- Sa proseso ng paghahanap ng kanilang sariling landas sa buhay, hinihikayat ng Papa ang mga kabataan na makinig tulad ng Birheng Maria at bigyang pansin ang mga sinasabi ng kanilang mga lolo’t lola.
- Sa kanyang mensahe, inaanyayahan ni Francis ang buong buhay na bunga ng katapangan na ibigay ang sarili sa paglilingkod sa kapwa.
(Vatican City, Mayo 3, 2022) – Ang Pope Video para sa Mayo ay nai-publish na may layuning panalangin na ipinagkatiwala ni Francis sa buong Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng Worldwide Prayer Network ng Pope. Ngayong buwan, hinarap ng Santo Papa ang mga kabataan at inaanyayahan silang “tuklasin kay Maria ang istilo ng pakikinig, ang lalim ng pag-aninaw, ang katapangan ng pananampalataya at dedikasyon sa paglilingkod.”
Ang Kahalagahan ng Pakikinig
Liban sa halimbawa ng Birheng Maria, inirerekomenda ng Papa na ang mga kabataan sa kanilang proseso ng pag-aninaw sa kalooban ng Diyos ay makinig sa “mga sinasabi ng kanilang mga lolo’t lola”, dahil “sa kanila ay makakatagpo sila ng isang karunungan na aakay sa kanila na lumampas sa mga uso.” Gayunpaman, dapat ding marinig ang mga ito. “Kailangan nating lumikha ng higit pang mga puwang upang doo’y umalingawngaw ang boses ng mga kabataan,” sabi ni Francis sa pangaral niya sa Christis Vivit. Ang kahilingang ito mula sa Santo Papa ay tinanggap na noong 2019 ng Dicastery for the Laity, Family and Life, na lumikha ng isang internasyonal na katawan na kumakatawan sa mga kabataan upang hikayatin ang kanilang partisipasyon at co-responsibility sa mga partikular na Simbahan. Kaya nga, sa pakikipagtulungan nitong Dicastery, ginawa ang Video ng Papa para sa Mayo: ang una sa isang triptych ng mga intensyon ng panalangin na magtatampok sa pamilya sa Hunyo at sa mga matatanda naman sa Hulyo.
Katapangan at Paglilingkod
Binibigyang-diin ng mensahe ng Mayo a ng paglilingkod, upang ang pag-aninaw nila sa kalooban ng Diyos ay may positibong epekto sa iba. Inaanyayahan ni Francis ang mga kabataan na maging matapang at lakas-loob na magsabi ng ‘oo’ sa Panginoon tulad ng ginawa ni Maria, na “nakipagsapalaran at itinaya ang lahat at binago ang kanyang buhay sa sa pagsunod sa Kanya.” Giit ng Santo Papa, “Kayong mga kabataan na gustong bumuo ng isang mas mahusay na mundo, sundin ang halimbawa ni Maria.”
Ang halimbawa ni Maria para sa mga kabataan, na binanggit ni Papa Francisco sa videong ito, ay sinalungguhitan ni Padre João Chagas, pinuno ng Tanggapan para sa mga Kabataan ng Dicastery for the Laity, Family and Life: “Ang tema ng susunod na pandaigdigang peregrinasyon [pilgrimage] ng mga kabataan, ang -WYD sa Lisbon 2023 ay magiging Marian, nauukol kay Maria: ‘Bumangon si Maria at dali-daling pumunta . . . (Lk 1,39). Ang buong landas ng paghahanda para sa kaganapang ito ay isang paanyaya sa mga kabataan na bumangon at tulungan ang mundo na gawin din ito. Sa kanyang huling mensahe sa mga kabataan, inanyayahan sila ng Santo Papa: ‘magtulungan tayong bumangon nang sama-sama, at sa mahirap na makasaysayang sandaling ito tayo ay magiging mga propeta ng bagong panahon, punô ng pag-asa. Nawa’y mamagitan ang Mahal na Birheng Maria para sa atin.’” (Pope Francis, Mensahe para sa XXXVI WYD).
Si Padre Frédéric Fornos S.J., ang International Director ng Pope’s World Prayer Network, isang gawaing pontifical na mayroong pangkabataang sangay, ang Eucharistic Youth Movement (Eukaristikong Kilusan ng Kabataan). Paalala niya sa atin, na sa simula pa lang ng pontificate ni Papa Francisco, binigyang-diin na ng Papa ang kahalagahan ng isang bagong pagkakaunawaan sa pagitan ng mga henerasyon o salinlahi, sa partikular sa pagitan ng mga lolo’t lola at mga apo. Nagkomento siya: “Hindi nagkataon lamang na madalas na gustong ipaalala ni Francisco ang sinabi ni propeta Joel: ‘Pagkatapos nito, ipagkakaloob ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao: ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki’t babae ang aking mga mensahe. Magkakaroon ng mga panaginip ang inyong matatandang lalaki, at makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki.’ (Jl 3, 1; cf. Acts 2, 17). Sa layunin ng panalangin ngayong buwan, sa konteksto ng prosesong Synodal, binibigyang-focus ni Pope Francis ang paghubog sa mga kabataan na matutong aninawin ang kalooban ng Diyos. Paano matutulungan ang mga kabataan, na sumusunod sa istilo ni Maria, na makinig, makilala, makilala ang mga tawag ng Panginoon at maglingkod sa mundo ngayon? Dito,tiyak na may gampanin ang mga matatanda upang tulungan ang kabataan sa gawaing ito. Sama-sama tayong manalangin para sa intensyon ng panalanging ito.”
Nagiging posible lamang ang Ang Video ng Papa salamat sa bukas-palad na ambag ng maraming tao. Maaari kayong magbigay ng inyong donasyon sa link na ito:
Saan mapapanood ang video?
- Ang Opisyal na Website ng Ang Video ng Papa
- YouTube Channel ng Ang Video ng Papa
- Facebook Page ng Ang Video ng Papa
- Twitter ng Ang Video ng Papa
- Instagram ng Ang Video ng Papa
- Opisyal na Twitter @Pontifex
- Opisyal na Instagram @Franciscus
Tungkol sa Video ng Papa
Ang Video ng Papa ay opisyal na pandaigdigang inisyatibo na layuning ipakalat ang mga buwanang intension ng Santo Papa. Isinasagawa ito ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (Apostolado ng Panalangin o Pope’s Worldwide Prayer Network). Mula pa noong 2016, napanood na ang Video ng Papa nang higit sa 176 milyong ulit sa lahat ng mga social network ng Vatican, at isinalin na sa higit sa 23 mga wika at iniulat na sa mga pahayagan sa 114 na mga bansa. Nilikha at prinodyus ang mga video ng pangkat ng Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa, sa pakikipag-coordinasyon kay Andrea Sarubbi at sa pakikipagtulungan ng Agencia La Machi Comunicación para Buenas Causas. Suportado ng Vatican Media ang proyektong ito. Higit pang impormasyon sa: Ang Video ng Papa.
Tungkol sa Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa (PWPN)
Ang Pandaigdigang Lambat-Panalangin ng Papa PWPN o Pope’s Worldwide Prayer Network ay isang Gawain ng Santo Papa (Pontifical Society/Work at Foundation) na may misyong pakilusin ang mga Katoliko sa pamamagitan ng panalangin at gawa upang tumugon sa mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan at ng misyon ng Simbahan. Ipinababatid ang mga hamong ito sa pamamagitan ng mga intensiyon sa panalangin na hinihiling ng Santo Papa na ipagdasal ng buong Simbahan. Nakaugat ang misyon ng samahang ito sa mga hangarin at layunin ng Puso ni Hesus na walang iba kundi ang misyon ng pagdadalang-awà at pagmamalasakit sa mundo. Itinatag ang PWPN noong 1844 bilang Apostolado ng Panalangin. Matatagpuan ito sa 89 na bansa at binubuo ng 22 milyong Katoliko. Bahagi ng PWPN ang isang sangay ng kabataan: ang EYM o Eucharistic Youth Movement (Kilusang Eukaristiko ng Kabataan). Noong Disyembre 2020, itinalaga ng Santo Papa ang gawaing ito bilang isang Vatican Foundation at inaprubahan ang mga bagong tuntunin (statutes) nito. Si Padre Frederic Fornos, SJ ang Pandaigdigang Direktor ng PWPN. May higit pang impormasyon sa: https://www.popesprayer.va/
Tungkol sa Dicastery for the Laity, Family and Life
Ang Dicasterio para sa Layko, Pamilya at Buhay ay namamahala sa pagpapalakas ng apostolado ng mga mananampalatayang layko, sa pastoral na pangangalaga sa mga kabataan, mag-asawa at pamilya at ang kanilang misyon ayon sa plano ng Diyos, pag-alaga sa mga matatanda at pagtataguyod at proteksyon ng buhay. Para sa karagdagang impormasyon: http://www.laityfamilylife.va. Tungkol sa “Taon ng Amoris Laetitia para sa Pamilya”, tingnan ang: www.amorislaetitia.va.