- Nakatuon ngayong Pebrero sa misyon ng mga madre, mga relihiyosa at consagradang kababaihan ang bagong Video ng Papa, na tinitipon ang mga intensyon ng panalangin ng Papa na ipinagkakatiwala ni Francis sa buong Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng the Pope’s Worldwide Prayer Network (Apostolado ng Panalangin).
- Sa isang mensahe na doo’y itinuturing niya silang napakahalaga para sa buhay ng Simbahan, hinimok ni Francis ang mga madre na “magpatuloy sa pakikipagtrabaho at pagtataguyod sa mga mahihirap, kasama ang mga nasa laylayan, kasama ang lahat ng mga inaalipin ng mga trafficker”.
- Kinikilala ng Papa na madalas hindi makatarungan ang pagtrato sa kanila (kahit sa loob ng Simbahan), ngunit hinihikayat niya silang magpatuloy sa kanilang mga gawaing apostoliko at hinihiling na manalangin sila na patuloy silang makahanap ng mga bagong sagot sa mga hamon ng kasalukuyang panahon.
(Vatican City, February 1, 2022) – Kakalabas pa lang ng Ang Video ng Papa para sa Pebrero na may hangaring panalangin na ipinagkatiwala ni Francis sa buong Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng Worldwide Prayer Network ng Pope. Ngayong buwan, pinasasalamatan ng Santo Papa ang misyon at katapangan ng mga relihiyoso at dedikadong kababaihan, habang hinihiling na ipagdasal sila “upang patuloy silang makahanap ng mga bagong sagot sa mga hamon ng kasalukuyang panahon”.
Sa edisyong ito, na nagkaroon ng suporta at pakikipagtulungan ng International Union of Superiors General (UISG), na nagsasama-sama ng higit sa 1,900 relihiyosong kongregasyon, binibigyang-diin ni Francis ang papel ng mga kababaihan na nag-aalay ng kanilang sarili sa buhay na nakatalaga at ang kanyang mensahe ay malakas : “Ano magiging walang banal na relihiyoso at laykong kababaihan ang Simbahan? Hindi mauunawaan ang Simbahan kung wala sila”.
Ayon sa mga statistic na inilathala ng Agencia Fides noong 2021, mayroong higit sa 630 libong relihiyosang kababaihan sa mundo.
Preferential na opsyon para sa mahihirap at mga nasa laylayan
Alinsunod sa mensahe na kanyang inulit sa hindi mabilang na mga okasyon sa buong panahon ng kanyang pagiging papa, hinihiling ni Francis ang mga madre, mga relihiyosa at mga consagradang kababaihan na ituon ang kanilang gawaing apostoliko sa “pagtataguyod sa mahihirap, kasama ang mga nasa laylayan, kasama ang lahat ng mga inaalipin ng mga trafficker”.
Ang Video ng Papa ngayong buwan, na may mga video at litrato, ay nagsasalaysay ng kanilang patuloy na pag-aalay ng sarili para sa kapakanan ng munco: sa mga katutubo, kasama ang mga batang lansangan, sa mga nayon na kulang ang pagkain at gamot, sa mga migrante at walang trabaho, kasama ang mga biktima ng trafficking. Hindi dapat malimutan ang kanilang mahusay na intelektwal at sibil na kontribusyon: ang mga madre, relihiyosa at consagradang kababaihannagtuturo sa mga unibersidad, lumalahok sa mga internasyonal na pulong ukol sa kapaligiran at sinusubukang mamagitan sa mga krisis sa politika.
Mga madre, relihiyosa at consagradang kababaihan sa buhay ng Simbahan
Sa Ang Video ng Papa, kinikilala din ni Francis na minsan “hindi patas ang pagtrato” sa mga babaeng relihiyosa “. . . kahit na sa loob ng Simbahan”. Kaya naman inanyayahan niya silang labanan ito at huwag panghinaan ng loob; hinihiling sa kanila na patuloy na ipakita “ang kagandahan ng pag-ibig at habag ng Diyos bilang mga katekista, teologo, at espirituwal na mga gabay” at “sa pamamagitan ng kanilang mga gawaing apostoliko”.
Si Sister Jolanta Kafka, Presidente ng UISG, ay nagkomento sa Ang Video ng Papa: “Nararamdaman namin, bilang relihiyoso, labis na hinihikayat at tinawag ni Pope Francis, kapwa sa aming buhay sa komunidad at sa mga hamon na mayroon kami ngayon sa misyon. Nakikiisa kami sa paanyaya na manalangin para sa mga relihiyoso at konsagradong kababaihan ng mundo sa panalangin. para sa lahat ng kababaihan, kalalakihan, mga bata at lalo na sa mga kabataan na ating nakakasalamuha araw-araw sa ministeryo.Kasama natin sila ay ibinabahagi ang sigla ng bokasyon kung saan tayo tinawag, upang makibahagi sa kagalakan ng Ebanghelyo at pag-asa sa isang mundo kung saan tayo lahat ay magkakapatid. Bilang UISG dama namin ang responsibilidad na tumugon sa mga salita ni Pope Francis na magpatuloy nang may tapang at kagalakan sa aming misyon na sumaksi sa kagandahan ng aming consagrasyon: ang pag-aalay ng aming buong sarili para sa Kaharian sa pagsunod sa halimbawa ni Hesus”.
Idinagdag naman ni Fr. Frédéric Fornos SJ, International Direktor ng Pope’s Worldwide Prayer Network (Apostolado ng Panalangin): “Ang lubos na halaga na dulot ng daan-daang libong relihiyoso at consagradang kababaihan sa buhay at misyon ng Simbahan sa buong mundo ay hindi makalkula. Sa paghubog sa aking bilang seminarista at pari, nakasama at nakatrabaho ko ang marami sa kanila, gayundin ang mga consagradang kababaihan, sa pastoral, pang-edukasyon o panlipunang mga panukala upang tumugon sa mga hamon ng mundo ngayon. Bahagi sila ng pinakamagagandang karanasan ko sa misyon. Kasama ko rin sa formasyon sa aking, ang maraming mga kababaihang layka na bukas-palad na nakatuon sa misyon. Gayunpaman, iba pa rin ang pakikipagtulungan ko bilang Heswita, sa mga relihiyosang kasama ko, dahil may pagkapareho kami ng paraan ng pamumuhay at pakikiramdam ukol sa paglilingkod sa Ebanghelyo at sa pagtataguyod ng katarungan ng Kaharian ng Diyos. Dapat banggitin ko rin na maraming madre ang nagturo rin sa akin ng teolohiya, ng tungkol sa Bibliya, o nag-ambag sa aking formasyon bilang espirituwal na gabay. Magandang pagkakataon ang buwan na ito para sa ating lahat na mas makilala sila sa kanilang pagkakaiba-iba at matuklasan ang kanilang kontribusyon sa misyon ng Simbahan at sa pagtugon sa mga hamon ng ating panahon”.
Nagiging posible lamang ang Ang Video ng Papa salamat sa bukas-palad na ambag ng maraming tao. Maaari kayong magbigay ng inyong donasyon sa link na ito:
Saan mapapanood ang video?
- Ang Opisyal na Website ng Ang Video ng Papa
- YouTube Channel ng Ang Video ng Papa
- Facebook Page ng Ang Video ng Papa
- Twitter ng Ang Video ng Papa
- Instagram ng Ang Video ng Papa
- Opisyal na Twitter @Pontifex
- Opisyal na Instagram @Franciscus
Tungkol sa Video ng Papa
Ang Video ng Papa ay opisyal na pandaigdigang inisyatibo na layuning ipakalat ang mga buwanang intension ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin). Mula pa noong 2016, napanood na ang Video ng Papa nang higit sa 167 milyong ulit sa lahat ng mga social network ng Vatican, at isinalin na sa higit sa 23 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan sa 114 na mga bansa. Nilikha at prinodyus ang mga video ng pangkat ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, sa pakikipag-coordinasyon kay Andrea Sarubbi at sa pakikipagtulungan ng Agencia La Machi Comunicación para Buenas Causas. Suportado ng Vatican Media ang proyektong ito. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa.
Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (PWPN)
Ang Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network ay isang Gawain ng Santo Papa (Pontifical Society/Work at Foundation) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensiyon sa panalangin na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng samahang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Matatagpuan ito sa 89 na bansa at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang gawaing ito bilang isang Vatican Foundation at inaprubahan ang mga bagong tuntunin (statutes) nito. Si Padre Frederic Fornos, SJ ang Pandaigdigang Direktor ng PWPN. May higit pang impormasyon sa: https://www.popesprayer.va/
Tungkol sa International Union of Superiors General (UISG)
Nilikha ang International Union of Superiors General (UISG) noong 1965, na inspirasyon ng Ikalawang Konseho ng Vatican, upang isulong ang mas malalim na pakikipagtulungan ng mga babaeng kongregasyon ng apostolikong buhay relihiyosa. Sa kasalukuyan, binubuo ang UISG ng higit sa 1,900 Superior General sa buong mundo na nakaayos sa 36 na konstelasyon. Bilang isang internasyonal na katawan na nakaugat kay Kristo, at kumakatawan sa mga relihiyosang Kongregasyon ng kababaihan sa buong mundo, hangad ng UISG na magpatotoo at ipahayag ang pagkakakilanlan ng apostolikong relihiyosang buhay sa lahat ng pagkakaiba-iba nito. Sa paghabi ng pandaigdigang pagkakaisa at pagbubukas ng mga bagong hangganan, hinihikayat, sinusuportahan at hinihikayat namin ang pamumuno ng relihiyon na maging isang propetikong tinig at saksi sa Simbahan at sa mundo. Ang UISG ay nagpapanatili ng relasyon sa iba’t ibang Departamento ng Holy See, lalo na sa Congregation for Institutes of Consecrated Life and Societies of Apostolic Life (CICLSAL). Higit pang impormasyon sa: uisg.org.
CONTACT
International Union of Superiors General (UISG)
[email protected] + 39 349 935 87 44