OKTUBRE | Para sa Ating Sama-Samang Misyon

Ipagdasal natin na ang Simbahan ay patuloy na suportahan sa lahat ng paraan ang isang estilo ng pamumuhay na sinodal, sa diwa ng pagtutulungan, pagtataguyod ng partisipasyon, komunyon at pakikibahagi sa misyon ng mga pari, relihiyoso at layko.

SETYEMBRE | Para sa Sigaw ng Daigdig

Manalangin tayo na ang bawat isa sa atin ay makinig nang buong puso sa sigaw ng Daigdig at ng mga biktima ng mga sakuna sa kapaligiran at pagbabago ng klima, sa pagtatayâ ng sarili sa pangángalagà sa mundong ating ginagalawan.

Official Image - TPV 8 2024 TL - Para sa mga lider sa pulitika - 889x500 (1)

AGOSTO | Para sa mga lider sa pulitika

Ipagdasal natin na ang mga pinuno sa pulitika ay tunay na maglingkod sa kanilang kababayan, magtrabaho para sa integral na pag-unlad ng tao. Magtrabaho para sa kabutihang panlahat, alagaan ang mga nawalan ng trabaho at magbigay prayoridad sa pinakamahihirap.

HULYO | Para sa pastoral na pag-alaga sa mga maysakit

Ipanalangin natin na ang Sakramento ng Pagpapahid sa Maysakit ay magbigay ng lakas ng Panginoon sa mga tumatanggap nito at sa mga mahal nila sa buhay, at nawa, para sa lahat, ito’y maging mas nakikitang tanda ng malasakit at pag-asa.

TOTAL VIEWS

+ 235M

sa mga Vatican Network lang

MGA VIEW 2024

+ 16.9M

PRESS ARTICLES

+ 27K

sa 114 na bansa

Tumulong sa pagpalaganap ng mga Layunin ng Panalangin ng Papa ngayon!

Nacho JimenezAng Papa Video