan sa lipunan na kinakailangan para sa mabuting pakikipamuhay at pagsasama-sama”, isang pagkakaibigan na maaaring magsilbing tulay upang magpatuloy sa paglikha ng isang kultura ng pakikipagtagpo, na mas mailálapít tayo, higit sa lahat, sa mga nasa laylayan ng lipunan, ang mga mahihirap at mahihinà.
Makipag-diyalogo upang maitatag ang ikabubuti ng lahat
Sa kanyang huling encyclical, Fratelli Tutti (2020), tinalakay ng Santo Papa sa ikaanim na kabanata ang “Pakikipag-diyalogo at Pakikipagkaibigan sa antas ng lipunan”: “Ang tunay na pakikipag-diyalogo sa lipunan ay ipinapalagay ang kakayahang igalang ang pananaw ng iba, tanggapin ang posibilidad na naglalaman ito ng ilang mga lehitimong paniniwala at lehitimong interes ”(FT 203). Sa kanyang hangaring pampanalangin sa Hulyo, pinatitibay niya ang ideyang ito sa pamamagitan ng pag-angkin ng diyalogo bilang malaking pagkakataon “na tingnan ang katotohanan sa isang bagong paraan, upang mabuhay nang may pag-iibigan ang mga hamon ng pagbuo ng kabutihang panlahat.”
Sa pagbigay priyoridad sa diyalogo, kailangang itakwil natin ang lohika ng polarisasyon at palitan ito ng paggalang, na hindi nais saktan ang iba. Maaaring maging yaman ang ating pagkakaiba-iba, ngunit kung walang diyalogo maaaring dalhin tayo nito sa sa poot, pagbabanta at karahasan. Sinabi din ni Francisco ilang taon na ang nakalilipas: “Mula tayo sa malalayong lupain, mayroon kaming iba’t ibang kaugalian, kulay ng balat, wika at katayuan sa lipunan; naiiba ang iniisip natin at ipinagdiriwang natin ang pananampalataya na may iba’t ibang ritwal. Hindi tayo mga magkaaway dahil sa mga pagkakaiba natin sa mga bagay na ito. Sa kabaligtaran, ang pagkakaiba natin sa isa’t isa ay pinakamalaking kayamanan.
Mga Táong Magiging Arkitekto ng Diyalogo at Pagkakaibigan
Ipinahayag ni Padre Frédéric Fornos S.J., International Director ng Pope’s Worldwide Prayer Network, na sa hangarin ng panalangin natin ngayong Hulyo, “binibigyang-diin ng Santo Papa na kailangang ‘pagsikapan natin ang muling pagsilang sa puso nating lahat ng isang pandaigdigang hangarin para sa kapatiran’ (FT 8). Hinding-hindi magkasabay na monologo lamang ang diyalogo; Tunay na diyalogo ang una nating dapat piliing solusyon sa mga hidwaang pang-ekonomiya at pampulitika sa lipunan. Ipinapakita ng lahat ng internasyonal na akademikong pagsusuri na mas lalong lumalalâ ang polarisasyon sa mga nakaraang taon, kahit na sa mga pinakamatatag na demokrasya. Dahil dito, mas kailangan nating pagsikapang maging mga arkitekto ng pagkakaibigan at pagkakasundo na hinihiling sa atin ni Papa Francisco. Paalala nga ni Papa Benedict XVI sa kanyang encyclical na liham na Caritas Veritate: mas magkakalapít man tayo sa lipunang nagiging mas globalisado, hindi naman tayo nagiging higit na magkakapatid. Hindi natin kayang makamit ang kapatiran at pagkakaibigan sa pagmamagitan lamang ng sariling lakas natin. Hilingin natin kay Jesucristo na tulungan tayo sa landas na ito, Siya ang daan patungo sa totoong pakikipagkaibigan sa lipunan”.
Ang Video ng papa ay nagiging posible salamat sa bukas-palad na ambag ng maraming tao. Maaari kayong magbigay ng inyong donasyon sa link na ito:
¿Saan mapapanood ang video?
- Ang Opisyal na Website ng Ang Video ng Papa
- YouTube Channel ng Ang Video ng Papa
- Facebook Page ng Ang Video ng Papa
- Twitter ng Ang Video ng Papa
- Instagram ng Ang Video ng Papa
- Opisyal na Twitter @Pontifex
- Opisyal na Instagram @Franciscus
Tungkol sa Video ng Papa
Ang Video ng Papa ay opisyal na pandaigdigang inisyatibo na layunin ang ipakalat ang mga buwanang intension ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin). Mula pa noong 2016, napanood na ang Video ng Papa nang higit sa 156 milyong ulit sa lahat ng mga social network ng Vatican, at isinalin na sa higit sa 23 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan sa 114 na mga bansa. Nilikha at prinodyus ang mga video sa pakikipagtulungan ng Agencia La Machi at ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, sa pakikipag-coordinasyon kay Andrea Sarubbi. Suportado ng Vatican Media ang proyektong ito. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa.
Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (PWPN)
Ang PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network ay isang Gawain ng Santo Papa na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensiyon sa panalangin na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng samahang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Matatagpuan ito sa 89 na bansa at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang gawaing ito bilang isang Vatican Foundation at inaprubahan ang mga bagong tuntunin (statutes) nito. Si Padre Frederic Fornos, SJ ang Pandaigdigang Direktor ng PWPN. May higit pang impormasyon sa: www.popesprayer.va